Chapter 31

1K 26 1
                                    

"Hindi na masama 'yung date natin 'no? I mean, it didn't end up perfectly. But who wanted perfect anyway?" ani Pol habang binubuksan ang pinto ng unit.

Nanatiling tahimik si Madi habang masiglang nagsasalita si Pol. Minsan, hindi niya alam kung dahil tumatanda na siya kaya ang bilis niyang magpalit ng mood. Sa ngayon, ang gusto lang niya ay ihinga nang malakas lahat ng nararamdaman ng puso niya.

Yumuko siya para sana tanggalin ang suot na sapatos. Pero yumuko kaagad si Pol at ito na mismo ang nagtanggal ng mga sapatos sa paa niya. Walang nagawa si Madi kundi pagmasdan ang ituktok ng ulo ni Pol. At kagaya ng dati, sumasakit ang dibdib niya habang nakatingin dito.

"Pero may next time pa naman, Adeng, 'di ba?" Kahit ang tono ng boses ni Pol ay nakangisi. "Iniisip ko na nga kung ano-anong pwede nating puntahan sa susunod na date. Hehe. Kakauwi pa lang natin, pero gusto ko na ulit lumabas tayo. What do you think?"

"Wala ng next time, Pitoy," she said flatly.

Naramdaman ni Madi ang paninigas ng kamay ni Pol. Nang tumayo ito ay nakita niyang punong-puno ng pagtatanong ang mukha nito. Pero walang ibinigay na sagot si Madi. Sa halip ay nilampasan niya si Pol at kaswal na nagpunta sa kusina para uminom ng tubig.

Calm down, Madi. Think. Hindi pa huli para ibalik sa normal ang lahat.

"May problema ba, Adeng?"

Sinikap ni Madi na ngumiti nang lumingon ulit kay Pol. "Bakit naman magkaka-problema?"

"You don't really look okay. Kanina pa sa byahe ka walang imik." Napansin ni Madi na bahagyang nag-alinlangan si Pol, bago, "May sinabi ba si Risha tungkol sa'min? I saw the two of you talking."

Humigpit ang hawak ni Madi sa baso hanggang sa pakiramdam niya ay madudurog iyon sa kamay niya.

"Will you help me, Ate?"

Sa kabila nang pagkabigla ay nagawa pa rin ni Madi na i-paging-kaswal ang boses. "Bakit sa'kin ka humihingi ng tulong?"

"Close kayo ni Pol, 'di ba? Nakukwento ka niya sa'kin kahit noong maging kami na. He told me before that you are like family to him. When I found out that he's staying with you, I kind of expected it already."

Bago pa makapagtanong si Madi ay sinagot na iyon ni Risha.

"You're like the sister Pol never had. Alam kong ikaw ang una niyang pupuntahan kapag nangangailangan siya. Katulad noon. He had always looked up to you, but you probably know that by now."

Sister again, huh? Medyo nakakatawang paulit-ulit na naririnig ni Madi ang mga katagang iyon patungkol sa kanya.

"Ano namang sasabihin ni Risha tungkol sa inyo na hindi ko na alam noon pa?" balik-tanong ni Madi. She knew that she was being a little defensive, but she really couldn't help it. "Still a great girl after all these years. Bagay pa rin kayo."

Hindi sumagot si Pol doon. Madi tried not to smirk in front of him. Sa halip ay dumire-diretso siya papunta sa kwarto niya. Papasok na siya sa pinto nang may maalala. Nilingon niya ulit si Pol.

"And do me a favor, Pitoy. Don't ever ask me out again."

"Why?"

"Ayaw ko na lang. Ayaw ko lang na kasama ka ulit sa gano'ng paraan."

"Was this day really that bad for you?"

"It was. This day was a mistake."

Nakipaghamunan ng tingin si Madi kay Pol. Pol's eyes, however, was unreadable. Nang manatiling nakatitig lang si Pol sa kanya nang mahabang sandali ay nagtangka na siyang pumasok sa kwarto. Pero hindi pa man bago niya marinig magsalitang muli si Pol.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapKde žijí příběhy. Začni objevovat