W.A. - page 9

1.4K 40 6
                                    

Liam's Point Of View

Walang hiyang babae yun! Ang kapal ng mukha mambato ng bato sa sasakyan ko! Ano akala niya babatuhin ko siya ng tinapay kapag binato niya ako ng bato?! Bwishit.

"Nadyan na siya. Mag-give way kayo para sa kanya!"

"Gosh! Sobrang gwapo niya talaga! Sana tignan niya ako kahit isang beses lang!"

Bigla naman akong napatingin doon sa babaeng huling nagsalita na sinasabi na sana tignan ko daw siya kahit isang beses lang.

At dahil tinignan ko na siya, bigla siyang hinimatay. Literally. Swerte nga niya at binigyan ko pa siya ng death glare.

Lahat sila nagba-bow kapag dumadaan ako. Kitang-kita ang takot sa mukha nila na banggain ako. Aba, dapat lang!

Ako lang naman kasi si Liam Lee. Ang King ng school na 'to. Dahil ang rank ko ang pinakamataas. At best friend ko ang owner ng school na 'to. Akala niyo ako ang owner, 'no? Asa.

Hindi pa rin talaga mawala 'yung pagkainis ko dun sa flat screen na nambato nung sasakyan ko. I mean, doon sa babaeng nambato ng sasakyan ko.

*Ring* *Ring*

Umupo ako sa taas ng puno saka sinagot 'yung tumatawag sa akin kahit hindi ko tinignan 'yung caller ID.

"Anak."

"Dad? Ano kailangan mo?"

"Nandyan na siya. Kailangan na natin maghanda. Nalalapit na ang araw."

"Who?" Ang serious kasi ni Dad kaya nag-serious na rin ako.

"Siya nga. Ano ba naman iyan, anak? Kailangan paulit-ulit? The last time I checked, naka-line ka at hindi ka unli."

Napa-face palm na lang ako sa pagiging corny ng ama ko.

"Dad, tatawa na ba ako?" Kahit kailan talaga si Dad, ang pilosopo. Buti pa ako, gwapo. *Wink*

"Hmp. Kung binabatukan kaya kita ngayon. Pasalamat ka, gwapo ka like me. Basta, tatawag na lang ulit ako next year. Hehe. Joke! Next time. Babye!"

"Tss." Hindi ko talaga alam kung sino ang mas matanda sa amin. Parehas na parehas talaga sila ni Mom. Isip-bata.

Bago ko makalimutan, kailangan ko ng mag-isip ng mga plano ko para magantihan 'yung Bato Girl na 'yun.

Suddenly, an evil thought came out of my mind. Hehe.

Humanda ka sa akin, Bato Girl.

Winston AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon