Bitter 21

256 9 0
                                    

“Waaaaahhhh!!!! Takbo!!!!”

Naalimpungatan ako sa biglang sigaw na yun. Madilim pa rin sa kwarto. Saang kwarto ba to? Ahh… Sa resthouse nina Edward. May nakikita akong liwanag. Laptop. Nakatakip sa kalahati ng mga mukha nina Edward at Crey ang isang rectangle na unan. Parang nagtatago sa kung ano.

Nanonood pa rin sila ng movie. Ano na naman kaya?

Tsk! Kapag pa naman naalimpungatan ako ay hirap na akong makatulog ulit. Kaya inenjoy ko na lang ang panonood sa kanilang dalawa. Cute naman eh. Sinubukan kong matulog ulit pero…

“Grabe.”

“Ano nang isusunod natin? Ako na mamimili ah.”

“Nagtanong ka pa,” mataray na sabi ni Crey. May kung anong pinindot si Edward sa laptop. “Ang kulit mo no, favorite mo ba yan?”

“Oo naman. Favorite namin ni Mommy.”

“Katakot kaya, galing pa naman tayong barko. Baka lumubog din sasakyan natin pauwi.”

“Edi mag-airplane.”

“Hmp! Buti na lang pogi si Leonardo dicaprio.”

“Mas pogi si Edwardo Mondragon.”

“Katakot.”

So mukhang Titanic na ang napili nilang panoorin. Kinakabahan talaga ako kay Edward. Mukhang hindi naman siya bading. Wag sana.

Kung anu-ano nang pinag-uusapan nila habang nanonood.

“Kawawa din yung isang lalaki. Syempre parang ginamit lang siya ni Rose,” sabi ni Crey.

“Eh napilitan lang naman siya dahil sa nanay niya. Tsaka kung alam na niyang may ibang gusto si Rose, wag na siyang epal.”

“Hindi naman ganun kadali yun eh.”

Tumingin si Edward sa nagdadrama kong kapatid. “Si Rose pa ba pinag-uusapan natin o si Dioskoro?”

“Adik ka Edwardo.”

“Bitter ka lang Lukring.”

Tumawa na lang si Crey. Maya-maya ay nanahimik na sila pareho at titig na titig sa screen ng laptop. Si Crey ay bilog na bilog ang mata.

“Totoo ba yun?” tanong ni kapatid.

“Alin?” Hindi nila inaalis ang mata sa screen.

“Nagmo-moist ba talaga pag-“

Biglang humagalpak ng tawa si Edward. Tinakpan ni Crey ang bibig nito. “Malay ko ba, hindi ko pa nagagawa yun.”

Feeling ko ay nasa part na sila ng pagla-love-making nina Jack at Rose. Tinanggal ni Edward ang kamay ni Crey sa bibig. “Malay ko rin.” Lumingon na ulit si Crey sa screen. “Nung sa amin kasi ni Charm, walang salamin.”

“Oh my gosh Edwardo!” sabay hampas sa braso ng tumatawang pogi. Tumitig si Crey sa kanya. “Hindi mo nakwento yung tungkol sa kanya.”

Nagkibit balikat lang ang pogi. “Past is past.”

“Bakit siya-“

“Wala ako sa mood pag-usapan, sorry.”

“Okay,” sabi ni Crey sabay hikab.

Dahil hindi ko na mapigil ang ihi kong kanina ko pa pinipigil, tumayo na ako para pumunta ng CR.

“Nagising ka ba namin ate? Sorry,” sabi ni Edward.

“Hindi, naiihi lang ako.” Tapos lumabas na ako. Nasa first floor ang CR nila malapit sa kusina kaya matapos magbanyo ay uminom muna ako ng gatas. Baka lang makatulong sa pagtulog ko. Matapos ubusin ay dumiretso na ako sa taas, sa kwarto.

Pag bukas ko ng pinto ay naabutan ko ang pinaka-romantic na eksena sa gabing yun.

Nakasandal ang ulo ni Crey sa balikat ni Edward habang hinahaplos nito ang pisngi niya with matching soft smile.

Mga split second lang yun kasi nang maramdaman ni Edward na bumukas ang pinto, kahit hindi niya pa ako nakikita, ay hindi na haplos kundi isang sampal ang ginawa niya sa pisngi ni Crey. “Gising!”

“Ahw! Ano boh! Bwisit ! Matulog ka na nga rin! Shoo!”

Tumawa si Edward. “Good night.”

Nakatayo lang ako sa pinto with matching wicked smile at nakakalokong tingin. “Good night ate.” Nakangiti pa rin siya. Pagpasok ko ay tulog na si Crey.

I smell something fishy.... very fishy...

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon