Napailing ako.

Ganito na ba siya talaga kaganda kahit dati pa? Para kasing biglang may nag iba e.

"Ano iyong titig mo na iyon kanina kay Dee, kuya?"

Hindi ko agad sinagot ang tanong ng an ng kapatid. Para kasing inaasar ako nito.  So I took my phone and sent a message to that girl who gave her number to me last time.

"Tigilan mo nga ako, siraulo ka. Alis muna ko, may date ako," turan ko bago ngumisi. 

If I have to date all those girls na halos hindi ko na maalala ang mga pangalan, I would. Mas safe ito kaysa puro si Dee ang nasa utak ko. Nababaliw na yata ako eh. 

Si Dee kasi iyon. Kababata ko, for fuck's sake!

"Ano iyan?" napalingon ako ng marinig ang boses ni kuya Yelo.  May hawak itong baso ng gatas na hula ko ay dadalhin nito kay Grey.  Nakita siguro ako nito mula sa malayo kaya tinungo na rin ang aking kinaroroonan. I was sitting on a bench here near the pool. Gabi na ngunit may sapat naman na liwanag para makapagsulat ako.

"Are those letters?" bigla nitong tanong at mabilis ko na ding naitakip ang notebook na pinagpapatungan ko para hindi niya mabasa ang sinusulat.

Mukhang naintindihan naman nito ang nangyayari at hindi na napigilan ang pagngisi

"Binata ka na talaga. Hindi ka na pokpok," anito bago ginulo ang aking buhok tsaka ako iniwan.

Nahimalos ko naman ng aking mga palad ang aking mukha dahil sa sobrang frustration.

What the hell am I even doing? Am I really writing letters for Dee?

Nang umalis si Chase para samahan si Grey na mahpagamot ay napansin ko na ang extra closeness na namamagitan sa dalawa. Palagi kong nakikitang ka-video call ni Dee si Chase and for some reason, it started to piss me off.

Ano ba talaga ang nangyayari sa'kin?

Kaya naman ng sabihan ako ni Chase na lumayo ng kaunti kay Dee ng kausap ito ng huli, mas lalo akong nainis.  Girlfriend my ass! Hindinsila pwedeng magkaroon ng relasyon.

Kahit kailan ay hindi ako nabwisit sa kapatid kong iyon but when I heard what Dee did for Chase, bigla akong natakot. Are they really together?

Mahal ba talaga ni Dee ang kapatid ko?

Litong lito ako sa kung ano ang dapat kong maramdaman. And Dakota, she had treated em the same ever since. So paano ba dapat ako kumilos kapag nandyan siya?

"Am I a devil to you?" bigla nitong tanong sakin ng minsan kaming kumain sa labas. Bigla itong nagyayang magpunta sa mall at kumain ng icecream. For some reason, nagsabi rin ito na hindi muna magpapasundo. I knew something was wrong. But Dakota has been like that. Magsasabi siya kung kailangan,  kung kaya na niya.

Nalingat lamang ako sandali ay may mga lalaki na agad na nakalapit sa kanya.

"Nah, you're my princess. Nakalimutan mo na ba?" kunwari ay biro ko habang ang nakapalibot pa rin sa kanyang baywang ang isa kong kamay. It felt comfortable, it felt right. I mean, having her in my arms. Kaya naman nang marinig ko ang sumunod nuyang tinuran ay muntik na akong hindi makapagpigil.

"I can be your Queen," she whispered. Mahina lamang iyon but I heard it still. 

Tangina. Kapag ganyan siya ng ganyan ay baka sunggaban ko na talaga siya, kahit na batukan na niya pa ako.

Nang makilala ko si Chaese at malaman na gusto siya ng kapatid ko, hindi ko maiwasang matuwa. Mukhang mabait naman ito kaya mas okay. Sa ganitong paraan ay mababaling ang atensyon ni Chase dito at nang hindi na lamang puro si Dakota ang nakikita.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now