5

1.4K 62 69
                                    

Girlfriend...

"Dakota, may boyfriend ka ba sa mga Puntavega?"nahihiyang tanong ng katabi ko pagkaupong pagkaupo ko pa lamang sa aking pwesto. Sinundan ko pa ang kanyang tingin na nasa gawi pa din ni Chase na siyang naghatid sa'kin ngayong araw.

Freshmen na sila Chase dito, sila ni Ulap kaya sila Gold at Grey na lamang,  tsaka si Juliene ang nasa high school. Juliene is just two years younger than the twins. Ngayong college na si Chase ay automatic na nag home school ang dalawa dahil baka hindi kayanin ni Gold na bantayan ang kambal. Isang taon lang din naman. Malaya namang nakakapunta ang kambal dito kapag gusto nila. Sa katunayan ay madalas na si Gold ang naghahatid sa mga kuya niya kapag tamad na tamad silang magdrive which should be illegal dahil wala pa siya sa tamang edad pero kunsintidor naman si Yelo at nakikinabang din si Aedree kaya hinahayaan na lamang nila.

We all know they're both dead with their abuela though kapag nagalusan man lang ang bunsong lalaki nila. Paborito kase si Gold dahil bunso kaya naman ngayon pa lamang ay sa kanya na nakapangalan ang mansyon.  It's a gift he received on his fourteenth birthday habang si Grey naman ay may sariling properties na nakapangalan sa kanya sa ibang bansa.

Even so, hindi din naman naaapi ang ibang mga Puntavega.  As far as I know,  everyone of them share equal rights on the Conglomerate in terms of inheritance. Matagal nang nasettle ang bagay na iyon na sinigurado ni Lola dahil nga sa Papa nila Grey. Abuela made sure na walang mapakikinabangan ang kahit na sinong magiging babae ng papa nila Grey lalo pa nga't legally married pa din ito sa asawa. Hindi naman kaso iyon dahil may sariling kumpanya si tito kaya naman hindi ito nangingialam sa pera. Though isa talagang problema ang pagiging babaero nito.

May kanya kanya ding properties na nakapangalan sa bawat magpipinsan. I was probably around eleven when I finally realized how rich they are. Hindi ko din naman kase naiintindihan ang bagay na 'yun noon.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi nang maalala ang halaga ng bracelet na iniregalo ni Yelo kay Mattee noong birthday nito. Yelo really goes all out basta para kay Mattee at kahit pa nga alam kong may maayos silang usapan tungkol sa bagay na iyon at hindi naman ako dapat nangingialam, hindi ko naman mapilit ang aking sarili na hindi mag alala sa kahihinatnan ng lahat ng ito.

They are both my friends and they are precious to me. Ayoko'ng isa sa kanila ay maubos sa dulo. Ang problema, sa nakikita ko ay meron at merong masasaktan.


God,  bakit ang kumplikado magmahal?


Tinanguan ko pa si Chase ng muli itong tumingin sa aking gawi bago tuluyang umalis.

Muli kong nilingon si Teodelane na nahihiya pa din habang nakatingin sa'kin. She's one of the only few people na pinapansin ko dito mainly because I like her at hindi siya makulit. Matalino din siya at hindi puro tsismis ang inaatupag. So now that she's asking me about it, bahagyang napaangat ang aking kilay.

"Why are you suddenly asking?"

Namula agad ang kanyang pisngi at nag iwas na agad mg tingin. Don't tell she likes one of them?

Hindi naman ako magtataka sa bagay na iyon. Those seven men are gorgeous as hell. Napakagaling nilang magdala ng sarili at talagang imposibleng hindi mo sila mapansin. Kahit nga yata hindi na mamahalin ang isuot ng mga iyon ay maglalaway ka pa din.

Natawa ako bahagya bago siya sinagot.


"Wala naman.  They are my childhood friends Jodie, natural lang sa kanila na maging maalaga sa'kin dahil nakasanayan na nila," paliwanag ko.  I call her Jodie simply because ang haba ng name niya. Sinilip ko ng bahagya ang kanyang mukga at napailing nang mapansin na pulang pula pa din iyon. 

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now