Kay ganda ng kanyang boses. Napapahumaling ka na lang sa ganda nitong boses. Ang sarap pakinggan, ang sarap sa pakiramdam. Nakakawala ng bad vibes. Hmm...

"I'm more than grateful for the time we spent, my spirit's at ease
I put my heart into your hands
Learn the lessons you teach
No matter when, wherever I am
You're not hard to reach
And you've given me the best gift
That I've ever known
You give me purpose everyday
You give me purpose in every way
Oh, you are my everything
Oh, you are my everything" kanta nito at ang puso ko naman ay kumakabog ng malakas. Nyare sa 'yo heart?
In love na yata ako sa boses nito. Napakagaling n'yang kumanta. Napapahanga n'ya ako.

Nang matapos na itong kumanta ay s'ya naman pag-alis ko. Ayoko magpakita sa taong yun. Baka sabihin n'yang sinisilipan ko siya. E, hindi naman talaga ako sumilip, nakinig lang ako.
Kahit gusto ko man makita ang mukha ng lalaking yun, di naako nag-abala kasi malelate na ako sa next class.

Pagdating ko sa classroom ay siya namang pagdating ng guro. Maya-maya lang ay dumating naman si Vladimeir.

"Why you're late Mr. Vladimeir? Where have you been?" Striktong tanong ni Ma'am Santos sa kanya. Lahat kami ay nakatutok kay Vladimeir na nakatayo parin at pinagpapawisan. Tumakbo siguro kaya ganon.

"Sorry Ma'am if I'm late. Pumunta pa kasi ako sa office ni Sir. Cajo" saad nito.

"Okay. You can sit now, and please 'wag ka ng magpalate next time" Saad ng guro at nagsulat sa blackboard.

Umupo naman si Vladimeir sa katabi kong upuan. Bwisit ba't kasi dito pa ang upuan nito, e.

"Hi panget" Kay bwisit na bati nito sa 'kin. Nakasmile pa ang gago. Inirapan ko nalang ito.

"Unggoy ka naman. Sana nag-ala Tarzan ka nalang para di ka nalate, tsk." Masungit na sagot ko dito. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa teacher namin na nagdidiscuss.

Narinig ko naman itong mahinang tumawa.
Hay nako kainis. Sheyt kalma self.

Ilang araw na din ang nakalipas. Pero ang takbo ng buhay ko ay ganon pa din. Palagi akong bwinibwisit ni Vladimeir na unggoy. Palagi niya akong inaasar at ako namang si pikon ay pumapatol din sa asaran. Syempre hindi ako magpapatalo sa unggoy na yun nu. Kahit inis na inis na 'ko sa kanya. Minsan nga binabatukan o di kaya'y hinahampas ko 'to. Nakakapikon e, papansin ang unggoy.

Mabuti na lang talaga at may taong nagpapagood vibes sa 'kin. Walang iba kundi ang lalaking kumakanta sa Music Hall. Alam n'yo bang pagvacant ko, pumupunta akong Music Hall para lang marinig ulit ang boses nito. Kay ganda ng kanyang boses, nakakagaan ng loob. Sa mga araw na lumilipas ay iba't-iba ang kinakanta nito. Kay sarap sa feeling. Naiinlove na nga ako sa kanya, e. Hindi ko pa s'ya kilala kasi hindi ko pa nakikita ang mukha nito. Wala din naman akong lakas ng loob para lumapit sa kanya kasi nahihiya ako.

Hay... Kinikilig talaga ako kapag iniisip s'ya.

"Hoy" Napabusangot ako ng bigla akong binatukan ni Vladimeir. Ang sakit ah. Makabatok naman ito akala mo naman close kami duh... He's my enemy.

"Ano na naman kailangan mo? Sisirain mo naman araw ko?" Pagmamataray ko dito. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko.

"Kanina pa kita kasi tinatawag panget. Pangiti-ngiti ka pa kanina d'yan. Ako lang naman iniisip mo, e." Natatawa nitong saad. Ang feeler ng unggoy na 'to.

"Duh... hindi ikaw nu. Feeler ka" Sagot ko dito.

"Sus. Deny pa more" nakangiti nitong saad.

"I'm not. Duh" saad ko.
"Oh, e, kung hindi ako. Sino?" Tanong nito.

"Yung lalaki sa Music Hall" kinikilig kong sagot. May Gash hindi ko mapigilan hindi ngumiti kapag inaalala ko ang nagpapatibok ng puso ko.

Napatingin naman ako kay Vladimeir ng hindi na ito sumagot. Nyare dito ba't biglang natulala.

"Magugustuhan mo ba ako?" Taka ko itong tinignan dahil sa tanong nito.

"Duh, bakit naman kita magugustuhan, e unggoy ka. At saka to be honest ayaw ko sa 'yo kasi lagi mo akong pinagtritripan at nakakainis ka na din nu" Sagot ko dito. Naging matamlay naman ito.
Bitin itong ngumiti. Mukhang na hurt yata si Unggoy. But its ok . Truth hurt nga naman.

"E, yung lalaki sa Music Hall gusto mo ba siya?" Tanong ulit nito. Napangiti naman ako.

"Oo. Kay ganda ng boses niya. Nakakainlove. Wala kang panama dun oi. Haha" Natatawa kong sagot. Tumango naman ito.

Tumayo ako.
"Sige alis na ako. Pupunta na akong canteen para kumain. Bye unggoy. Bleee" Paalam ko dito, bago ako umalis.

Nyare dun sa kanya ba't biglang natamlay. Tsk wala akong pakialam sa kanya. Nagtungo na ako sa canteen para kumain.

Nang matapos na akong kumain ay nagtungo naman ako sa Music Hall.
Malayo pa lang ako rinig ko na itong kumakanta. Kaya lang nagtaka ako, bakit masaya naman ang kanta pero bakit napakalungkot ng boses n'ya.
Okay lang ba siya?

Lumapit ako sa may pinto at nakinig sa kanta n'ya.

Pati ako ay napapadala sa kanta n'ya. Napakalungkot nitong kumanta pero hindi maitatago ang napakaganda parin nitong boses.
Nagtaka ako kung bakit huminto s'ya sa pagstrum at sa pagkanta.
Ramdam kong hindi s'ya masaya.

'Di ko inakalang bubuksan nito ang pinto kaya napatingin ako sa lalaking ito.
Nagulat ako at the same time napanganga.

Impossible.

"Ikaw 'yong kumakanta?" Gulat kong tanong sa kanya. Na ngayon 'di parin ako makapaniwala.

"Ako nga, Sylica" Ngumiti ito. Ngunit alam kong peke ang ngiti na 'yon.

"Hindi ko akalain ikaw ang kumakanta, Vladimeir" Sagot ko dito. Hindi parin talaga ako makapaniwala na sa kanya ang boses na 'yon. Boses na aking inibig.

"Ngayong alam mo na ako ang kumakanta. Magugustuhan mo pa kaya ako?" Di ko inexpect ang itatanong niya yun. Ramdam ko sa kanyang boses ang lungkot.

"Vladimeir..." di pa ako tapos sa'king sasabihin ng magsalita ulit s'ya.

"Alam kong kinaiinisan mo ako. Dahil parati ba naman kitang inaasar diba, sinong hindi maiinis dun. Pero alam mo bang masaya ako kapag inaasar kita kasi nakukuha ko ang atensyon mo. Sylica palagi man kitang inaasar at alam kong ayaw mo sa 'kin. Pero ang puso ko ikaw ang iniibig mula umpisa. Mahal kita, Sylica." Parang naiiyak nitong saad. Nakakagulat man ang kanyang pinagtapat sa 'kin. Ngunit naramdaman kong may saya akong naramdaman.

"Oo Vladimeir, naiinis ako sayo kasi lagi mo akong inaasar, nakakainis ka. Ngunit hindi ibig sabihin na ikaw ang kumakanta ay kinaiinisan na kita. Alam mo bang dahil sa 'yong pagkanta ang puso ko'y pinatibok mo." Nakangiting saad ko dito.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka nitong tanong.

"Kinaiinisan ko ang itsura mo, kinaiinisan ko ang ugali mo. Pero hindi ang puso mo" Sabi ko pa dito.

"Pero bakit parang gulat ka kanina nung makita mo ako?" Tanong nito.
Ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Hindi ko lang inaasahan na 'yung kinaiinisan ko, ay s'ya rin pa lang tinitibok ng puso ko. Mahal kita Vladimeir, hindi dahil sa itsura mo. Mahal kita dahil sa katangian mong pagpapatibok ng kay bilis ng puso ko" Nakangiti kong saad. Ngumiti ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita, Sylica. Hayaan mo babaguhin ko ang ugali ko para sa 'yo. Hindi na kita iinisin" Saad nito kaya kumawala ako sa yakap n'ya at hinampas s'ya ng mahina sa balikat.

"H'wag mong baguhin ang ugali mo, sanay na ako dun at okay lang inisin mo ako. Tanggap ko kung sino at ano ka. Mahal kita sa pagiging ikaw. Hindi utak ang nagmamahal kundi puso ang nagmamahal" Paglelecture ko dito kaya tumango naman ito.

"Opo, mahal kong panget" Saad nito at ginulo ang buhok ko. Napatawa naman ako.

"Mahal din kita, unggoy ko." I said sweetly and he kissed me on my forehead. Ang sweet. Ayieee... Haha.

Ang saya ko. Ganito pala ang feeling na magmahal. Puso ang ginagamit. Dahil ang puso ay tunay at hindi nagsisinungaling.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now