W.A. - page 13

1.5K 40 2
                                    

Liam's Point Of View

"Huy, p're! Kamusta? Tagal nating hindi nagkita ah!"

"I miss you, Liam!"

Lalapit na sana sila para yumakap sa akin kaso bigla ako nagpunta sa gilid kaya ang nayakap nila ay 'yung poste sa likod ko. Haha. Buti nga sa kanila.

"Ang hard mo!" Sabi ni Jack. Siya 'yung kaibigan ko na mahilig magpatawa kahit magmukha siyang tanga. Siya lang naman kasi si Jack Martin.

"Tss. Bwisit 'tong si Liam. Sobrang sama talaga kahit kelan. Magagantihan din kita." Sabi ni Warren Winston. Oo. Siya 'yung may-ari ng Winston Academy. Mayabang din ang isang 'to.

"Talk to my fist." Atsaka ko hinarap sa mukha nila 'yung fist ko.

"Blah blah," sabay nilang sabi with an epic face na parang naiinis na.

"Tara laro," sabi ko. Gusto ko maglaro kasama sila. Ang tagal ko na silang hindi nakakalaro. Si Jack kasi, artista kaya nag-home study muna siya for a while. Pero si Warren ay isang yakuza kaya siya nag-stay muna sa Japan. Hindi lang basta-bastang yakuza, sila 'yung pinaka boss.

"Ano?" Tanong ni Jack.

"Basketball," sabi ko sabay napangiti ng malaki.

"GAME!" Tuwang-tuwang sabi ni Warren. Jock. Tss.

Sumakay na kami sa motorbike namin at saka dumiretso na sa Basketball Court sa subdivision namin. Dito kasi ako nakatira nung hindi pa ako nagdo-dorm sa school.

Pero teka, sino nga pala kalaban namin?

-----

Julianna's Point Of View

Ang boring naman ngayong araw. Saturday naman so pwede kami gumala kahit saan. Tinignan ko sila Hermione at Samantha pero tulog na tulog pa rin 'yung dalawa.

Wala na akong magagawa. Kailangan ko na silang gisingin.

Kumuha ako ng mineral water galing sa fridge, at saka binuhos sa mga mukha nila. Huwag kayo magtaka. Ganyan talaga ang pinaka-best way para magising sila. Kailangan daanin sa dahas. Bigla naman silang napaupo sa kama.

"WHAT THE FUDGE?!" Sigaw ni Hermione.

"OH MY FOODS!" Sigaw din ni Samantha.

"Good morning, too."

"Lian naman eh. Bakit mo pa kami kailangan buhusan ng malamig na tubig?" Nagmamaktol na sabi ni Hermione.

"Pasalamat nga kayo mineral water pa ang binuhos ko sa mga mukha niyo."

"Thank you, Lian!" Nakangiti na sabi ni Samantha. Habang ako, poker face pa din.

"You're welcome. Gusto mo pa?" Tanong so kanya sabay lapit sa kanya nung tubig.

"Ahehe. No thanks," sabi ni Samantha sabay peace sign.

"Bilisan niyo. Mag-ayos na kayo kasi aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Hermione habang nag-iinat.

"Dalhin niyo ako sa pinakamalapit na subdivision dito. Gusto ko makita 'yung mga bahay." Bigla naman silang nagtaka pero nag-shrug na lang sila at dumiretso na sa banyo. Tatlo kasi bathroom namin dito. One for me, one for Samantha and one for Hermione.

Hindi ko din maintindihan kung bakit gusto ko lumabas. Para kasing may nagtutulak sa akin na pumunta ako sa pinakamalapit na subdivision eh. Weird.

"30 minutes!" Sigaw ko na sure akong narinig nila dahil bigla silang nagreklamo pero alam ko naman na wala silang magagawa eh.

After 30 minutes and 1 second...

"Late kayo ng 1 second!"

"Lian naman! Palagpasin mo na 'yung 1 second na late namin. 1 second lang kaya!"

"Tara na nga!" Sabi ko sabay kuha ng susi ng sasakyan ko. Yeah. Bumili ako ng bago kagabi before going to sleep. Normal na ulit 'yung allowance ko.

Pagdating namin sa subdivision, napadaan kami sa Basketball Court.

"LIAN STOP!" Bigla naman akong napapreno dahil sa sigaw ni Samantha.

"What?!" Nakasinghal kong sabi.

"Laro tayo ng Basketball."

"Are you crazy?! How can we play na ganyan ang damit niyo? Look, naka-dress kayo. Isa pa, wala tayong makakalaban. Kaya, next time na lang. Gusto ko na maglibot," explain ko sa kanila.

"Lian, nakalimutan mo na ba? Lagi kaming nakasuot ng sports wear sa panloob namin. Naka-shorts kami and tank top. Pwede naman kami pawisan kasi nga, sports wear naman 'yung suot namin panloob. Huhubarin na lang namin. Kaya, halikaaa naaa!" Mahabang explanation ni Hermione sa akin. May choice pa ba ako?

"Ano pa ba magagawa ko. Pero how about naman sa makakalaban natin?" Sana ayos lang 'yung damit ko kasi, naka-shorts at cropped top lang naman ako atsaka Vans.

"Lian, look oh. May tatlo ding lalaki doon na may hawak na bola at mukhang naghihintay ng makakalaban. Tara, makipaglaro tayo."

"SAMANTHA! Nakalimutan mo na ba 'yung laging sinasabi ng papa mo na 'Don't talk to strangers'?!" Reminder ko kay Samantha. Mahirap na sa panahon ngayon. Inosente man o hindi, lahat ng tao may tinatagong aso sa loob. Kapag pinakawalan mo 'to, pwede 'to makasakit ng kahit sino. Kaya sa panahon ngayon, delikado na.

"Lian, ayos lang iyan. Marunong na tayo lumaban para sa sarili natin. Ano pa use ng pag-aaral natin ng martial arts?" Ba't ba parang laging pinagtatanggol ni Hermione si Samantha ngayon? Himala at magkasundo sila ngayon.

"Psh. Tara na nga." Wala na akong nagawa at pinark ko na lang 'yung sasakyan ko sa gilid. Habang nagpa-park ako, hindi ko namalayan na ready na pala 'yung dalawa. Excited much?

Bumaba na kami ng sasakyan at lumapit na doon sa tatlong lalaki.

Bigla namang nabato sila Samantha and Hermione. Hinila nila ako saglit at sinabing,

"L-Lian, si W-Warren nandiyan. 'Yung e-ex boyfriend k-ko." Hermione said. Stuttering.

"Hermione, face him. Ganito na lang, let's play the game. Pero hindi dapat serious. Act normal. Smile. Isa kang goddess. Pakita mo sa kanya kung ano nawala sa kanya." Ngumiti na lang siya sa akin at saka tumango. Kailangan niya harapin 'yung mga bagay na kinakatakutan niya.

"Earth to Samantha!" Sigaw ko sa nakatulalang si Samantha.

"H-huh? OMG! Si J-Jack! 'Yung crush ko nandiyan! Kaibigan pala siya ni Liam!" Kinikilig na parang nababaliw na sabi ni Samantha.

So nandito pala si Liam-piso? Game na game na ako.

"Wala ng bawian. Kayo na pumilit sa akin maglaro." I smirked. "Let them see what we got," sabi ko at naglakad na papunta kela Liam-piso.

"Hi. Wanna play?" Sabi ko sabay pakita ng devilish smile ko.

"Oh, shit."

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Q O T P:

"Just because a relationship ends, doesn't mean two people stopped loving each other. They just stopped hurting each other."

Winston AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon