PROLOGUE✅

13.6K 210 8
                                    

Prologue

"May tututol ba sa kasalang ito?" saad ni Father Santos bago simulan ang seremonyas ng kasal namin ni Alexander.

Kagabi ko pa ito pinag-iisipan. Kagabi pa ako desidido sa desisyon ko. Kung ano mang kalalabasan ng desisyon kong ito tatanggapin ko kahit alam kong makakasakit ako at may maapakan.

I raised my right hand and i face Father Santos fearless.

"Ako. Tumututol po ako sa kasalang ito Father." seryoso at mariin kong sabi.

Nakarinig ako ng mga singhap at bulungan sa mga bisita namin. Nanlalaki rin ang mga mata na tumingin sa akin si Alexander. Wala ng atrasan ito. Oo. Mahal ko nga si Alexander pero hindi naman ako ganun ka kasama para hayaang may dalawang tao na magdusa ng panghabang buhay ng dahil sa akin.

"Ano bang sinasabi mo Summer?!" galit na sigaw ni lolo.

"Sorry Father, makasalanan na po akong tao kaya ayoko na po dagdagan pa ang kasalanan ko."

Humarap ako sa mga bisita na pulos amigos and Amigas ng lolo ko at pamilya nila Alexander. I looked directly at my grandfather and to my brothers side. Disappointment is written all over their face. It pains me but this is for everyone's happiness.

"Lolo, sorry for betraying you. Kuya's, Sky, Sorry." saad ko at humarap ako kay Alexander.

"Alexander, i know that you don't want this wedding. Alam kong hindi ako ang mahal mo kahit 2 years na ang nakakalipas. Alam kong nasasaktan ka deep inside kahit nakangiti ka. Alam kong hindi ako ang dream bride mo. And i dont want to ruin that dream of yours Xander. I love you. I love you so that i'll set you free. I set you free 'coz i knew from the start na hindi ako ang happiness mo. And now, i'm giving you your happiness." madamdaming sabi ko saka tumakbo papunta sa puwesto ni Nadine at sinimulang hubarin ang gown na suot ko. Lalong lumakas ang bulungan ng mga tao sa paligid ko pero wala akong pakialam. Patuloy pa rin ako sa paghubad ng wedding gown ko Syempre hindi ako maghuhubad kung walang damit sa ilalim 'no! suwerte naman nila. May pants na ako sa ilalim ng gown ko at may tube na rin ako. syempre hindi iyon alam ng mga nag-ayos sa akin.

"Nadine, i know i've been a bitch before. I know na may kaunting galit ka pa rin sa akin. Sorry for what i have done before. Mahal ko si Alexander pero mas mahal kita kasi Bestfriend kita at... at... p-pinsan kita." naiyak na sabi ko at iniabot sa kanya ang gown na isinuot ko. At humarap kay Father na still shock sa mga nangyari.

"Father, can you wait for an hour pa? Kailangan lang po kasi ayusan ang tunay na bride." pakiusap ko. Tumango naman si father kaya i mouthed 'thanks' and smiled.

"S-Summer..." narinig kong sabi ni Nadine.

"I owe you a lot Nadine and i want you to be happy." madrama kong sabi at inagaw sa kanya ang gown na ipinahawak ko lang naman sa kanya.

"Teka sis, kala ko ba siya na yung bride? bakit inaagaw mo sa kanya yung gown?" singit ng kuya kong si Eir.

"Oo nga. sinabi ko yun. Pero wala naman akong sinabi na kanya na ang gown ko." sabi ko at pumalakpak.

Bumukas naman ang malaking pinto ng simbahan at pumasok ang mga staff ng salon ni Ate Solenne.

"Planado ko na ang lahat ng ito 'no. I bought her a gown." dugtong ko.

"Mga bakla! Gora! Push! make her more beautiful okay?" sabi ko sa mga bakla at nilapitan si Sky na katabi ang mga kuya ko.

"Give me your coat lil 'bro." nakalahad pa ang kamay kong sabi.

Naguguluhan man ay iniabot pa rin naman niya sa akin iyon.

"Thanks." ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.

"Father! wait lang po talaga!" sabi ko at nagtatatakbo ng sumunod kanila Nadine na hinila na ng mga bakla.

--

"Is this final?" tanong sa akin ni kuya Eir na umaarteng lumuluha.

Tss. Kung ordinaryong araw lang siguro ito tatawanan ko ang kambal ng tadhana na ito? Yung mukha kasi nilang dalawa ang pangit. Hindi makatarungan. Siguro kung makikita silang dalawa ngayon ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanila matu-turn off ng major-major sa pangit ng acting skills nila?

Andito kami ngayon sa NAIA. Yes. I'm leaving on a jet plane. Papadala ako ni lolo sa Paris para doon na manirahan at magtrabaho. Ako na daw ang bahalang mamuno sa negosyo niya. Napatawad na rin naman niya ako sa mga kalokohang nagawa ko.

"Ingat ka dun bruha!" naiiyak na lumapit sa akin ang bestfriend slash pinsan ko na si Nadine at niyakap ako.

"Oo naman." gumanti ako sa yakap niya.

"Gumamit ka ng proteksiyon dun sis kapag makikipag-sex ka sa mga european huh." Kuya Eir

Napahiwalay naman ako sa pagkakayakap kay Nadine dahil sa basurang lumabas sa bibig ng kuya ko. Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na inabot ang buhok niya.

"Oo nga. At saka kung hindi ka man gagamit nun siguruhin mong maganda ang genes ng lalaking magdidilig sayo. Huwag yung mukhang monggol huh?" Segunda naman ni kuya Wind.

Kaya ang ending dalawa na sila ngayon na sinasabunutan ko. Mamimiss ko yung ganitong asaran at kulitan namin ng kambal.

"Tama na yan!" Pag-awat sa amin mi kuya Reyn. Lumapit siya sa amin ng kambal at tinanggal niya ang mga kamay ko sa buhok nila kuya Eir at Wind.

"Mag-ingat ka doon. Call us if you need something or whenever you feel lonely okay?" Ani kuya Reyn. He is really sweet. Siya ang pinaka-sweet sa aming magkakapatid. Kaya siya ang paborito kong kuya.

I hugged him and kissed him on the cheeks.

"Ikaw! Umayos ka! matanda ka na. Iwas sa pagiging childish okay?" paalala naman ni kuya Einjel nung humarap ako sa kanya.

My kuya Einjel is our hero. He is strict and serious all the time pero kapag kaming mga kapatid niya ang naagrabyado he can kill.

"Opo. Ito namang si kuya naghabilin pa. I'm a good girl. You don't need to worry about me." sabi ko na binuntutan ko ng tawa pero deep inside I knew mamimiss ko ang mga kapatid kong 'to.

Ako na ang yumakap kay kuya Einjel dahil hindi siya showy na tao and I understand that kaya nga mas extra sweet ako sa kanya.

Nung magbitaw kami ng yakap ng kuya ko ay napadako ang tingin ko kay Alexander na nakakapit kay Nadine.

"Hoy ikaw Alexander the great! Ano na? Hindi mo ba ako yayakapin sa huling pagkakataon?" sita ko.

Naglakad ako papunta sa kinatatayuan nila ni Nadine at mag crossed arm.

Tumingin naman siya kay Nadine na parang nagpapaalam. Ang arte talaga ng isang ito!

Tumango naman si Nadine kaya lumapit na siya sa akin pero naiilang pa rin.

"Hay! Arte talaga! Halika na! ikaw pa ang nahiya sa akin!" natatawang sabi ko at hinila na siya payakap sa akin.

"Ingat ka dun." Maikling sabi niya.

Napangiti naman ako. Alexander is my first love. Sobra akong nabaliw sa taong 'to. But I am happy for him now.

"I love you." nakangiting sabi ko at bumitaw na sa yakap namin.

Si Xander? hayun tulaley! ganyan naman yan. Famous sa pagiging statue kapag sinasabi kong 'I love you' sa kanya.

"Hoy, bubwit! Pakabait ka huh! wag kang gagaya sa mga ito na puro babae ang inaatupag, mag-aral ka." habilin ko kay Sky na seryoso lang habang turo yung mga kuya ko.

"Hoy! Makapamintang 'to! sadyang guwapo lang ako!" sabay-sabay na reak ng mga kuya ko kaya natawa ako saka hinarap ulit si Sky.

"Tsss. Huwag kang maingay dun kung ayaw mong mapabalik dito sa Pilipinas agad." walang emosyon na sabi ni Sky sa akin pero di ko maiwasang mapangiti. Ang guwapo kasi ng kapatid kong loko kapag nahihiya kaya ako na ang lumapit at niyakap siya.

♡♥♡

Seducing the Young MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon