Chapter XXXIX: Crush

9.8K 68 0
                                    

Lumipas pa ang mga araw at dumating na ang 4th Monthsary nila. Ngayon lang sila uli makakapag-celebrate nito at napili nalang nilang i-celebrate ito ng simple lang. Tutal, basta magkasama lang naman sila ayos na. Sa bahay lang sila noon ni Elise doon nanonood lang sila ng movies. Bumili nalang sila ng pizza.

Kahit napagusapan nila na simple lang ang magiging celebration ng 4th nila; lingid sa kaalaman nila ay naghanda sila ng regalo para sa isa't-isa. Ang pinapanood nila nung mga oras na yun ay My Amnesia Girl ang talagang napa-close nila sa isa't-isa. Halos magkayakap na sila na noon at gaya ng dati; teamwork sila sa pagkain nila ng pizza. Hawak ni Rosh ang Pizza habang si Elise naman ang may hawak ng inumin nila. 

Habang nanonood sila ay biglang tumawag ang ate nitong si Elise at agad naman niya itong sinagot, habang pinause naman ni Rosh ang movie.

"Oh Ate napatawag ka?" sagot nito at medyo umayos siya habang naisipan ni Rosh na pagtripan itong Girlfriend niya. "Ayos lang ako ate. Oo ok lang..." kinukulit niya ito habang si Elise ay pinipigilang nalang matawa sa ate niya.

"Sige sige ate. Oo. Ha?" sabi nito at tumigil si Rosh habang si Elise naman ay lumingon sa kanya.

"Oo, nandito. Ah..." sabay ngiti nito at lumihis uli ng tingin. Napakunot naman ang noo ni Rosh at umayos siya bigla ng upo.

"Sige sige ate. Oo, sabihin ko nalang. Sige po ingat ka. Bye." sabi ni Elise at agad na niyang binaba ang phone, pinatong sa table, ini-unpause ang movie, pinaayos si Rosh, at pumwesto na sila uli. 

Ngumanga lang noon si Elise, nag-aantay ng pagsubo ni Rosh ng pizza habang si Rosh nagtataka parin kung ano pinag-usapan nila ng ate ni Elise. Mukhang walang balak magsalita nitong si Elise. Uminom pa muna ng juice bago siya tinatapik-tapik ni Rosh.

Tumingin si Elise at sinignalan niya kung ano yung pinagusapan nila ng ate niya. Kaso di ito agad na-gets ni Elise kaya naka-ilang ulit pa siya bago naka-sagot.

"Ah, ayun nga daw. Tinatanong ni Ate kung kumusta daw ako at matagal nga rin siyang wala. Sabi ko naman ayos lang ako blah-blah. Tapos bigla niyang tinanong kung sino daw kasama ko." 

"Ah, tapos?" tanong ni Rosh habang kinagatan niya yung pizza at si Elise naman pinause yung movie ulit.

"Sabi ko Boyfriend ko." nag-blush at napangiti ng konti si Rosh sa sinabi niyang yun. Kasi di pa siya gaanong nababanggit ni Elise sa mga kapatid niya; alam naman niya kung gaano ka-busy ang dalawang ito.

"Tas bigla niyang sinabi kasi nga nag-mamdali siya; gusto ka na niyang makilala." natigilan si Rosh sa sinabi ni Elise na yun.

"Teka-teka, makilala?" pag-lilinaw na tanong ni Rosh.

"Oo Baby. Tapos sabi ko, oo sige, sasabihin ko nalang. Tapos ayun na!" sabi ni Elise at yun natapos na at bigla niyang kiniss si ang medyo natigilan parin na si Rosh at nagtaka si Elise kung bakit. Sinampal niya ng malakas ito at natinag din si Rosh.

"Masakit yun ah! Bat moko sinampal!?" malakas na sabi ni Rosh. Tumawa lang naman si Elise at agad na nilambing itong Boyfriend niya.

"Ikaw kasi, bat ka natigilan?" tanong nito habang kinikiss yung may sampal niya.

"Eh kasi ngayon ko palang makilala yung magkambal mong kapatid, lalo na yung ate mo." sagot ni Rosh ng ni-resume na niya yung movie. 

Pinause uli ni Elise yung movie at sumagot; "So mas-takot ka sa ate ko kesa sa kuya ko?"

"Ako? Ako na Baby mo? Takot sa mga kapatid mo? Heh, Heh," pagyayabang ni Rosh at nginisian naman siya ni Elise. "Baby wag mokong tinatakot ng ganyan, dahil medyo natatakot ako sa mga kapatid mo." biglang pa segunda nitong si Rosh. 

"Hahahaha! Ang yabang mo ha! Ahahahaha" sabog ni Elise ng biglang sinabi yun ng Boyfriend niya. Todo lambing naman itong is Elise habang si Rosh naman ay sinusulit ito.

"Wag kang mag-alala Baby. Kasama mo naman ako eh, wag ka ma-tatakot ha?" sabay kiss uli sa cheeks nitong si Rosh.

Tuwang-tuwa naman itong si Rosh sa sobrang lambing nitong GF niya. Swerte nga naman niya talaga.  Kiniss niya ito sa bunbunan niya at nagpatuloy na sila ng panonood.

Habang nanonood sila ay nag-vvibrate lang ang phone ni Rosh. Nakikita niya na nagvi-vibrate ito pero di nalang niya pinapansin. Matagal narin niyang ginagawa ito, lalo na't kasama niya ang Girlfriend niya, at monthsary din nila.

Maya-maya pa ay tumayo itong si Elise at magc-cr daw siya. Habang nakapause lang ang pinapanood nila, ay na-isipan niyang tingnan ang phone nitong si Elise. Kinuha niya ito at agad na tiningnan ang galleries.

Nakita niya na may mga bago siyang picture at pagbukas niya nito ay napa-iling siya dahil may nakita siyang pictures ni Elise kasama ang isang lalaki. Agad niyang tiningnan at mukhang madami nga silang pictures.

Nakabalik na itong si Elise at nakita nga niya na tinitingnan ni Rosh ay phone niya. Agad siyang tumabi dito at tiningnan rin niya at ng makita niya ang pictures nila ng lalaki ay natigilan din siya. 

Habang nagbo-browse itong si Rosh ay nagsalita siya; "Sino to?"

"Ah, eh, uhmm si Earl. Classmate ko siya Baby." pag-sagot niyang yun ay hindi agad siya nag-salita.

"Close niyo ah." sabi nalang ni Rosh pagkatapos niyang makapagbrowse. Ibinalik na niya ang phone ni Elise at plinay na nila ang movie. Ramdam ni Elise na nag-seselos ang Boyfriend niya kaya agad niya itong tinanong.

"Baby nag-seselos ka?" tanong nito.

"Hinde." agad namang sumagot itong si Rosh. 

"Eh Baby, wag kana mag-selos. Wala lang yun to naman. Crush ko lang yun." paglalambing ni Elise.

"Ano? Crush!?" lingon agad ni Rosh.

"Oo, crush. Pero hanggang dun lang yun. Wag ka mag-alala ha? Ngiti na yan." paglalambing nitong si Elise.

"Tss, oo na. Kiss mo muna ako." at kiniss niya ni Elise. Nawala na yung sama sa mukha nitong si Rosh.

"Ayos na?" tanong na malambing ni Elise.

"Sabihin mo muna love moko." 

"I love you!" sigaw nito at bigla din siyang niyakap ng mahigpit nitong si Elise. Hindi na siya makahinga dahil sobrang higpit lagi ng yakap ng Girlfriend niya.

Maya-maya ay nagkiss sila uli at nagpatuloy na ng movie-date nila. Maya-maya ay may nag-text naman kay Elise at agad niyang binasa ito. 

Elise tuloy pa ba tayo? Kasama natin si Earl noon, :)) agad na umilaw ang mga mata nitong si Elise pero pinili nalang niya na wag na muna mag-reply. 

Nilambing-lambing muna ni Elise ang Boyfriend niya at biglang nagsalita; "Baby, may lakad kami ng barkada sa isang araw. Pede ako sumama?" pag-papaalam niya.

"Saan naman?" tanong agad ni Rosh habang nakatingin parin sa pinapanood nila.

"Ah, sa mall lang. Man-lilibre kasi yung barkada ko eh. Pede?" 

"Ah ganun ba. Sige-sige basta mag-tetext ka ah." sabi ni Rosh.

"Oo Baby. Thank you." sambit nito at pinagpatuloy na nila ang panonood. Nakangiti lang noon si Elise at agad na nag-reply sa mga kasama niya.

OO, sasama ako. Pinayagan nako ng Boyfriend ko. :D

All that's leftWhere stories live. Discover now