Chapter 24

1K 24 0
                                    

Hilot-hilot ni Madi ang balikat nang sa wakas ay makabalik sa condo unit niya. Dalawang linggo pa lang siyang hindi nag-wo-workout ay sumasakit na kaagad ang muscles niya sa simpleng pagbubuhat.

"Wonder what you are doing with your life, Magdalena. Hindi ka na bumabata," she said mockingly.

Binuhat lang naman niya si Phil papasok at palabas ng kotse nito. Tinawagan niya ang sekretaryo nitong si Felix na mabuti na lang at nasa Inland Steels kung saan sa penthouse ng building mismo kasalukuyang nakatira si Phil.

Pinapagalitan pa rin ni Madi ang sarili sa pagpapabaya sa katawan habang sinususian ang unit. Nagulat pa siya na madatnan na hindi nakasusi ang pinto.

Pitoy?

Mabilis niya tuloy binuksan ang pinto, nakahanda nang pagsungitan ang dahilan ng pananakit ng katawan niya. Para lang mahinto ang binabalak niyang pagdadrama nang salubungin siya ng isang karima-rimarim na eksena.

Si Pol, nakangiti at nakasandal sa divider hawak-hawak ang isang mug. Pero hindi ito nag-iisa. Sa tapat ni Pol ay may isang magandang babaeng nagsasalita at nakaupo sa lamesa niya.

Nakaupo. Sa lamesa niya. How dare she!

Tumikhim nang malakas si Madi. Nanganganib na sumabog ang inis ora mismo. Pero masyadong absorbed ang dalawang tao sa moment ng mga ito dahil hindi man lang siya binigyan ng pansin. Madi held her irritation until she couldn't hold it anymore.

"I'm home."

Doon sabay na lumingon ang dalawa sa kanya. Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Pol.

"You're back," anito.

Kumunot ang noo ni Madi sa tono ng boses ni Pol. Hindi ba at siya ang dapat na nagagalit dito?

"Kumain ka na ba?"

Sa pandinig ni Madi, sinabi iyon ni Pol hindi dahil concerned ito sa kanya kundi dahil nao-obliga lang ito. Gusto niyang manabunot ng kung ano.

"Kumain na ako," malamig niyang sagot.

"I'm sure you did."

Grr.

Dumiretso si Madi sa salas at binuksan ang TV. Nagkunwa siyang abalang nanonood kahit wala siyang maintindihan sa mechanisms ng robots na palabas sa Discovery.

"I guess I better get going then." Narinig ni Madi na sabi ng babae.

Bakit ba nakakainis na may boses ng babae sa loob ng unit niya maliban sa kanya?

"Madilim sa may kanto," ani Pol. "Can you manage?"

"Bakit? Ihahatid mo ba ako kahit saan ko gustong magpunta?"

Before Pol could answer, Madi heard the girl chuckle. Yeah, girl. Kasing edad lang ata ni Pol ang babaeng ito. In other words, mas bata kay Madi ng maraming taon.

"Binibiro lang kita. I know I already bothered you enough as it is," dagdag pa ng babae. "But some other time then, hmm?"

Nakita ni Madi nang lumabas si Pol kasabay ng babae. Mahabang sandali din na nag-uusap ang dalawa sa labas ng unit niya pero walang marinig si Madi at naiinis siya. Bahay niya ito. Karapatan niyang malaman ultimo kaliit-liitang detalye ng mga kaganapang nangyayari sa bahay niya.

Really mature, Madeline Puerto, tudyo ng isip niya.

She wasn't Madeline Puerto this time, though. She was just 'Adeng.' At ang gusto ni Adeng ay dumanak ang dugo.

Nang pumasok si Pol ay mabilis na umayos ng upo si Madi. Kahit gigil na gigil siya ay pinilit pa rin niyang mag-maang-maangan. Nagkunwa pa siyang sobrang absorbed sa pinapanood na palabas nang maramdaman niyang naglalakad palapit si Pol sa pwesto niya.

Wala sa loob na umisod siya mula sa pagkakaupo, inaasahan na uupo sa tabi niya si Pol. Sa halip ay yumuko ito at dinampot ang sapatos niyang basta na lang niya hinubad sa carpeted na sahig. Inilagay ni Pol ang mga sapatos sa shoe rack na hindi man lamang siya nililingon.

Nasa hagdan na si Pol nang hindi na nakatiis si Madi.

"Tinatawagan kita."

Kahit paano ay tumigil si Pol doon. Bahagyang itong lumingon. Blangko ang mukha nito. "Tinatawagan kita."

Dahil guilty ay dagling nag-iwas ng mata si Madi. "I was tied up. Hindi ko naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko."

"I see. So, kamusta naman ang kapatid ko?"

"Not really good. May nangyari at —" Natigilan si Madi. "I didn't tell you I was with him."

Pol gave an almost-smirk. Isang bagay na bihira nitong gawin maliban na nga lang kung may kinaiinisan ito nang sobra.

"It's not hard to guess, Madi."

It didn't escape Madi that Pol just called her by her more popular name. Something about that felt like something precious was taken away from her, and she was left feeling empty and hollow.

At dahil hindi niya alam kung ano 'yon, at kung bakit niya nararamdaman iyon, napilitan siyang gumanti ng angil.

"I don't remember giving you permission to bring a girl into this house. Baka nakakalimutan mo kung gaano kahalaga sa'kin ang privacy."

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Pol. "Lahat ng para sa ikabubuti mo ay hindi ko kinakalimutan. Hindi ko siya dinala dito, kung ikatatahimik 'yan ng loob mo, kamahalan."

Ah. Asar na asar na nga si Pol.

Pero lalo na siya.

"Who is she, anyway?"

"Hindi mo siya natatandaan?"

Tumaas ang kilay ni Madi doon. "Bakit? Dapat ba? Mas sikat ba siya sa'kin?"

Ilang sandali muna ang pinalipas ni Pol, bago, "That's Risha."

Pagkasabi noon ay umakyat na si Pol sa taas na walang lingon-likod. Si Madi naman ay nagdadabog na pumunta sa kusina para uminom ng tubig. She needed to calm herself a little bit. Nag-away ba silang dalawa ni Pol?

"What was that, acting like I was the one who did something wrong? Eh, siya nga itong kanina ko pa kinakailangan pero hindi ko mahagilap," reklamo niya. Nahinto ang kamay niya sa handle ng refrigerator. "Risha, huh. Why did that name sound familiar?"

Pero pagbukas ni Madi ng refrigerator ay natigilan siya sa bumungad sa kanya. Sa refrigerator door ay naroon ang dalawang 1.5 na softdrinks. Katabi niyon ay ang supot ng mga antacid. Mabilis niyang nilingon ang lamesa. Sa gitna ay naroon ang flower vase na itinago na niya sa kitchen cabinet dahil hindi naman niya nagagamit. Nagulat siyang makita na may mga fresh na bulaklak ang mga iyon.

Lumapit siya doon at kinuha ang isang bulaklak. Yellow bell. Her favorite flower ever since the prom night where little Pitoy saved her from humiliation.

Biglang nawala lahat ng galit niya. Napalitan naman iyon ng guilt - isang emosyon na mas mahirap pakisamahan. Why was she being an ass to Pol in the first place?

Risha.

Ayun ang sagot niya. Risha, and all the apprehensions Madi was feeling when she saw Pol smiling at some other girl besides her...

Parang may pumukpok sa likod ng ulo ni Madi nang sa wakas ay maalala niya.

"That Risha!" Oh dear god.

Madi felt a sinking feeling at the pits of her stomach. Risha Valle, as far as Pol and her were concerned, wasn't just 'some other girl.'

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapWhere stories live. Discover now