Wishing Star

0 0 0
                                    

My mom said na kapag nag wish ka daw sa isang wishing star at lumipas ang labindalawang araw at may nakita ka ulit na wishing star ay magkakatotoo ang wish mo.

Hindi ako naniniwala sa mga ganyan, oo alam ko na marami ang naniniwala na magkakatotoo ang wish mo kapag nag wish ka sa isang wishing star, pero hindi parin ako kumbinsido dito.., it's OK to be different..

Pero.. ng makilala ko ang lalaking hindi ko inakalang magpapalakas ng tibok ng aking puso, ang lalaking mayat maya'y lumalabas na lamang sa isip ko, lumilitaw sa panaginip ko at hinahanap hanap ng mata ko, siya pala ang dahilan para gawin ko ang sinabi ni Mom.Ang mag wish sa wishing star at after twelve days ay magwish ulit.

Sana.... sana tama ang sinabi ni Mom, sana magkatotoo ang wish ko.... wish ko na magkatuluyan kami.

What I have said, I will wait until na makahanap ako ng kahit isa lang na wishing star, kahit isa lang..

Andito ako sa isang mini garden na malapit lang sa bahay.. Just 2 blocks away. Nakasanayan ko ng pumunta rito tuwing gabi, although its dark cause its nigth but its safe.

Maganda ang pwesto dito kasi unti lang ang taong tumatambay dito pag gabi and also its open garden means, there's no roof kaya kitang kita mo ang mga nagnining ning na bituin.

Lagi akong dinadala ni Dad dito bata pa lamang ako at nung buhay pa siya...kaya naman nakasanayan ko ng pumunta dito.

Kung dati ay pumupunta ako dito para alalahanin ang mga moment na kasama ko pa si Dad, Ngayon ay una, para makita siya, pangalawa'y para magabang ng wishing star.

Nakahiga lang ako sa damuhan, nagbabakasakaling may dumaan na kahit isa lang na wishing star then yung next na dadaan ay after 12 days na hehehe.

Lumipas ang 30 minutes ay wala paring dumadaan ni isang wishing star, 7;30 na ng gabi at after 1 hour and 30 minutes ay uuwi na ako.

Lumipas ang 10 more minutes at may napansin na akong isang puting bagay na gumuhit sa kalangitan parang isa itong bituin kung kuminang.

Nagmadali akong pumikit ng ma realize na isa itong wishing star.

Sana mahalin ako ng taong mahal ko, sana kahit papaano ay meron siyang nararamdaman para sa akin.

Sana balang araw ay magkatuluyan kami ni--

"Anong ginagawa mo?" Tanong ng isang napaka pamilyar na boses.

"Ash" I whispered.

"Ikaw pala Ash" giit ko.

"Yeah" saad niya at lumakad papalapit sa akin. Agad naman akong umupo ng maayos. Nagpatuloy siya sa pagsasalita ng maka upo, "Wala ka atang dalang libro ah?" Tanong niya

"Nakalitan ko kasi sa locker ko yung librong binabasa ko e" pagrarason ko. Alam kong hindi totoong naiwan ko yung book, gusto ko kasing makapagfocus sa kalangitan, pag kasi may dala akong libro hindi ko maiiwasang mainip at magbasa ng libro, baka may mamiss akong wishing star.

"Ganon? Himala ata't naiwan mo yung paborito mong libro"saad niya at tumungin sa kalangitan.

Dito kami nagkakilala ni Ash, dahil sa isang librong binabasa ko noon ay lumapit siya sa akin para tanongin kung maganda daw na yung story para sa akin kasi para sa kanya daw ay oo.

"Hey miss" tawag ng isang lalaki.
Napalingon ako at may isang lalaking lumapit sa akin.

"Hmm?" Tanong ko.

"Maganda ba yang story na yan para saiyo?" Nakangiti niyang tanong."Para kasi sa akin Oo, napakaganda ng story nayan grabe" pagpapatuloy niya pa.

Wishing Star(COMPLETED)(short_story)Where stories live. Discover now