Chapter 1

48 4 0
                                    

CLWTAFH

CHAPTER 1

"TRIAL AND ERROR FOREVER!"
"ANG GWA-GWAPO NYO TALAGA! TRIAL AND ERROR BAND!"

Sigaw nang mga babae pagkatapos kumanta ang banda na Trial and Error.

Ang bandang kinababaliwan ng mga babae at bakla sa school.

Sino-sino nga ba ang bumubuo sa Trial and Error Band?

Darren Park - The keyboardist. President nang Student Council, Mukang seryoso pero maloko kapag kasama ang T.A.E (Trial and Error)

Tyler Tiu -  The one who played the guitar. Kilala bilang Mr.Cassanova inshort playboy.

Kiel Sy -  The vocalist. Cool lang, may pagka-suplado. Para saakin sya lang ang nabiyayaan nang normal na utak sa kanilang apat.

And last

Dylan Yu - Drummer. Ang lalaking parang pasan lagi ang mundo! Napaka sungit. At sya lang naman ang lalaking nagpagulo sa buhay ko.

"Ang gwapo talaga ni Dylan no?" narinig kong usapan nang dalawang babae sa gilid ko.

What? Gwapo si Dylan? well I admit gwapo nga siya pero hindi ba sila natu-turnoff sa ugali nya? Parang napagsakluban lagi nang kisame at lamesa ang itsura! Never manlang ngumiti.

Siguro kung malaman nila na kasama ko ngayon si Dylan sa iisang bahay, iisipin nila na napaka swerte ko pero HAH! living with Dylan is hell!

Pagkatapos sabihin ng principal ang kanyang mga nakakaantok na sinabi. Pinapunta na kami sa kanya-kanya naming classroom. First day of school kasi ngayon kaya madaming chorvaloo ang naganap sa gym.

Bago ako dumaretso sa room ko, pumunta muna ako sa CR para umihi.

Naabutan ko ang LDG sa CR at sabay-sabay silang tumingin saakin.

"Kaya naman pala nangamoy basura dito. Like duh!"
"Like duh! Dito ka parin nag-aaral?" Hindi makapaniwalang tanong ni LDG2.

"Like duh! Natural scholar ako dito!" Ay ano ba yan! pati ako nahahawa na sa LDG short for "Like Duh! Girls"

Pumasok na ako sa isa sa cubicle dito sa CR para umihi at narinig ko namang lumabas na ang LD Girls.

Nag-ayos muna ako nang sarili ko bago ako lumabas ng CR at ang haggard ko na.

Yung binubuksan ko na yung doorknob, naka-lock sa labas. Hala! hindi pwede to mala-late na ako.

Aish! "Buksan nyo tong pinto!" kinakalampag ko na yung pintuan pero mukang walang nakapansin sa sigaw ko.

Tinry kong i-text si Shara, ang kapwa ko scholar dito sa St. Cevestine High.

kaso wala naman pala akong load. Wala talagang kwenta tong cellphone ko.

Umakyat ako sa sink dito sa Girl's CR para maka-silip sa bintana. Mukang lahat sila ay naka-pasok na sa kanya-kanya nilang classroom.

Tsk, ano bayan! Unang araw nang pasukan napag-tripan na kaagad ako.

Mukhang hanggang mamayang recess akong makukulong dito sa CR.

Nawalan na ako ng pag-asa ng biglang dumaan si Darren Park, ang president ng student council dito sa school.

"Pst! Mr.President!" tumingin sya sa paligid nya.
"Hoy! Andito ako!" napatingin naman sya sa direksyon ko at tsaka lumakad palapit sa maliit na bintana nitong pesteng CR nato.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can Love will Thaw a Frozen Heart?Where stories live. Discover now