42

1.4K 53 14
                                    

Pamilya....

"Nagtatampo ako.  Kung hindi ka pa hinanap ni Milan dito ay hindi ko malalamang matagal ja na palang nakauwi,"

Natawa ako sa tinuran ni Papa. I moved closer to him at niyakap siya mula sa likuran habang siya ay nakaupo sa sala.  We were just there like we always do even then.

"Pa naman, I just needed some time to think.  Sorry na," alo ko sa kanya.  Nakokonsensya din naman ako kaya lamang, I feel like I really needed to be away that moment. Hindi ko alam kung bakit sa dinami rami ng pwede kong puntahan ay kay Yelo ako dumiretso.  But in all honesty, the moments I stayed with him and Alessandro helped me. 


Ang light lang kasi though Yelo curses me occasionally, I feel like that was what I really need at that time. 

Kasi di ba, pakiramdam ko kasi ay siya ang pinaka nakakaintindi sa nararamdaman ko. 

He was hurt too, in pain too.  And I needed comfort from someone who understands me emotionally.  Kasi kung umuwi siguro ako noon, I'll just break down in front of my parents. Iiyak na lamang ako sa harapan nila but I won't have a heart to tell them why.  Because I don't want them to blame themselves for it. 

I needed it.  And Yelo, his presence comforted me a lot.. Alam ko kasi na hindi ako pakikitunguhan ng iba ni Yelo. He was the most genuine person I would ever find.  Like, demonyo kung demonyo.  But that's him caring. 


"Ano ba ang pinag isipan mo at namundok ka pa yata? Pwede ka namang mag isip sa kwarto.  O sa terrace.  Hindi ka naman namin iistorbuhin,"

Napangiti ako lalo pa nga at nahagip na ng aking tingin si Mama na naglalakad papalapit sa'min.  She personally made our merienda for this day. 

Kanina lang kasi kami dumating ni Milan. 

After my breakdown, ipinasok niya akong muli sa bahay.  I don't know what Milan said to Alexander dahil medyo lutang na ako ng mga oras na iyon but he opened the door right after Milan spoke.  Milan carried me to the same room I was occupying before he came.

Doon ay nakatulog ako ng mahimbing lalo pa nga at yakap yakap niya ako. 

We didn't talk after that.  Oo nga at nagpaliwanag siya sa'kin,  even saying sorry for everything.  But that doesn't erase the fact na pagod na 'ko.  I'm just too tired of all of these. 

Gusto ko na lamang na matapos ito and be happy.  Kaya nga lang, alam ko, nang puso at isip ko na iyong happiness na hinahanap ko ay sa isang tao ko lang makukuha.  Ganoon naman kasi siguro talaga, doon lang tayo nagiging lubusang masaya sa piling ng taong siya ring makakasakit sa'tin ng sobra.  Sobrang ironic pero that's life eh. 

Sobrang pagod ko na din siguro physically and emotionally kaya sobrang haba ng naging tulog ko.  Halos madaling araw na ako nagising pero hindi naman ako bumangon.  Pinagkasya ko na lamang ang aking sarili sa pagtitig sa mukha ni Milan na mahimbing na natutulog sa'king tabi. 

"Tigilan mo na si Elisse,  Chris.  Kasalanan mo dahil hindi ka nagpafile ng vacation leave kaya tuloy hindi natin siya nabibisita," ibinababa ni Mama sa lamesa ang tatlong baso ng juice at mga chicken sandwich. 

I gave my mom a wink bago lumapit para kumuha na rin ng makakain.  I sat on an empty couch before them.

Noon naman dumating ang aking kapatid na kandahaba ang nguso at hindi maipinta ang itsura.

"Ang laki nang pisngi mo Andrea. Bakit ka nakasimangot?" natatawa kong turan.  Kakababa lamang niya ng hagdanan at magulo pa ng kaunti ang buhok. 

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now