25

1.2K 58 18
                                    

Hoy magcomment naman kayo 😂😂😂

----------

From now on...

"Magagalit sila Ulap kapag nalaman na nasa dagat tayo ngayon," natatawa kong turan. I felt his chin resting on my shoulder, ang kanyang mga kamay ay nakapalibot na sa 'king katawan habang yakap yakap niya ako mula sa aking likuran.

His soft chuckles makes music to my ears. Kasabay ng suot kong mahabang dress, parang tinatangay din ng hangin ang bawat katagang namumutawi sa kanyang mga labi. Imbes na kabahan at isipin na baka tulad ng hangin ay mabilis na maglaho ang bawat pangakong binitiwan niya sa 'kin, mas gusto kong isipin na palagi niyang maaalala ang bawat katagang pareho naming binitiwan.

"Bayaan mo siya. Lagot naman kay Mama ang isang 'yon. Pinakuhanan ng tutor, ayaw kasi mag seryoso mag aral,"

"Give him a break. Hayaan mo silang mag enjoy ni Gold,"

"Ayan, kaya malakas loob nila Ulap, isa ka ding kunsintidor," nguso nito. Humigpit lalo ang yakap niya sa aking baywang. It didn't matter that the cold breeze is starting to make me feel uncomfortable. Papadilim na rin kasi. The warmth coming from him was more than enough to make me feel better.

"They're still my babies, Milan. Hayaan mo silang dalawa kung hindi ay mapipingot ka sa 'kin,"

Umangat bigla ang kanyang kamay bago kinurot ang aking pisngi.

"Oo na. Inii-spoil mo yung dalawa pero palagi mo namang binabatukan,"

"Because I care for them," humagikgik pa ako ng bahagya lalo na at alam kong kokontrahin niya lamang ako.

Sanay na sanay na ang mga kababata ko sa mga ganoon kong galawan, lalo na si Ulap at Lexo. But despite that, ayaw ko pa rin na naaapi ang dalawa. Bata pa rin sila sa 'kin paningin kaya naman ayaw ko rin na kinokontrol masyado ang mga ito. I don't speak too much about them pero doon ako palagi sa makapagpapasaya sa kanila.

"Bakit si Grey hindi mo sinasapok?" napalingon pa ako ng bahagya sa kanyang tinuran.

"Are you serious? Grey is my soulmate. Mas lalo ng walang pwedeng manakit sa kanya hangga't buhay ako. Which reminds me, matagal na kaming hindi nakakalabas na kaming dalawa lang,"

"I'll set up a date for you two in a few days, don't worry. For now, tayo na lang muna ang magdate ng magdate,"

Napangiti ako sa kanyang tinuran. I turned around and faced him, ang aking mga kamay ay pumalibot na rin sa kanyang katawan.

"I want to create beautiful memories with you," hindi ko na napigilang ibulong.

"I have a lot of beautiful memories with you though?"

"Huh?" napakunot ang aking noo but he was just there, looking at me with his beautiful smile, the very same one that melts my heart every single time.

"Bawat araw, bawat oras, bawat segundo, even those random times you call my name, 'yong mga tingin mo sa 'kin noon na hindi ko alam na may halo palang pagnanasa," he smiled for a moment, pausing a little dahil kinurot ko siya, "all those times I have you in my arms including right now, are beautiful memories for me. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad narealize, pero gusto kong malaman mo na I wouldn't trade all of those for anything unless it's a future with you,"

My lips quiver at his words. Hindi ko inaasahan na bibitiwan niya ang mga ganoong salita. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako sa langit at bawat salitang lumalabas sa kanyang mga labi ay tila binubuhat ako at inililipad na ako sa langit.

I have never felt this happy before. Pakiramdam ko, lahat ng sakit, lahat ng pag aalinlangan at pagdurusang naramdaman ko, nabura na lang silang lahat agad bigla.

Sinakop ng magkabila niyang kamay ang aking mukha at tinitigan ako ng diretso sa mga mata.

"A forever with you, iyon na lang siguro ang kulang sa buhay ko, Dakota..."

He pulled me closer and I didn't expect that he'll even pull something like this to me. Pinagkiskis niya ang tungki ng aming mga ilong na naghatid ng kakaibang kasiyahan sa akin.

"Bakit hindi mi mo kaagad inamin sa 'kin?" bigla niyang tanong. Hinatak na niya ang aking mukha sa aking dibdib at niyakap ako ng mahigpit.

"Na mahal kita?" tanong ko at nadinig ko siyang umungol bilang tugon. "Hindi naman kita gustong obligahin sa kahit na anong bagay. Whatever I feel for you, sariling emosyon ko iyon. Ayokong magkaroon ka ng responsibilidad sa 'kin"

"But you were hurting for so long. Alam mo ba kung gaano kahirap pakinggan ang katotohanang, nagkaroon na ng malaking lamat ang puso mo dahil sa katangahan ko? Kung alam ko lang, matagal na sana kitang nilandi landi,"

Lumayo ako ng bahagya at sinilip ang kanyang mukha, "What made you change then? Bakit bigla na lang nag umpisa kang landi landiin ako. Alam mo ba kung paano ako halos mabaliw sa pagiging maharot mo?"kinirot ko na naman siya sa tagiliran at marahan siyang napakislot.

"I don't know, baka dahil kay Chase. Masyado mo kasi siyang inalagaan. You were too worried, too concerned, pati si Cheska pinatulan mo. Tapos inuwi mo pa dito si Chase so I started feeling so annoyed. Kahit kailan ay hindi ako nagselos sa mga kapatid ko pero pagdating sa 'yo, parang handa akong makipag agawan kay Chase. Dahil sa 'yo nawawala sa isip ko na magkadugo kami,"

Mas lalo akong napapikit. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa kanyang mga tinuturan.

"Sa tuwing nakikita kitang nag aalala para sa kanya, parang pinipilipit ang puso ko. Sa tuwing nakikita kong iniisip mo kung okay lang siya, gusto ko biglang batukan ang kapatid ko. Kaya kahit na dumating na si Andrea, hindi la rin ako mapakali. And that's when I promised to myself na aagawin ko ang atensyon mo sa kanya. I just want you for myself, Dakota. Gusto ko sa 'kin lang lahat ng atensyon at pagmamahal mo," madamdamin nitong turan. He swayed our body back and forth and my eyes closed as I feel his warm embrace.

Ang sarap makulong sa mga bisig niya, sa pagmamahal niya. Siguro nga, masyadong mabilis ang lahat. Things may seem to be happening too fast pero sigurado ako, nararamdaman ko na mahal ako ni Milan.

"Mahal kita Dakota. Alam kong wala pa akong napapatunayan, at wala ka pang napanghahawakan tungkol sa nararamdaman ko but I'm willing to work on that. Sisiguraduhin kong bawat pagkakataong mayroon ako, ipaparamdam ko sa 'yo na hindi ka nag iisa, na hindi lang ikaw ang nagmamahal. You have me now, and I will be by your side from now on,"

Agad na nanginig ang aking mga labi, ang luhang ipinangako ko kagabi na hindi na papatak ay nag uunahan na namang rumagasa sa aking pisngi.

Nakakalula pa rin kasi. There's still a part of me na hindi pa rin makapaniwala na mahal ako ni Milan, that he's finally mine. Sabi ko ayoko ng matakot pero hindi ko pa rin lubusang mapaniwala ang sarili sa lahat ng nangyayari.

"Mahal din kita Milan. I love you so much I'm willing to risk everything,"

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now