Chapter 2

8.6K 222 10
                                    

"Hey girl... Do you have an idea now how to sing the 'Bayang Magiliw' in the CR?" Tanong ni Vance na kaibigan kong bakla simula high school at kakalase ko ngayong college. Conio ang baklitang to dahil na rin may sinabi ang pamilya.

"Tange!" Sabay batok naman ni Yummy na ang totoong pangalan at Maria Condeza Gagarinto.

"Ouchy! Not the head please?? I don't want to lose anymore brain cells." Hindi naman kasi lingid sa amin na mahina talalaga sya pagdating sa academic performance.

"Ay sorry bakla. Na-carried away lang. 'Lupang Hinirang' kasi yun hindi 'Bayang Magiliw'." Pag eexplain ni Yummy kahit hindi naman yata nag register sa utak ng isa.

Alam kasi nila kung gaano ako ka pressured dahil sa Sorority. Alam din nila ang history ng mga babae sa pamilya namin.

Nasa second year na kami at ngayon lang ako sumali dahil last year hindi ako pinayagan nila mommy. Masyado pa raw akong bata. 17 palang kasi ako noon.

Lunch time na at nandito kami ngayon sa canteen at pinag iisipan kung paano ko gagawin ang task. Wala na rin akong klase this afternoon pero hindi pa ko makauwi dahil hindi ko pa nagagawa yung task.

By 1pm nag ring na ung bell para sa mga may pasok. Nagpaiwan nalang kami ni Vance sa canteen habang si Yummy pumasok na.

"Vance...." Helpless kong tawag sa kanya. Kahit sya makikita sa mukha na napu-frustrate at na-i-stress na rin.

"Halika na nga." Yaya nya sakin sabay hila ng kamay ko.

"Where to?"

"We'll walk around. Kahit na mag brain storming tayo dito all day, like duh? May mapapala ba tyo, girl?" Tama sya. Kailangan naming kumilos.

Pumunta muna kami sa may pinakadulo ng school. Sa Engineering building. Konti nalang ang mga nasa labas at nagrereview at gumagawa ng mga templates.

"Girl, look at those yummyness. Good thing Yummy is not here." Mag kaagaw kasi ang dalawang to pagdating sa mga lalaki. Madalas pinag aawayan nila kahit na walang kamuwang muwang ang mga to. Nakapagtataka naman na pareho sila ng taste.

"Magsi-cr lang ako. Dyan ka muna. Wag ka munang manlalake. Wait for me." Pabiro kong banta sa kanya. Napailing iling nalang ako ng makita kong kagat kagat nya ang ibabang labi nya habang nakatingin sa isang lalaki.

"Oh god! Faster... Ahhh... Fuck yeah...!" Ito agad ang sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa CR.

Shit! Ang babastos nila! Ang hahalay! But an idea came into my mind. Inilabas ko ang camera Phone ko at lumabas. Nilagay ko na ito sa video mode at ng makita si Vance hinila ko sya at nag 'shh' sign sa kanya.

Dahan dahan kaming pumasok sa CR at nanlaki rin ang mga mata nya ng marinig ang mga ungol at mabibigat na hininga nila.

Binigay ko na sa kanya ang phone ko at humugot ng hininga bago nag simulang kumanta.

"Bayang magiliw..."

"Shit! Babe may tao ata." Narinig naming bulong ng babae.

"Shhh.." Yun lang ang sagot nung lalake. Kung sino man sila, ang lilibog nila!

"Perlas ng silanganan..."

"Shit! Wag ang perlas..." Narinig ko pang humagikgik yung babae at napatingin kami sa isat isa ni Vance na namimilog ang mga mata.

"Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay...."

"Oh god yes! Ahh..."

Binilisan ko na ang pagkanta kasi hindi ko na matake ang mga pinanggagawa nila. Pero parang nanadya naman sila dahil sa pagbilis ng pagkanta ko, bumibilis din ang mga paghinga nila at parang magigiba na sa loob ng cubicle.

Nakatingin lang ako kay Vance na namimilog ang mga mata. Nakita ko ang mga butil butil na pawis sa noo nya at alam ko na ganoon din ako.

"Lupa ng araw na luwalhati't pagsinta, buhay at langit sa piling mo...."

"Faster! Har-- hmp!" Naimpit ang sasabihin ng babae dahil parang tinakpan ang bibig nito.

"Aming ligaya na pag may man aapi, ang mamatay ng dahil sayo."

"Aaahhhh...!!!!" Kasabay ng pagtapos ko ng kanta, ang pag ungol nilang dalawa na parang natapos na rin kung sa ano mang milagro ang ginagawa.

"That was nice, Frederico." Bulong ng babae pero hindi nakaligtas sa pandinig namin ni Vance. Kung kanina mga mata lang namin ang namimilog, ngayon pati mga bibig namin.

"Shit! Why did you say my name?!" I heard Frederico hissed. This is more interesting...

Napapangisi lang ako sa naiisip ko. Pero nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin palabas ni Vance at diretso kami sa labas ng building.

Hinihingal kaming huminto at bumanghilit ng tawa. Halos manlambot ako sa nangyari pero hindi ko mapigilan ang tawa kaya napaupo ako sa isa sa mga plant boxes.

"Laugh all you want." Bigla naman kaming parang naging tuod ni Vance ng marinig ang boses na yon.

Gusto ko syang lingunin pero natatakot ako at the same time baka hindi ko mapigilan ang imahe na papasok sa isip ko pag nakita ko ang mukha nya.

"I will make sure that i will have the last laugh." Nanggagalaiti nyang sabi at narinig nalang namin ang mga yabag nya paalis.

Nagkatinginan kami ni Vance at para kaming ewan dahil tumawa na naman kami ng malakas. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao at parang hindi man kami binantaan ni Frederico Gamboa, Sta. Clara's resident playboy, son of the CEO of the said university, varsity, double majoring in Engineering, genius, and now our mortal enemy.

The Don Juan Series - Taming The PlayboyWhere stories live. Discover now