W.A. - page 18

1.1K 30 2
                                    

Julianna's Point Of View

Hungry tummy. (-_-)

"Dali na kasi Lian! Ang kill-joy mo!" As usual, ang maingay na si Samantha.

"Pumayag ba ako na maglaro tayo? For I to remind you, pinilit niyo lang ako."

"Gawin mo na lang, dami pang arte." Napa-irap na lang ako. Kapal ng mukha ng lalaking may minor sprain.

"Tumahimik ka na lang, dami pang satsat," pilosopo kong sagot.

"Bakit ka sumasagot, hindi naman kita tinatanong." Bipolar pala 'tong si Am.

"*Yawn* Bakit ka din sumasagot, sure ka bang ikaw kausap ko kanina?" Inaantok na ako sa sobrang gutom.

"TUMIGIL NA NGA KAYO!" Super sigaw ni Samantha. Thank you Samantha. Binuhay mo ulit ang kaluluwa ko dahil sa sigaw mong makapangbasag eardrums.

"Spin the bottle ulit," sabi ni Hermione para hindi magkaroon ng awkwardness sa paligid.

Ini-spin ulit ni Jack 'yung bottle at tumapat to sa akin. *Sigh* Ako na naman.

"Truth or da--"

"Truth," I answered kahit hindi pa sila tapos magtanong. Hays. I can feel my stomach making some weird noises. I'm hungry.

"Ano ba kapangyarihan mo? We're curious about you. Hindi man lang namin nakikita 'yung presence ng power mo."

Nagtaka ako sa tanong ni Warren. Powers? Kapangyarihan? What the heck are they talking about?

"L-Lian, a-ano.. Ang tinutukoy nila ay 'yung kung ano 'yung s-special talent m-mo," Hermione said. She's worried. Worried about what? Are they hiding something?

Narinig kong bumulong si Hermione kay Warren. Bumulong pa siya, eh narinig ko din naman. "Ano ka ba! She's still innocent. Hindi pa niya alam!"

"A-ah. Ganun b-ba? Hehehe.. Oo t-tama 'yung sinabi ni Hermione. Ano ba 'yung s-special talent mo?" Now, sure na ako na may tinatago sila sa akin.

"Spill it. You know what I am talking about," I said as I stare at them one by one.

"Sa tingin ko, oras na para malaman niya," sabi ni Am kela Hermione and Samantha. Involve din ba siya sa secret nila? How come? Kakakilala pa lang naman nila.

"OK, fine. Julianna, we're vampires. Specially, you." W-what the--?! Are they kidding? Pero tinawag nila akong Julianna. This means na seryoso sila.

"W-what? P-paanong--? W-wait, specially me? W-what do you m-mean?" Gulong-gulo na ako. Kaya pala gustong-gusto ko ang kulay ng dugo. Pero hindi yan maipapaliwanag ang lahat.

"Hindi din namin alam. Naramdaman lang namin nung first time ka namin nakita. Don't ever think na kinaibigan ka namin because isa ka ding vampire. Lian, patingin ng mark mo," sabi ni Samantha. Pinakita ko naman sa kanila 'yung likod ko kung saan nakalagay 'yung mark ko.

"I knew it. Guys, look."

Lutang pa rin 'yung utak ko hanggang ngayon. Pakshet. My mind can't still process those informations.

"OMG Lian! You're the long lost--" sabi ni Hermione but Am cut her off. Nag-iba 'yung tone ng boses ni Am.

"Immortal princess." Immortal? As far as I know, lahat ng vampires are immortals right?

"Hindi ba lahat ng vampires are immortal? And ako? Princess? How come?"

"Nah. Mamamatay lang kami kapag iyon na talaga ang nakatakdang oras para sa amin. Pero ikaw, bilang isang immortal, ay hindi mamamatay kailan man. At ikaw ang long lost princess ng mag-asawang Park. Ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng bampira," Nagulat ako sa sinabi ni Jack. M-may parents pa ako?

"P-pwede ba na bukas na lang natin 'to pag-usapan? I'm tired. Too much informations," sabi ko at naglakad na papasok habang nakatulala.

------------

Liam's Point Of View

"Ako ng bahala sa kanya. Matulog na kayo," sabi ko sa kanila at hinintay ko muna sila pumasok sa rooms nila bago ako pumasok sa room ni An. Oo, room ni An. Huwag kayong green, babantayan ko lang siya buong magdamag. Huwag din kayo mag-assume na may mangyayari.

Pagpasok ko, nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Naupo ako sa tabi niya.

"Ang ganda mo pala talaga, aking prinsesa," sabu ko atsaka pinahiran ang luhang tumulo mula sa mga mata niya. She fell asleep kakaiyak.

Ang tagal ko na siyang hinahanap. Kaya pala. Kaya pala iba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.

"Nasa harap na pala kita, hindi ko man lang pinansin. I'm sorry, my princess. Pero ngayon, nandito na ako. I'll protect you 'till the last breathe of my life. Hihintayin ko ang makita kang naglalakad papunta sa akin habang nakasuot ng isang puting magandang damit. Hihintayin ko na maramdaman mo na nakatakda tayo sa isa't isa. Maghihintay ako, An," sabi ko sabay halik sa noo niya.

Siya. Siya si Julianna Park. Ang babaeng nakatakda sa akin at ang babaeng mamahalin ko kahit man ang maging dulot nito sa akin ay kamatayan. Paano ko 'to nasasabi? Siya kasi ang soulmate ko. Lahat ng vampires merong soulmate. At sobrang saya ko at nakilala ko na ang akin.

Hindi ko alam na siya pala 'yung soulmate ko. Hindi ko kasi inakala na bampira rin siya.

Isa lang alam ko. Pagkatapos nito, maraming magbabago.

Winston AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon