Chapter 7

6.6K 140 2
                                    

"Oh here she is! Baby nandito si Deric." Pababa palang ako yun na agad ang salubong ni mommy. And bakit ang aga naman yata ni Rico? Usapan namin 8 am nya ko susunduin pero 7:30 palang nandito na sya.

Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Hindi rin ako ngumiti pero sya ngiting ngiti at sinasalubong pa ko sa hagdanan.

Usapan na kasi namin na hahatid-sundo nya ko. And sasabihin namin sa parents ko na manliligaw ko palang sya. Ayoko kasing mabigla sila. Pero kay ate Jem, ok lang dahil alam naman nya.

"Good morning." Masiglang bati nya sakin.

"Morning." Napapangiti na rin ako dahil napaka contagious naman kasi ng ngiti nya. Napaka bright. Tapos pearly white teeth pa sya.

"Halina na kayo. Mag almusal na muna kayo bago kayo pumasok." Nauna si mama sa dining. Usually kasi kami lang dalawa ang nag aalmusal. Si daddy maagang umaalis pero hindi sinasamahang kumain ni mama, nagkakape lang sya. Si ate naman, late riser yun kaya lahat ng sybjects nya pang hapon.

Ng mawala na sa paningin si mama, bigla nalang nya kong kinabig at binigyan ng halik sa labi. Smack lang naman pero sapat na yon para bumilis ang tibok ng puso ko at mangatog ang mga tuhod ko.

Ano bang ginagawa nya sakin? Bawat nalang bigyan nya ko ng halik, pinanlalambutan ako ng mga tuhod. Shit!

Napatunganga nalang tuloy ako sa kanya habang hawak ng isang kamay nya ang likod ko at ang isa sa may pisngi ko.

"Oh na in-love ka na? Smack palang yon ah." He said smugly. Tinulak ko tuloy sya at hinampas sa may braso. Kainis sya! Umagang umaga sinisira ang araw ko!

"Che! In your dreams! Kapalit lang to ng number mo! And di ba nanliligaw ka palang? So no touch! No kiss!" Nakangisi kong sabi sa kanya. Alam ko wala syang gagawing kabalastugan lalo na't nandito si mama.

"Sa harap lang naman ng parents mo. Pero pag tayo nalang may karapatan ako sa touch at kiss na yan. And baby, you don't want to know what my dreams are when they involve you." Hinigit nya ulit ako palapit sa kanya at pinagdikit ang mga pisngi namin. "Because baby, we do more than touch and kiss."

Kinilabutan ako sa bulong nya at naging active ang imagination ko dahil bigla kong nakikita na kaming dalawa, sa kama, walang saplot...

"Thinking about it? Don't worry, you're not alone." Bulong na naman nya at lalo pa kong hinigit at ang kamay nya nasa taas lang ng pang upo ko. Napasinghap ako ng iparamdam nya sa akin ang pagkalalake nya.

Naitulak ko sya dahil sa ginawa nya. I'm only 18 and i don't want to lose my virginity at this age!

"Bastos ka! Urgh!" Nanggigigil kong bulong na sigaw sa kanya.

Nagmartsa na ko papunta sa dining. Narinig ko lang syang tumawa at naramdaman ang kamay nya sa likod ko. Pipiksi sana ako pero nakita ko na si mommy na palabas ng kitchen kasama si ate Ghie na may dalang pag kain.

Mama seated at the end of the table and i seated on her right side. Wala naman talaga kaming mga lugar sa dining table. Basta kung saan mo lang gustong umupo but since laging kaming dalawa lang ni mama ang nag aalmusal, ito na ang naging pwesto namin.

Umupo naman si Rico sa may kanan ko. At dinikit pa ng konti ang upuan nya sa akin!

Nagtanong tanong lang si mama about sa school at pinangaralan pa kami about sa relationship. Geez! Nakakahiya si mama! Alam ko naman kung gaano ka open minded si mama, pero sa pagiging open minded nya, nakakahiya na. Katulad ngayon.

"I know you're legal now, Jen, but be very careful ok? Maging open ka lang kay mommy. I'll try my best as a friend. As an adviser. Ok?" Alam kong pulang pula na ko at halos di ko na malunok ang kinakain ko. At alam ko rin kung anong pinupunto ni mama.

"Mama!" Pagsaway ko kay mama. Nakakahiya! Baka isipin ni Rico na pwede na naming gawin yon!

Napasinghap ako at tiningnan si Rico ng maramdaman kong pinisil nya ang hita ko. I stiffened from what he did at heto na naman ang puso ko, bumibilis na naman sa pagtibok.

Tinaasan ko sya ng isang kilay at pilit na tinatabig ang kamay pero lalo lang nyang hinihigpitan ang hawak nya. Damn him! Ano sa tingin nya ang ginagawa nya!?

Kinuha ko nalang ang tinidor at akmang tutusukin sya pero mabilis nyang inalis ang kamay nya. Ng tingnan ko sya, kumindat lang sya at ngumiti ng nakakaloko.

".... Bata pa kayo..." Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni mama dahil sa kakulitan ni Rico.

Napatingin nalang ako kay mama ng bigla nalang syang tumayo. Tapos na syang kumain?

"I'll go ahead. Bilisan nyo na ang pag aalmusal baka ma late kayo sa school. Deric, you take care of our baby, ok?" Akmang tatayo pa sana si Rico pero pinigilan lang sya ni mama.

Humalik muna sa pisngi ko si mama at umalis na. Wala naman syang work, ayaw kasi ni daddy na magtrabaho sya. Baka pupunta lang sa office ni daddy or pupuntahan ang mga kaibigan nya.

Hindi naman superficial si mama, in fact, nag graduate sya ng Business Ad with honours. Ayaw lang talag ni daddy na magtrabaho pa sya.

"What were you doing?!" Hinarap ko si Rico pagkalabas ni mama. Nakakainis kasi sya!

"What?" Painosente nyang tanong at nagpatuloy sa pagkain.

"Ugh! Maaga akong magkaka wrinkles sayo!" Ang sarap nyang batukan lalo na't sarap na sarap sya sa kinakain nya at pangiti ngiti pa at hindi pinapansin ang galit ko!

"Don't worry, marami akong pera, papabotox natin yan."

"Seriously?! Kainis ka!" Natampal ko sya sa braso pero tumawa lang ulit sya.

---

"Hintayin mo ko mamayang lunch time ok? Puntahan kita sa classroom mo. See you later babe." Binigyan lang nya ko ng smack sa lips at umalis na para sa kanyang klase.

Hindi ko pa alam ang schedule nya kaya di ko alam kung anong oras ang mga klase nya. Kailangan kong kunin just in case na wala ang prof namin.

Nagtataka naman ako kung paano nya nalaman ang schedule ko. Probably he really is stalking. Well that's creepy kung ibang lalake ang gagawa nun. Pero kung sya, bakit parang may kilig?

Buong klase ko tuloy may ngiti ako sa labi. Maybe it's not too bad if i let myself fall for him. Wala naman sa rules na hindi pwedeng ma fall di ba?

Pero nagdadalawang isip pa ko dahil parang napaka bait naman ng tadhana sa akin. Wala man lang akong ginawang effort para sa task na to.

Ayokong maging nega pero alam mo ba yung feeling na there's something off about the situation? Truth be told, sya ang first boyfriend ko, ang first kiss. Pero ayokong sya ang una ko pagdating sa sex. Hindi pa ko ready for that.

If maybe i'll just go with the flow and just enjoy the moment, tutal enjoy namang kasama si Rico. Kahit nakakainis ang mga antics nya, napapakilig naman nya ko. Yun naman ang essence ng pagiging youth di ba? Enjoy lang yung moment, wag magmadali? But sometimes, ang kapalit ng sobrang saya ay sobrang kalungkutan. To balance things out. Because you can never be too happy without getting hurt.

The Don Juan Series - Taming The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon