Chapter 6

6.3K 168 5
                                    

Unang araw ngayon ng last task namin. One month is too short para magawa ang task. Paano mo naman mapapa ibig ang isang tao sa loob ng isang buwan? At sisiguraduhin mo pang patay na patay sya sayo.

Nasa third class nako pero ni anino ni Rico ay hindi ko makita. Seriously, kung kailan kailangan ko sya saka sya wala! Naiinis na nga ako pero wala naman akong magawa dahil ni number nya wala ako.

Kailangan kong makuha ang number nya kahit na magmukha pa kong naghahabol sa kanya.

Pumunta ako ng engineering building para hanapin sya. Kung di ko man sya makita, si Jerome ang hahanapin ko. Kailangan kong siguraduhin na may mapapala ako ngayong araw.

Ugh! I really don't have any choice but to swallow my pride!

Nakita ko agad si Jerome na pakalat kalat sa corridor kaya hindi nako nagdalawang isip pa na lapitan sya. Nakupo lang sya sa sahig sa tabi ng pinto ng isa sa mga classrooms.

Tumayo ako sa tapat nya at namewang. Tinaasan lang nya ko ng kilay ng mag angat sya ng ulo pero agad ding ngumiti ng maluwag at tumayo ng makitang ako ang nakatayo sa harapan nya.

"Hi!" Excited much? Sobrang lawak pa ng ngiti nya halos mapunit na ang mukha. "Musta na? Long time no see ah? Nag drop ka ba kay Ma'am Rivera? Lagi kitang inaabangan sa klase pero di kana pumasok. Dahil ba kay Deric?" Tuluy tuloy lang nyang sabi. Para syang boyfriend ko na tinatalakan ako kaya pinagtaasan ko lang sya ng kilay.

Kinamot lang nya ang batok nya at yumuko at panaka naka akong sinusulyapan. This guy! Ngayon pa nahiya.

I crossed my arms over my chest and gave him a hard stare. Alam ko nai-intimidate na sya. But who cares?

"I need you to give me Rico's number." Pautos kong sabi sa kanya. Ayoko ng mag patumpik tumpik pa.

"Ouch!" He said while he playfully clutch his chest. "Si Deric lang talaga? Sabagay kasal na kayo." Hindi ko maiwasang hindi mamula dahil pinaalala nya ang naging small play namin sa klase.

"Tsk! Oo asawa ko na sya at kailangan ko sya ngayon kaya bigay mo na ung number nya." Ngumiti lang sya ng nakakaloko at intinaas baba pa nya ang mga kilay like he's suggesting something. Ng mapagtanto ko ang nasabi ko saka ako namulang lalo at naalis ang kumpiyansa sa sarili ko.

"W-what i mean... Is... I ... I just need to talk to him ok?!" Napalakas na ng konti ang boses ko kaya napatingin ang ibang mga nandoon. Bakit di pa nya kasi ibigay ang number? Parang nag e-enjoy pa sya sa discomfort ko.

"Why don't you ask him yourself?" Ngumuso sya sa likod at pagtingin ko si Rico nga nasa likod ko at nakahalukipkip. Bored nya kaming tinitingnan at nakakunot ang noo.

"Oh! You're here." Hinarap ko na sya ng tuluyan at humalikipkip sa harap nya. "Give me your number." Nilahad ko sa kanya ang phone ko para ilagay nya ang number nya don.

"Tsk!" Umiiling lang sya pero walang ginawa para kunin ang phone ko. " what will you do with my number? Don't tell me isa ka sa mga fan girls ko. Di ko lubos maisip na patay na patay ka rin sa akin. Kaya kaba nagsusungit para makuha ang atensyon ko?"

Ang kapal talaga nya! Namula tuloy ako sa sinabi nya pero hindi sa hiya kundi sa tinitimpi kong galit.

"So what if i am?" Ginaya ko ang sinabi nya ng huli kaming nagkita. Nakita ko lang syang ngumiti at lumapit sa akin.

"Hmmmm... Good strategy. Well... You have to earn it first. Ganun nalang ba yon?"

"What do you mean? It's just a phone number, for holy's sake!" Naiirita na ko sa inaasal nya.

"Nope! It's not just a phone number, it's MY PHONE NUMBER." Nakangisi lang nyang sabi. Ugh! That smirk! Di ko alam kung maiinis ako o matutunaw dahil nakakadagdag ng appeal nya. Whether i admit it or not, malakas naman talaga ang appeal nya lalo na yung sex appeal nya.

The Don Juan Series - Taming The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon