45

1.3K 55 28
                                    

Pressure...

I was a mess. Ni hindi ko maalala kung sino ang umasikaso sa'kin kasi apparently, I ran out of the room na suot lamang ang malaking t-shirt ni Milan. Though it was big enough para hindi makita ang panty kong suot dahil umabot naman iyon sa gitna ng aking mga hita, I was pretty sure medyo hindi pa rin decent tignan considering na naglupasay ako sa hallway at doon na umiyak.

Kaya naman pala kulang na lang ay maglakad na parang bulag si Alexo doon dahil nakatakip ang mga mata. 

But I don't even care about all that. Basta all I know is one of the girls were quick enough to help me wear some shorts at sinamahan na nila ako sa ospital.

Milan undergo a lot of test. Hindi ko na naintindihan ang mga nangyari but we are all inside a room for him habang siya ay hindi ko na alam kung ano na ba ang mga pinagdaraanan. 

Hindi ko maintindihan,  what went wrong? Akala ko ba ay okay na siya sabi ng mga doktor sa Amerika? He's been doing fine since months ago. Bukod sa mga memories na hindi na niya maalala, wala naman ng issue sa health niya. So I don't understand, bakit ganito na naman?

Bakit hindi natatapos?

I thought everything was already fine, kasi okay na kami e. Ayos na kaming dalawa. We already accepted the fact na wala na kaming mga alaalang babalikan. We agreed to start anew.

So bakit?

My heart is just at its weakest right now. Hinang hina na ako at hindi ko na kakayanin kung sakaling sabihin nila sa'kin na may problema na naman. 

Just how much does Milan has to suffer?

I was shaking the entire time.  Nakaupo lamang ako sa couch while they are all so busy calling people. Baka tinawagan na din nila sila Tita Anastasia.

Nakaangat ang mga paa sa couch habang yakap yakap ang aking mga tuhod, I started nibbling on my fingernails.

Lutang na lutang ako. I'm honestly scared. Mas takot ako ngayon kumpara noong mga panahong hindi pa nagigising si Milan.  Kasi it's just too much.

Nang maibaba ko ang aking mga tuhod at mapaupo ng maayos, hindi ko pa rin maiwasang makagat ang aking mga kuko. I was unaware of my surroundings so when I felt someone continuously poking on my boobs, yes - my chest - dahan dahan akong napabaling sa aking gilid sa sobrang gulat.

There she is, still poking them. Napaawang ang aking labi.

"Teesha," narinig kong saway bigla ni Ulap sa anak na nakatayo na pala sa'king harapan.  Wala na talaga ako sa'king sarili kaya hindi ko na napansin.

Teesha stared at his father like she did nothing wrong, like poking my chest is a normal thing to do.

"Hindi niya po ako na-notice eh I've been calling her, pappy bear.  Di ba, this is what you do with momma if she's not paying attention po?" inosente nitong turan.  Napalingon ako kay Ulap na napakamot pa sa batok nito dahil sa tinuran ng anak. 

"Ge'ez,  Bobbie... Look what Teesha's learning sa karupukan niyong mag asawa," I heard Ahyessa utter. 

Napalunok ako before glancing back at Teesha.  She was staring at me intently kaya naman medyo na-curious ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Yes baby?" mahinahon kong tanong.  Pinalapit ko siya sa'kin at mabilis naman siyang umupo sa'king tabi.

"You're sad po kasi, Tita Dee. Pappy Bear said Tito Ulan will be okay. So dapat you're not sad po,"

She even lean forward and tuck a few strand of my hair behind my ears. She was pouting so adorably na hindi ko na din mapigilan ang hindi mapangiti.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now