Hello Pinas! welcome back Summer!

8.1K 136 0
                                    

Chapter 2 : Helo Pinas! Welcome back Summer!

Napataas agad ang kilay ko nung makaapak ang mga paa ko sa lupa ng aking sinilangan. Bakit ganun? Dalawang taon akong nawala sa Pilipinas pero wala pa ring pinagbago. Dama ko pa din yung polusyon at korapsyon!

"Summer!!!" Kumakaway pa habang sinisigaw ang pangalan ko niyan si Alexander.

Yes! Hindi na siya ilang sa akin. wala e maganda kasi ako.

"anong drama yan Gosaico?" nakataas ang kilay na sabi ko nung nakalapit na ako sa kanila. Kasama niya si Nadine na karga ang cute na cute na anak nila na si Eizieckyel.

"wow huh! Wow lang talaga! Sinalubong ka na nga ng mainit ganyan ka pa sa akin? katampo ka huh!" nanunumbat na sabi ni Alexander sa akin.

Inirapan ko lang naman siya at lumapit kanila Nadine at hinalikan sa pisngi si Eizieckyel.

"soo cute!!" nanggigigil na sabi ko pa.

"malamang! Mana sa amang Guwapo!" nakangisi namang singit ni Alexander.

masamang tingin naman ang ipinukol namin sa kanya ni Nadine.

"i can't believe it na na-inlove ako sayo!" saad ko at kinuha kay Nadine ang guwapo nilang anak.

"hoy! Huwag mong tangayin ang anak ko!" habol na sabi ni Alex pero di ko na pinansin. Abno talaga ng isang yun kahit kailan.

--

"I'M HOME!!!!" sigaw ko nung makapasok ako ng bahay namin. Nakita ko sa sala ang 4 kong nag-guguwapuhang kapatid na nakatulala pa sa akin.

Si kuya Einjel na naudlot ang paglalagay ng bowl sa lamesa.

Si kuya Reyn na naudlot ang pagsubo ng chips.

Si kuya Eir na nakataas pa ang kanang kamay at nakangangang nakatingin sa akin.

Si kuya Wind na hawak yung baso ng tubig at nakatingin din sa direksyon ko.

at si Sky na nabitin ang pagbato ng unan sa direksyon ng kambal.

Lahat sila iisa lang ang nakarehistro na facial expression. GULAT!

"whats with the face brothers?" tanong ko at naglakad na habang karga pa rin si Eizieckyel. yung mga magulang niya kasi nandun pa sa labas.

"a-anak mo?" unang nakabawi sa kanilang lahat si Sky na ibinaba na ang unan na hawak.

"h--" sasagot na sana ako kaya lang sumingit si kuya Wind.

"hmmm. ang ganda ng genes huh." kuya Wind na iniinspiksyon pa yung mukha ni Eizieckyel.

"pero bakit di mo kamukha?" kuya Eir na nakigaya sa kambal.

"asan ang ama ng batang yan? pinanagutan ka ba?" kuya Einjel.

"mga ugok! Si Eizieckyel yan! Anak ni Alex!" pagtatama sa kanila ni kuya Reyn na siya namang pasok ng mag-asawa.

"bakit naririnig ko yung pangalan ko?" tanong ni Alex.

"wag kang assuming! hindi ka sikat para pag-usapan." nakangising pambabara ni kuya Eir.

"urur ka mameyn!" ganti din naman ni Alex.

"ano nga palang rason mo para umuwi?" seryosong tanong sa akin ni kuya Einjel.

"wala. kailangan ba ng rason para umuwi? sa pagkakatanda ko kasi pagmamay-ari ko din ang bahay na ito." sabi ko at naupo sa lamesita. wahahahah! i miss this scenario!

"hoy! ang tagal mo ng nanatili sa France pero hindi mo pa rin inaalis yang habit mong pag-upo sa lamesa! tumayo ka nga diyan! masipa pa kita!" saad ni kuya Einjel at kinuha sa akin si Eiziekyel na natutuwa sa mga nangyayari. taragis na bata toh! hindi man lang tulungan ang tita niyang maganda.

"ano nga ba talagang ginagawa mo dito Ate?" Sky.

"hoy mga bros kung makatanong kayo, wala na ba akong karapatan na umuwi sa sarili kong bahay?"

"nagtataka lang kami. Biglaan kasi at wala ka man lang pasabi." kuya Reyn.

"psh! paano papasabi e may kanya-kanya kayong agenda dito sa Pinas! Tumatawag kaya ako! Walang sumasagot! Kahiya naman!" sabi ko at iniabot si Eizieckyel sa nanay niya.

"rason." kuya Einjel.

Hay! kahit kailan talaga! Ang mga kapatid ko hindi mo mapapaikot! Kainis. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad na papunta sa may hagdan pero bago tuluyang umakyat ay ...

"sabihin na lang natin na its for the good of our company." tapos ay umakyat na ako sa kuwarto ko.

---

MMC's NOTE:

Minsan talaga ang Engs ko! ni-publish ko siya pero hindi pa pala tapos yung chapter 2. Hahaha. so ito na po. tinapos ko na para sa inyo!

Seducing the Young MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon