The Story

4.8K 71 1
                                    

Summer's POV

"I am ready to listen now Matteo. Tell me the whole story. Please.." napayuko ako nung sabihin ko iyon. Yeah! Nakapagdesisyon na ako. Gusto ko na malaman ang lahat. Gusto ko na tumahimik at maipahinga ang utak ko kakaisip kung ano ba talaga ang totoo.

"11 years ago nasangkot ka sa isang aksidente..." bumuntong-hininga si Matteo saka nagpatuloy. "With my twin brother." Saad niya sa nahihirapang tinig.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. He has a twin brother?

"W-where is he?" Tanong ko.

"He died sa accident." Malungkot na sabi niya. Napayuko naman ako at tumulo ang luha sa mga mata ko. Now i remember. His name is Jeremy Buenavista the guy i used to loved. The guy i really adored before Alexander.

"Grade school pa lang tayo nung unang makilala mo siya. Ang totoo ako talaga ang unang nakakita sa'yo. Naikuwento lang kita sa kanya kaya naging interesado rin siya sa iyo. Hindi alam ng lahat na kambal kami. Well, we are really not alike. We don't have the same face. Thats why no one questioned our identity. He was the handsome one and i am the cute one. Nung nag-high school tayo nagpakita ka ng interes sa kanya. Palagi kang nagpupunta sa classroom at palagi mo siyang hinahanap. Minsan nga ako pa ang napagtanungan mo pero hindi kita nasagot kasi grabe yung kabog ng dibdib ko. And then one night..." huminto si Matteo sa pagsasalita at tinitigan ako. Matagal iyon saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Masayang umuwi si Jeremy sa bahay. Lumapit siya sa akin at bigla na lang nagtatatalon. And then his words are like bombs to me. Sinagot mo na daw siya kaya siya masaya nung tinanong ko siya. At bilang isang kapatid hinayaan ko siya. Hinayaan kitang alagaan niya. He did took good care of you. 2 years... dalawang taon ang itinagal ng relasyon niyo bago dumating ang problemang naging dahilan ng pagkawala ng alaala mo at ng kapatid ko." Sadness was in his eyes. Kitang-kita ko na nangungulila siya sa kambal niya. At gusto ko siyang yakapin to east the sadness he was facing right now. Kung sana kaya ko. But i can't. I can't make him happy because i know to myself that i am not happy too.

"Hindi alam ng mga pamilya niyo ang relasyon niyo kaya naman ng malaman ng mommy mo ang pagkakaroon mo ng boyfriend. Gusto ka niyang ipadala sa Japan. She wants you to be away with my brother dahil mga bata pa kayo. But because you loved my brother so much and you are Steffany Summer Samaniego, you disobeyed your mothers order. Niyaya mong makipagtanan ang kapatid ko. He refused but you insisted. Kinuha mo ang sasakyan ng kuya mo at ikaw mismo ang nag-drive. Pinipigilan ka ni Jeremy pero hindi ka nakikinig. Sabi ng mga pulis nag-agawan kayo sa manibela at bumunggo ang sinasakyan niyong dalawa. Dead on the spot si Jeremy and you are in a critical situation. I was on that place. Sinundan ko kayo ni Jeremy. Kitang-kita ko kung paano bumaliktad ang sasakyan na kinalulunanan niyo.That time hindi ko alam kung sino ang una kong pupuntahan. Ang babaeng mahal ko ba o yung kambal ko? I chose my twin." Bumuntong-hininga siya ulit at kitang-kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung gaano karaming dugo ang nasa katawan mo at ni Jeremy. Iniisip ko noon na patayin ko na lang rin kaya ang sarili ko? Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa parents namin kapag nalaman nila. Pagkalipas ng ilang sandali dumating na ang ambulansya at mga pulis. Tumawag yung taxi driver na kasama ko sa kanila. Akala ko makakaligtas si Jeremy pero hindi..." rinig ko ang hinagpis niya at nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan siya pero hindi ko siya ma-comfort.
"And then the news came up to me na hindi rin maganda ang lagay mo. Hindi ko alam kung kanino magagalit. Sa iyo ba? Sa mga magulang mo? O sa sarili ko? Hindi ko alam." Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Matteo at nasasaktan ako sa mga naririnig ko.

"Hanggang sa pinili kong sisihin ang sarili ko. Sana pala pinigilan ko na kayong sumakay sa kotseng iyon. Sana pala naagapan ko. Sana kasama niyo na lang akong na-aksidente. Sana... ang daming kong sana pero wala na iyong magagawa. My twin already died." Pagtatapos ni Matteo sa kuwento niya. Puno na ng luha ang mukha niya at tinitigan ko lang siya. I can see the pain in his face at nasasaktan ako sa nakikita ko.

It's my fault. Iyon ang kanina pang tumatakbo sa utak ko matapos kong marinig ang kuwento ni Matteo. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari. Jeremy died because of me at namuhay ako ng 11 years na wala man lang inalalang taong namatay ng dahil sa akin. Now i remember the scent. Pareho ng pabango si Jeremy at Matteo.

"I'm sorry." Mahinang sabi ko.

"Sorry..." ulit ko. Paulit-ulit ang pagso-sorry ko kahit alam kong huli na. Hindi na mabubuhay ng sorry ko si Jeremy. Hindi na maiaalis ng sorry ko ang sakit na naramdaman ni Matteo nung mamatay ang kakambal niya. Hindi na maiibsan ng sorry ko ang sakit na nararamdaman ko pero gusto ko pa rin mag-sorry.

Gusto kong mag-sorry sa lahat ng ginawa ko. Namuhay ako ng 11 years sa mundong ibabaw na puro kamalditahan at kasamaan ang ginawa. Hindi ko inakalang may taong naghirap sa mga ginawa ko noon. May taong namatay at naiwan sa pagiging makasarili ko. I'm such a witch. Ang sama-sama kong tao.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at wala sa sariling naglakad palabas ng bahay namin. Narinig ko pang isinigaw ni Matteo ang pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin. Nakasalubong ko si kuya Einjel pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad, Wala sa sarili at lutang. Wala akong iniisip na iba kundi ang kuwento ni Matteo at ang mga salitang KASALANAN ko at WITCH ako. Hanggang sa nakaramdam na lang ako na may tumamang matigas na bagay sa katawan ko at bumagsak ako sa matigas, malamig at basang kalsada. It's raining... iyon ang huling mga salita na nasabi ko sa isipan ko bago ako nawalan ng ulirat.

Seducing the Young MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon