Memories

4.4K 75 0
                                    

Chapter 30

"Nagmamadali ka ata Summer?" Salubong na tanong sa akin ni ate Col nung makauwi ako sa bahay.

Nilagpasan ko lang naman siya at nagdiretso sa kuwarto ko.

Saan ba nanggaling ang hugot kong iyon? Wala naman iyon sa script ko pero bakit biglang lumabas?

Naupo ako sa gilid ng kama ko at tumulala sa kawalan.

"I love you girlfriend ko."

"I love you too boyfie."

"Ayoko sumama sa kanila sa Japan..."

"Magtanan na kaya tayo? Magsama na tayo."

"Hindi tama iyon. Kahit na girlfriend kita at mahal kita hindi ko hahayaang may mangyari sayo na hindi maganda. gusto ko kapag nagsama tayo magandang buhay ang mabibigay ko sa'yo."

Napahawak ako bigla sa ulo ko. Saan galing ang lahat ng alaalang iyon? Ano ang ibig sabihin ng mga iyon?

Nanakit ang ulo ko bigla. Na yung tipong sa sobrang sakit eh gusto ko na iuntog sa matigas na pader.

"Summer, may problema ka ba?" Si ate Col ang kumakatok pero hindi ko na siya ininda. Naka-focus kasi ako sa sakit ng ulo ko. Napasabunot na ako sa buhok ko. Gusto ko na siyang hilahin para tumigil na. Napapikit ako sa sakit. Narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan.

"Summer! gosh! Anong nangyayari sayo?" Narinig kong tarantang sabi ni ate Col.

Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil nagdilim na ng tuluyan ang lahat sa akin.

——-

"I think the time has come kuya."

"No. Tama na yung naramdaman niya noon."

"But she has the right to know the truth."

Usapang nagisingan ko. Naririnig ko ang boses ng mga kapatid ko. Pero naguguluhan ako. Ano yung dapat na malaman ko?

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nung maidilat ko na ng tuluyan nag-aalalang mukha ng mga kapatid ko ang nabungaran ko.

"You okay?" Tanong sa akin ni kuya Wind.

Bahagya naman akong tumango para mawala yung pag-aalala niya. Pakiramdam ko nangyari na ito noon.

"Dé javu." Mahinang bulong ko na nagpakunot ng noo sa nga kapatid ko.

"Do you want to eat something?" Tanong ni kuya Einjel na seryoso pa rin ang mukha.

"No. Where am i?" Tanong ko.

"Hospital. Tinaranta mo ang ate Col mo. Ano bang nangyari sayo?" Kuya Eir.

"I-i don't know." Mahinang sabi ko.

Bumalik na naman kasi yung naalala ko kanina. Confused. Iyan ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam. Pakiramdam ko kasi totoo yung nangyari.

"Kuya's may dapat ba kayong sabihin sa akin?" seryosong tanong ko.

Feeling ko kasi talaga may dapat silang sabihin sa akin eh.

Nagtinginan sila tapos tumingin sa akin. Weirdo nila. Nakita ko ang pagsiko ni kuya Wind kay kuya Eir tapos siniko naman ni kuya Eir si kuya Einjel.

"Why me? I was not there." Saad ni kuya Einjel na ikina-kunot ng noo ko. Ano yung wala siya dun na sinasabi niya?

"Kuya's?" Takang tanong ko. Kahit na nanghihina pa rin ako i still want to know things about myself. Pakiramdam ko kasi hindi ako itong meron ako.

"Because your the eldest? And you're the one who insisted not to tell her." Kuya Wind.

"Kaya nga kuya. Sabihin mo na kasi." Kuya Eir.

"Ano ba yung sasabihin niyo? Can you please be straight to the point?" Inis na ako sa ginagawa nila. Ano bang sasabihin nila?

"Okay. Fine. Kapag may nangyaring hindi maganda uupakan ko kayong dalawa." Suko ni kuya Einjel.

"Care to tell me?" Naiinip na ako. Ang daming pautot eh.

"11 years ago, nasangkot ka sa isang aksidente. You were with mom and dad that time. Ang sabi nung mga imbestigador nagkaroon daw ng agawan sa manibela kaya nahulog yung sasakyan sa bangin. You are supposed to be in Japan right now with mom and dad if that accident didn't happened." Paunang kuwento ni kuya Einjel. Nahigit ko naman ang hininga ko sa nalaman ko. Is that mean that i'm the one who killed our parents?

"Don't you ever think that you killed mom and dad. You didn't." Mukhang nabasa ni kuya ang nasa isip ko.

"That time rin you have a relationship with a man. Ayaw mong pumunta ng Japan kasi ayaw mo siyang iwan. you were just 15 that time pero your hella in love."

I literally drop my jaw of what i've heard. Sino yung lalaki?

"Who is he? I mean that man that i loved." Shock pa rin ako. Seryoso ba sila? Ako super duper in love at the age of 15?

"Sa pagkakaalam ko his name is Matteo. Yun lang ang alam namin dahil hindi ka naman nagkukuwento."

Para naman akong sinapak sa narinig ko. Matteo... hindi kaya si Matteo din yun?

"W-what happened after that?" Nag-iisip pa rin ako. Siya kaya iyon? Kung siya bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi man lang niya ipinaalam?

"Nagkaroon ka ng amnesia. Nakalimutan mo ang lahat. Nagsimula ka ulit mula sa umpisa." Sagot ni kuya Eir.

Napatango-tango naman ako. Thats why i didn't remember anything. Pero i'm still wondering about that man. Sino siya? Is he Matteo Buenavista?

"B-bakit ngayon niyo lang sinabi? Inantay niyo pang mangyari ito?" Medyo may bahid ng inis ang tono ko nung sabihin ko iyan. May karapatan naman siguro ako diba?

"It's for your own good." Kuya Einjel.

"My own good? Yeah right. Kaya pala nahihirapan ako ngayon." Sarcastic na sabi ko at tumalikod na sa puwesto nila.

"Okay naman na ako. Puwede na kayong umalis."

Masisisi niyo ba ako kung ganito ako ngayon? Mga alaala ko ang pinagkait nila sa akin. Dapat ko bang ikatuwa na sobra silang protective sa akin? Hay! Naman talagang buhay ito!

***

update! update! after a year! sensya naman. nagtatrabaho mameyn eh!

Seducing the Young MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon