• CHAPTER 29 "Rogue!"

ابدأ من البداية
                                    

Hindi ito tumugon, kaya nagpatangay nalang siya dito. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin pero wala siyang balak na bumitaw dito. Napangiti si Neo sa kaniyang isipan, hindi niya lubos na maisip na babalikan sa ni Eugi. Ibig sabihin ba noon ay may paki ito sa kaniya?

Hindi na niya namalayang nakapasok na pala sila sa loob ng isang kuweba!

"San tayo??"

"Dito muna tayo mag stay.."

"Ligtas ba dito?"

"Kumpara sa labas, oo.."

~•~•*•~•~

"Pres, 'san na daw sila?"

"Hindi pa sila mahanap, Sheiko eh.."

"H-Ha? E 'di ba ang sabi mo hahanapin mo sila?"

"Tinanong ko na ang head ng security team.. Nagsarado na raw 'yung barrier at sinigurado nilang walang naiwan sa taas.. So, sure akong nakababa na sila bago pa mag activate 'yung barrier.."

"Then, na'san sila?"

"Hindi ko nga alam.. Mukha ba 'kong hanapan ng mga nawawala?"

"Hindi.. pero mukha kang sinungaling.."

"Anong sabi mo!?"

"Ayoko ng ulitin.. ba'la ka kun'di mo narinig.." mabilis siyang lumayo dulot ng inis. Hindi maipaliwanag ang inis na nararamdaman ni Sheiko dahil sa pagiging ignorante ng mga security team members. Nasisigurado niyang naiwan ang dalawa sa itaas at hindi ito makababa dahil sa nakaharang na barrier.

Kanina pa pagala-gala ang tingin ni Sheiko, pero hindi pa rin niya mahanap ang dalawa.

Nag aalala na siya sa kanila..

"Calling the attention of Blue Haven students!" kumuha ng kanilang attensiyon ang babaeng kakaakyat pa lamang sa stage. Nahinto naman ang ingay ng mga estudyante at nag pokus sa harap kung saan nakatayo ang vice president . "Do not panic students. I know this situation is uncalled for, but we are asking for everyone's cooperation.."

"Cooperation? Ano 'to? Groupings?" bulong ni Sheiko, magkakrus ang kaniyang braso.

"Though we didn't seem to understand why the lab team became so reckless by letting the rogue dragon escape.. lack of security is the cause.. We hope this could never happened again.. the security team are on their way to hunt the rogue, so please be reminded to calm down and reduce overthinking.. We will fix this immediately.."

'Calm down!? Dafak! Nandoon pa sila! How could they assure everyone's safety without confirming if everyone is here? This system is fucked up!'

~•~•*•~•~

"Shh.."

"Okay, okay.." hinahabol ng kaniyang hininga si Neo habang puno ng kaba ang kaniyang dibdib. One move will end them. Kailangan niya maging maingat sa pag gawa ng ingay. Hindi niya akalaing mapupunta sila sa ganitong sitwasyon. Kung alam niya lang sanang makikita nila ni Eugi ang gumagalang dragon, hindi na sana sila lumabas ng building. "Ano ng gagawin natin, Eugi?"

"Manahimik.."

"Maliban 'don?"

"Manatili rito.."

"S-Sige.. Hindi kaya inaabangan na tayo ng dragon sa labas? Hinihintay niya lang tayong lumabas sa loob ng kulob.."

"E 'di h'wag tayong lumabas para maburyo siya.."

UNRIVALED!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن