W.A. - page 8

1.3K 42 4
                                    

Julianna's Point Of View

Pagod na pagod na ako. I feel so exhausted. Sabi ni Samantha, nasa gitna pa lang daw kami. Haaay. Gaano ba kahaba 'tong 1km na sinasabi niya?

Nakakapagod din pala 'yung umiwas ng umiwas. And the weird thing is, sa akin lang naka-aim 'yung mga arrows, bombs, etc. 'Yung iba, nasasalo ni Samantha, pero 'yung halos lahat, kailangan ko pa talaga iwasan! Pero I don't mind kasi marami naman talaga akong haters. I'm used to it.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

And.. sa wakas! Nandito na kami sa main gate.

Hindi ko sure kung paano bumukas 'yung gate. Base on what I saw, may pinakita si Samantha sa bandang likod niya, then bigla na ito nagbukas. At bago pa magsara, hinila na ako ni Samantha.

Pagkapasok namin, napa-'wow' na lang ako. Sobrang ganda. Pero mas maganda ako. Kung sino man ang umangal, pangit.

"Lian, wait lang ah. D'yan ka lang at 'wag ka aalis! Sandali lang ako. Babalik ako kaagad. Don't talk to strangers," bilin ni Samantha sa akin na parang nanay.

"OK. Basta, make sure na babalik ka kaagad. At hindi dapat pinag-aantay ng matagal ang dyosa na katulad ko," sabi ko sabay may hawi effect pa ng buhok. Masaya ako dahil malapit na ako matulog. Tumataas energy ko! Galing 'di ba? Tumataas energy ko 'pag matutulog na ako.

Umupo muna ako atsaka si Dai-chan. Pinainom ko na din si Dai-chan ng tubig. For sure kasi napagod din siya.

Nagulat ako nang biglang may bumusina sa likod ko. Ang tanga naman nung driver. Bakit siya pa 'yung bumusina? Dapat siya na lang umiwas sa akin kung nakaharang ako. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na, 'Always give way sa mga nakakaganda sa'yo.'

*Beep* *Beep* *Beep* *Beep* *Beep*
Ang ingay na ah. Isang busina pa talaga niya, ISA PA TALAGANG BUSINA --

*BEEP!!!*

Thats it! Napuno na ako! At sa sobrang inis ko, binato ko siya ng malaking bato na napulot ko.

At dahil doon, nabasag 'yung salamin niya, bumaba na 'yung walang hiyang driver na wala yatang alam sa pagda-drive at puro busina lang ang ginagawa.

"A-ANONG GINAWA MO SA SASAKYAN KO?! HINDI MO BA ALAM NA BAGONG BILI LANG 'TO?! MAS MAHAL PA 'TO SA BUHAY MO!!!"

Binato ko lang naman 'yung sasakyan niya at saka nabasag lang 'yung salamin nung sasakyan niya, kung makapag-react, ganito na kaagad? Mura lang naman ang pagpapagawa ng salamin ng Lamborghini Veneno, 'di ba?

"K," I replied. I'm lazy and tired.

"Magbabayad ka. Magbabayad ka! Bago ka lang siguro kaya hindi mo pa kilala ang binabangga mo," cold  niyang sabi na kung duwag na tao ka ay tatakbo ka na para sa buhay mo. Pero, sorry. Hindi ako natitinag.

Hmp. At dahil sa tinatamad na talaga ako magsalita, hindi na ako sumagot. Who cares? He won't see me again. Sa laki ng school na 'to, miracle na lang ang gagawa ng paraan para mag-krus ang landas namin.

Winston AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon