[party]

sheesh! Sa sobrang dami ng tao, di ko makita si Zeke. Dinial ko ulit yung number niya pero wala talaga.

Ang sakit na rin ng paa ko kakaikot kaya umupo na ko sa isang tabi malapit sa entrance.

Huhuhu Zeke. Asan ka na ba?

"Mr. Miguel, chill. Hindi sya sapat na dahilan para sirain nyo ang mood niyo ngayong gabi"

narinig kong sabi nung isang lalaki malapit sakin.

"that bastard!! I'll make sure he'll pay for this and make that girl my wife" sabi ng matanda niyang kausap. 

"how childish Mr. Miguel. Makikipag-agawan ka pa ba kay Mr. Reniedo? He's handsome and look, mukhang mahal na mahal niya talaga yung babae. Better accept your defeat"

 Mr. Reniedo? I heard it right. Di ako pwedeng magkamali/

Tinignan ko yung direksyon ng tingin nila.. 

O_O

para akong isang bukal na gustong sumabog.

Si Zeke at Trixie, magkayakap habang nagsasayaw.

NO. This. Is. Not. Happening.

If Mr. Miguel must accept his defeat, I'm not. Wala sa vocabularyo ko ang salitang talunan. not to her. 

I was about to attack nung tumakbo si Trixie palabas na agad namang sinundan ni Zeke.

Wooaah! Tell me what's happening?

Sumunod ako sa kanila at yun na siguro ang pinaka tama at pinaka maling desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko.

Mali, dahil parang dinudurog yung puso ko sa mga sinasabi ni Zeke kay Trixie. Nyemas!! Di pa niya alam na siya si Lance pero ganito na. AAAAARGGGHH!! 

Tama, dahil at least alam ko na kung ano ang estado ng laban na to. Malapit na kong matalo at hindi ako papayag.

Narinig ko lahat ng pinag-usapan nila. Kahit alam kong masasaktan ako, pinakinggan ko lahat. 

Pakiramdam ko sinasaksak ako sa puso dahil sa mga narinig ko.

No Zeke! You can't. You can't love her. You can't wait for her.

Nung hindi ko na sila makita, pumunta na ko sa sasakyan ko.

Aaaarrgghh! Hindi pwedeng mangyari to. Hindi ako papayag. 

It's time to erase you Trixie bago ka pa maalala ni Zeke.

At pagbalik ng memories niya, Ako na ang nasa puso niya.

**

"what? Iiwanan mo tong kumpanya dahil lang sa kanya?" Damn you Zeke. I can't believe you're going to do this just for her.

" di ko lang maintindihan kung bakit mo to ginagawa"

"bakit ano bang mali sa ginagawa ko Zeke? Aren't you happy? Di ba ito naman gusto mong mangyari? I'm doing my part sa kayamanan ng Daddy ko. Dati halos lumuhod ka sakin para lang tanggapin ko to diba? "

"eh bakit hindi na lang yung pwesto ko yung kinuha mo? Bakit sa kanya pa?"

"what's wrong with that? Dapat nga magpasalamat pa siya sakin e. Coz I'm actually doing her a favor. Mas maraming opportunity sa kanya sa labas kaysa dito."

and I want her to stay away from you.

Binalot ng awkward silence ang paligid namin at ayoko ng ganun.

"ituro mo sakin lahat ng dapat kong matutunan"

"makakapaghintay yan." at saka siya lumabas ng opisina.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin