Chapter XIV: Bakit?

15.2K 127 7
                                    

Sa gabing yun ay litong-lito itong si Rosh kung bakit ganun nalang ang nasabi nitong si Elise. Hindi niya daw gusto? Eh ayos na ayos nga sila kanina lang. Nagkwentuhan pa nga sila, pinagtulungan ako sa pang aasar tapos nag exchange pa sila ng numbers para bantayan daw ako. Bakit naman ganito bigla ang naging ihip ng hangin? Ano yun, plinastic lang ng Girlfriend ko ang Bestfriend ko? 

Isip na isip nuon si Rosh hanggang bumaba sila ng taxi at duon nagsimula silang maglakad. Hindi parin nagsasalita itong si Elise simula nung sinabi niya yun kaya naman naisip ni Rosh na kausapin nalang ito at subukan pa niyang ibahin ang tingin nitong si Elise kay Jas.

"Baby bat naman ayaw mo sa bestfriend ko?" tanong ni Rosh kasi nga, bestfriend niya yun. Isa sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay niya, at hindi siya gusto ng Girlfriend niya. Medyo mahirap nga naman yun at nakakabigat ng loob.

"Basta ayoko sa kanya." ang tanging sagot lang ni Elise. 

Napakamot nalang siya sa ulo at nagsalitang muli; "Eh bakit nga? Imposible naman na wala kang rason para kainisan or ka-ayawan si Jas eh. Ang saya-saya niyo nga kanina. Malamang magtataka ako ng ganito Baby." tumigil si Elise at tumingin kay Rosh.

"Ayos lang sana kung lalake yang bestfriend mo eh; pero babae. Babae siya Rosh! At pagkatapos kong malaman na sobrang lapit niyo; as in SOBRA! Anung ilalaban ko dun kung sobrang lapit niyo eh tayo nagsisimula palang!" pag-sigaw nitong si Elise. Napabugtong hininga nalang siya at hinawakan siya sa balikat pero inalis niya ito at crinoss nalang niya ang mga braso niya at iniwasang tumingin kay Rosh.

"Baby oo malapit kami sa isa't-isa. Pero tandaan mo hanggang pagkakaibigan lang yun, ok? Ikaw parin kasama ko ngayon at piniling mahalin eh. Uie Baby..." ang sagot niya kay Elise habang nilalambing niya ito pero nagmamatigas parin.

"To naman, Baby may mga bagay na hindi namin magagawa na magagawa natin. At may mga bagay na, ikaw lang makakapagbigay." sagot niya at tumingin si Elise kay Rosh.

"Kahit na, sa lapit niyong yun? Baby siya yung nadun eh; malamang hindi ako magtataka na ganun kayo ka close, at malabong walang na-fall sa inyong dalawa. Na fall kaba sa kanya dati? Sumagot ka kundi babangasan kita." ang sagot niya, napahinga nalang muli ng malalim itong si Rosh at sumagot naman siya agad.

"Baby kaibigan ko lang siya ok? Hindi na lumagpas pa ang pagtingin ko sa kanya. Hanggang duon lang yun."

"Eh siya? Alam mo ba nararamdaman niya?" pasunod naman nitong si Elise.

"Napagusapan na namin yun Baby. Kaibigan lang talaga." ang sagot niya. Pero sa loob-loob ni Elise. Alam niya na hindi nga ito nahalata ni Rosh. Kanina palang sa pagku-kwentuhan nila ay nabasa na ni Elise itong si Jas. May gusto ito sa Boyfriend niya. At yun yung tanging kinaiinis niya.

"Pano kung may gusto sayo yung babaeng yun ha? Papatusin mo? Sumagot ka! Papatusin mo ba!" sinigaw niya habang medyo pinapalo palo niya ng mahina itong si Rosh.

"Malamang hinde! Baby naman, kalma ka lang. Tsaka kung na-fall na sakin itong si Jas eh di sana napansin ko na nuon pa diba?" sagot ni Rosh. Tanga ka! ang tanging pumasok sa isip ni Elise nung ora na yun.

"So kahit isa hindi pumasok sa isip mo na ligawan si Jas na yon?" tanong niya kay Rosh. Nakita naman ni Rosh ang pangamba at pagaalala sa mga mata niya at naisip niya na tanungin muna itong si Elise bago niya sagutin ang tanong niya.

"Bakit ba ganyan ka nalang ba ka galit na bestfriend ko ay isang babae?"

"Dahil yan ang dahilan ng mga ex ko nung iniwan nila ako!" sigaw niya, na ikinagulat naman ni Rosh. Namumugto narin ang mga mata nito nung sinabi niya ang mga salitang iyon at hindi nalang siya agad nakapagsalita pagkatapos noon.

"Yung una ko dahil sa bestfriend niya na babae, mas naiintindihan daw siya noon at alam kung paano siya pasayahin! Yung pangalawa ko, nag-away lang kami; imbes na suyuin niya ako; WALA! Ilang linggo lumipas noon at naisip ko na na itapon ang pride ko dahil mahal ko siya noon at ayoko siya mawala at ano, malalaman ko nalang na sila na pala ng bestfriend niya. BESTFRIEND NIYA ROSH! Alam mo ba kung gaano kasakit yon? Minahal ko silang pareho pero dahil sa hindi pagkakaintindihan at pag-aaway na yan. Malalaman ko nalang na ganon. Masakit yun Rosh!" ang mga salitang lumabas sa bibig nito. 

Hindi lubos maisip ni Rosh na ganun pala ang pinag-daanan niya kaya siya nagkakaganoon; "Kaya simula noon. Hindi ko nalang sineryoso ang mga sumunod sa kanila at mas pinili ko pa na ako ang manakit sa kanila kesa ako naman ang saktan nila." dagdag ni Elise. Natulo na ang luha niya noon at hindi parin makapag-salita itong si Rosh.

"Ngayon kung sasaktan mo rin lang ako dahil sa bestfriend mo. Na kung ipagpapalit mo ako sa bestfriend mo na yan. Mabuti pa tapusin na natin to Rosh. Alam ko napaka-O.A. ko dahil kaka 1 month lang natin pero seryoso ako Rosh. Seryoso ako. Papasayahin kita, aalagaan at pagsisilbihan basta alam ko seryoso ka at di ka mawawala saken at---" pero bago pa niya natapos yun ay agad siyang niyakap ng napakahigpit nitong si Rosh. 

Napapikit na si Elise nun at tuluyan na siyang umiyak. Hinayaan muna ni Rosh na umiyak itong si Elise dahil alam niya na hindi rin agad ito titigil sa pag-iyak, at naiintindihan na niya kung bakit ganun nalang ang inaasal niya buong araw. Takot siyang ipagpalit ko at iwan ko ang pumasok sa isip niya. Habang tila hinehele niya si Elise sa paghimas niya ng ulo nito at sa hindi niya pagluwag sa pagkakayap niya, naisip nalang niya na mamahalin niya ng buong-buo itong si Elise at pinangako niya sa sarili niya na hindi na masusundan pa ang mga nangyaring yuon.

Hinalikan niya si Elise sa noo at muling niyakap ito ng napakahigpit; "Wag kang mag-alala. OO seryoso ako sayo at hindi. Hindi kita ipagpapalit kahit sa bestfriend ko pa, dahil una: kaibigan ko lang talaga siya at pangalawa: ikaw pinili ko." sabi niya at tiningnan siya ng patahan na na si Elise.

Tinitigan niya ang mga mata nito habang nakangiti sa girlfriend niya; "Wag mo kong itulad sa mga nakaraan mo dahil hinding hindi kita iiwan. Hindi ko rin ipapangako na hindi kita papaiyakin dahil pag-pinangako ko yun, mababali ko din lang. Alam ko hindi ako nababagay sayo at malamang yun rin sasabihin ng iba pero; tandaan mo; mamahalin kita ng todo at walang sawa at hinding hindi kita iiwan." sambit niya. Napa-iyak nalang uli itong si Elise at niyakap pabalik itong si Rosh ng napakahigpit.

"Ok Baby? Wag kana magselos at wag na wag mo ng iisipin na ipagpapalit kita." dagdag niya.

"Kahit awayin kita, kahit topakin ako. Dahil ako pag tinopak talagang maiinis ka..." pagdadagdag niya pero hinalikan lang ito sa noo ni Rosh at umiling nalang ito ng hinde.

"Siguraduhin mo lang dahil akin ka lang. AKIN KA!" sigaw nito at niyakap na siya nito ng nakapahigpit. Niyakap nalang ni Rosh si Elise ng napakahigpit pabalik.

"Oo sayo lang ako. I love you Baby" sagot niya.

"I love you too." ang paghahagusgos na sagot ni Elise.

"Wag kana mag-selos at matakot ah." dagdag ni Rosh at shinake nalang ni Elise ang ulo niya nung gabing yuon. Matagal silang nagyakapan noon at tinatapik na ni Rosh itong si Elise.

"B-B-Baby, di nako makahinga. Aray..." sambit niya at lalo pa nitong hinigpitan ang yakap niya. Naangat ni Elise itong si Rosh sa pagkakayakap. Pero masaya na si Rosh noon, dahil napakalma niya ang Girlfriend niya at nasigurado niya na hinding hindi niya iiwan ito. Iba pa naman itong si Rosh, dahil once na nagpangako to; hinding hindi niya ito binabali.

--------------------------------------------------------------------------------------

Sa apartment ni Jas. Nakaupo lang siya sa kama niya, patay ang ilaw at nakaubob. Umiiyak, nasasaktan.

"Kaya mo to Jas. Sabi nga sa kanta ng Parokya ni Edgar. Pikit matang tatanggapin, mas kayang masaktan paminsan-minsan. Wag ka lamang; mawala ng tuluyan..." sabi niya sa sarili niya. Tila pinagagaan ang loob niya. Dahil bukod kay Rosh, wala na siyang ibang masasabihan ng nararamdaman niya.

All that's leftWhere stories live. Discover now