Chapter 9

5.3K 140 3
                                    

From: Rico

Babe, remedial class lang. Wait for me in canteen. <3

Three weeks na ang relasyon namin. At katulad parin ng dati, siguro mas naging comfy lang kami isa't isa. Lalo na ako, wala ng ilang factor.

Nakuha ko na rin ang schedule nya thru Jerome. Ayaw nya kasing ibigay sakin nung kunin ko. Pinasekreto ko pa nga kay Jerome.

Dumeretso nako ng building nila at nasa ground level lang ang classroom nila. Sa may dulo ng hallway sa first floor may isang room doon para sa mga gustong mag review. Parang mini library.

Dun nalang siguro ako habang hinihintay sya. Sila Vance kasi may practice pa sa theatre. Si Yummy naman nagiging busy na sa sariling course.

"Shit pare! Kailangan mo ng sabihin. If i were you, the sooner the better." Napahinto ako ng marinig ang boses ni Jerome ng buksan ko ang pinto sa mini library nila.

"Shut up!" Manigas ako ng marinig ang boses na yun. Akala ko ba may remedial class sila? Hindi pa nila ako napapansin kasi nasa may likod pa ko ng pinto. Kahit ako di ko pa sila nakikita. Pero sa boses nila parang nakaharap sila sa may pinto at malapit lang sila dito.

"Tsk! I like Jen." Mas nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pangalan ko. Sabi nga nila, mapapahamak ka lang kung makikinig ka sa usapan ng iba. "You better tell her now or ako ang magsasabi. I can see that she really loves you. Kung nagdududa ka dahil sa sorority, you better confront her. But for fuck's sake! Just tell her about that damn frat! Kaya nga ayaw kitang sumali dun." Napahawak akosa bibig ko sa narinig ko.

He knew! He knew about my task! But how? Sinong nagsabi sa kanya? Imposibleng si ate! Or isa sa mga kasama namin? But impossible! Breach of confidentiality yon. Once na malaman nila ate talsik sila agad. Buti nga napagtakpan ako ni ate ng si Vance ang magvideo nung first task ko.

"Shut up! Baka may makarinig sayo. And just so you know. I'll break up with her today." Napasinghap ako at nagtubig ang mga mata ko sa nalaman ko. Kahit naman isa to sa task ko pero sabi naman ni ate na pwede kaming ma in love. And yes! I love him! Saglit lang ang panahon pero sapat na yon para ma in love ako sa kanya.

"What?!"

"Ssshhh.."

Narinig kong napabulalas si Jerome at sinaway ng mga ibang estudyante. Pagkatapos non may narinig akong mga yabag na papalapit.

"One month na bukas. Yun a...." Alam kong si Rico ang nasa likod ng pintuan kaya dali dali na kong umalis at pumasok sa malapit na CR. Hindi ko na napakingan ang iba pa nyang sasabihin. Hindi ko kasi alam kung makakaya ko.

Pagsarang pagsara ko sa pito ng cubicle, nag unahan ng pumatak ang mga luha ko. Ang sakit pala. Bakit ganito? First heartache? Fuck shit! Wala syang karapatan! Kahit naman tinago ko sa kanya na dahil lang sa tang inang sorority ang lahat, pero shit! Minahal ko sya! Minamahal ko sya! Kaya sobrang sakit!

Napaupo nalang ako sa toilet bowl at sinubsob ang mukha sa mga palad ko. Hindi ko na rin napigilan na maphikbi.

Pero wait lang! Di ba nag 'i love you' sya? That means he loves me pero gagawin nya lang yon dahil sa frat right?

Dali dali akong lumabas ng cubicle at inayos ang sarili ko. Hindi dapat ako nagpapadalus dalos.

Sakto namang tapos nakong maghilamos at mag re-touch ng mag ring ang phone ko.

"Yes?"

"Where are you? Di ba sabi ko hintayin mo ko sa canteen?" Medyo may galit ang tono ng boses nya. Binalewala ko nalang yon at lumabas na ng CR.

Sinabi ko sa kanya na may dinaanan lang ako at pupunta nako. Habang naglalakad ako, hindi ko pa rin mapigilan na hindi mangilid ang mga luha ko. Pinapatatag ko nalang ang sarili ko at ilang beses pa kong bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko.

Ng magkita kami sa canteen, inaanticipate ko na na ibe-break nya ko. Pero hanggang sa umuwi na kami wala syang sinabi.

Pero mapapansin ang katahimikan sa pagitan namin. Mukhang malalim din kasi ang iniisip nya.

Simpleng 'bye' lang ang sinabi nya at hinalikan ako sa labi bago sya umalis ng maihatid ako sa bahay.

Sobrang bigat pa ng pakiramdam ko dahil alam kong meron kaming hindi naresolve na kung ano man ang bumabagabag sa aming dalawa. Hindi rin ako nakatulog ng mabuti sa kakaisip.

Kinabukasan, walang Rico na nagsundo sa akin at kahit sa school di ko sya nahagilap. Tinetext at tinatawagan ko sya pero walang sumasagot.

Pinuntahan ko rin sya sa building nila pero wala ito. Kahit si Jerome naging mailap sa akin. Nakita ko sya sa corridor at tinawag pa sya pero parang wala syang narinig na nagdiretso lang ng lakad.

Ayoko namang ipahiya ang sarili ko kaya umalis nalang ako ng building nila at bumalik sa klase ko pero mukha naman akong zombie dahil wala sa klase ang isip ko.

Umuwi agad ako at nagmukmok sa kwarto ko. Tulala lang ako. Oo masakit ang loob ko. Gusto kong magalit, umiyak, magwala. Pero parang pagod na pagod ako para gawin pa ang mga yon.

Ng tawagin ako para mag dinner na, sinabi ko lang na masama ang pakiramdam ko at sa sobrang pagod na rin siguro, nakatulog na ko.

The Don Juan Series - Taming The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon