Prologue

11 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa backstage at naghihintay sa pagtawag sa pangalan ko. Hindi ko lubos maisip na darating ako sa sitwasyong  ito na hindi na ako ang magmamay-ari ng aking sarili. Pero sa pagkakataong ito tanggap ko na ang kahit anong mangyayari sa buhay ko. Gagawin ko ang lahat mapagamot ko lang si mama at para makalaya si papa. Ayaw kong mawala silang dalawa sa akin. 

Siguro dumarating talaga sa buhay ng tao na isusugal niya ang sarili niyang buhay para lang malagpasan ang mga problema dahil wala na siyang pagpipilian. Hindi ko alam kong wala na ba akong pagpipilian o ito lang talaga ang ginawa kong solusyon para mapadali ang lahat.

Alam niyo ba 'yong pakiramdam na natatakot ka dahil baka mali ang desisyon mo na sa halip masolve mo ang isang bagay ay mas lalo pang lumala. Pagmalapit sa puso mo ang involve sa isang hindi magandang sitwasyon,  gagawa at gagawa ka ng paraan para mailayo sila sa ganong sitwasyon kahit masaktan ka pa...kahit ikaw ang magdanas ng lahat ng paghihirap dahil ganon mo sila kamahal.

Naririnig ko ang nangyayari sa loob.

"Lavender is sold for 10 million!"

Namangha ako sa aking narinig. Nag-aaksaya ng milyon milyon ang mga taong dumalo sa auction para lang makuha ang isang babae.

Lima kaming babae na kasali sa nagaganap na aucthion dito sa club. Hindi ko alam kung bakit napunta rin sila sa ganitong lugar. Siguro dahil sa gipit sa pera katulad ko.

Ito lang talaga ang pinakamadaling paraan para hindi mahinto ang pagpapadialysis ni mama at para maipaopera ang nanlalabong mata nito dahil sa katarata. Para mabayaran ko narin ang utang ni papa sa casino na nagkakahalaga ng isa at kalahating milyon. Hindi ko alam kung bakit nagkaganoon si papa at hindi ko alam na nagkacasino pala siya. Kaya pala gabi na ito palaging umuuwi galing sa trabaho at mukhang problemado. Isang taon na itong nakakulong dahil pinakulong ng may-ari ng casino. Nakikita ko ang pagod sa mga mata ni papa habang humihingi ng tawad sa akin at pagpasensiyahan ko na daw dahil nagkaroon ako ng ganoong ama. Pero kailanman ay hindi ako nagalit sa kaniya dahil nagawa niya lang iyon dahil sa kagipitan.

Napagpasyahan kong hindi muna  tumuloy ng college saka na kapag maayos na ang lahat. Nagtrabaho muna ako sa isang  fast food  chain pero ko lang pa ang kita ko para sa lahat ng gastusin. Nabaon rin kami sa utang dahil sa pagpapadialysis ni mama pero hindi ako nagtanim ng hinanakit. Kahit ayaw na niyang magpadialysis dahil alam niyang wala kaming pambayad at tanggap na raw niya kung anoman ang mangyari sa kanya pero sinabi kong may nagbigay ng tulong at nagbigay ng medyo malaking halaga kahit wala naman. Sinabi ko yon para hindi na siya mag-isip.

"Lets proceed to the next. Magenta please come in" boses ng lalaking host ng auction.

Huminga ako ng malalim at pumunta sa gitna ng stage. May tumutok sa aking spotlight kaya mas kapansin-pansin ako sa mata ng mga tao. Nakasuot ako ng pulang bestida na umaabot hanggang tuhod. Backless ito na nag-iexpose sa malaking bahagi ng aking likod. Tama lang ang tabas ng neckline nito. Nakasuot ako ng pulang takong na apat na pulgada ang taas. Nakasuot ako ng maskarang puti na tumatakip sa aking mga mata at sa aking ilong.

Hindi ako nangangamba na baka mayroong makikilala sa akin dahil nakasuot ako ng maskara at codename lang ang gamit ko.

May narinig akong sumipol pero inignura ko na lamang iyon kahit iba ang dating non sa akin. Hindi ito ang oras para isipin ang mga ganoong bagay.

Isang tingin ko palang sa harap ay alam ko nang hindi basta bastang tao ang mga naririto base sa kanilang mga kasuotan at dahil ang iba pa ay may dalang file case. Sa tantiya ko, mga 20-30 tao ang nasa harap ko na lahat ay kalalakihan.

"So lets start the bidding for this gorgeous lady"

"1 million for that lady" turan ng isang lalaking na tantiya ko ay nasa mid 40's ang edad. Mahaba ang balbas nito at may mabagsik na mukha. Huwag naman sanang siya ang makabili sa akin. Pangit man pakinggan pero yon ang totoo. Nandito ako sa lugar na ito para ibenta ang sarili ko para sa pera.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seige, An Obsessed Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon