Feeling relieved si Vanessa. Si Gilbert, naitanong ang reaction ng mommy ni Vanessa.

“Masaya naman po siya.” Sagot ni Vanessa. Pero pansin ni Jean, hindi nagsasabi ng totoo ang kaibigan. 

Hanggang sa sabihin na ni Vanessa ang plano niya, “Isasama ko po si Baby sa Amerika.”

Gulat sila Raquel, Drew, at Gilbert.

Hindi man yun ang gusto nilang mangyari. Pero alam nilang maganda ang intension ni Vanessa. Para ito sa ikabubuti ng mga buhay nila…ng buhay ng baby. Kaya sa huli, pumayag na din sila.

Maya-maya pa muling pumasok ang nurse, “Papipirmahan ko lang po itong birth certificate..Ano po ang pangalan ng bata?”

Napatingin si Drew sa mga magulang, gustong bumawi lalo na kay Gilbert na marami ng nagastos sa mga needs ni Vanessa,“Vanessa... Kung okay lang sayo... Albert sana... Pinagsamang pangalan namin ni Tatay...Galing sa Andrew at Gilbert.”

“Albert? ... Walang problema sakin, Drew” payag agad si Vanessa.

Ngiti si Drew kay Gilbert, pero si Gilbert tango lang. Inabot ng nurse ang papers kay Vanessa. Pirma si Vanessa.

Then baling ang Nurse kina Gilbert at Drew. Awkward. Hindi alam kung kanino ibibigay. Si Gilbert ba ang Ama? Me edad na? E si Drew? Bata pa!

Hesitant ang nurse, “Kelangan din po pumirma ng Tatay...”

Tinginan sina Gilbert at Drew.  Drew, quietly gets the paper…

Hiya si Drew. Conscious na iba ang tingin sa kanya ng nurse. Sa huli pinirmahan niya pa din. 

Halos manlaki ang mga mata ng nurse. Hindi ito makapaniwala na ito ang ama! …isang 14 years old may anak na?

***


Sa tulong ng mga magulang niya, nabayaran ang initial hospitalization fees ni Vanessa. Pero hindi don tumigil ang gastos dahil may mga naging komplikasyon si Vanessa. Napadalas ang pagdudugo. Kaya na-extend ang stay sa hospital.

Halos ma-guilty si Drew nang marinig niya ang nauubos na savings ng mga magulang niya.

“Ako tong nakabuntis, pero sila Nanay at Tatay ang sumasalo ng lahat. Luging-lugi na sila sakin.”

Gustuhin man ibalik ni Drew ang oras, para baguhin ang naging maling  desisyon nya…naisip nya na lang…


“Alam kong isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Pagkakamaling hindi ko dapat ipagmalaki pero hindi ko din dapat ikahiya. Kailangan ko nang itama ang lahat. Magsisikap ako. Magpapakatino na ko. Magpapaka-responsable na ko!”



Ginawang inspirasyon ni Drew ang baby niya para muling itama ang buhay nya. Para simulan muling mangarap. 


Nang napagdesisyunan ng lahat na pabinyagan si Baby Albert bago ito dalhin ni Vanessa papuntang Amerika.


Kahit sa isang Binyagang Bayan ang naisip nila para makamura sa gastusin. Naisip pa din ni Drew na kailangan may mai-contribute siya sa magiging gastos. Kaya ibinenta niya ang mga paboritong damit na halos hindi niya pa nagagamit.

“Ano ba kasing problema talaga ng pamilya nyo Dude at kailangan mong ibenta yang mga yan?” curious si Arkin.

Hindi sumagot si Drew.

“Dude, gusto mo pautangin na lang kita?” alok ni Dion. 

“Naku hindi na, problema ko to. Kaya kailangan ako lang ang magsosolb nito. Labas na muna kayo dito.” tanggi ni Drew.

“Dude naman, ano pa’t magkakabarkada tayo?” tampo si Arkin. “Dati lang magkasangga tayo sa lahat ng masayang trip…sa lahat ng malaking problema…bakit ngayon parang nag-iba ka na? Ano ba kasi talagang problema mo?”

Gustuhin man i-share ni Drew ang problema niya, pinakiusapan na lang niya ang mga kaibigan na intindihin siya. Nangakong ipagtatapat ang lahat sa tamang panahon.

“Sa ngayon…kailangan ko lang talaga ng pera mga dude.”

Tango na lang sila Arkin. Nirespeto ang desisyon ng kaibigan. At saka binili ang mga damit ni Drew bilang suporta sa kaibigan.

Ang hindi alam ni Drew, nakatago lang si Camille sa gilid.

Hindi man sabihin ni Drew ang totoo, alam ni Camille na ginagawa ito ni Drew para sa baby ni Vanessa. Puno siya ng paghanga kay Drew dahil inako nito ang responsibilidad ng iba. Paghanga na maaring mawala kapag nalaman niya ang buong katotohanan na si Drew talaga ang ama ng baby ni Vanessa. 

BAGITOWhere stories live. Discover now