Sa aming dalawa, parang siya pa ngayon ang mas matanda. Right now, siya pa ang nag aalaga sa'kin at siya pa ang nagpapagaan ng aking kalooban. This little kid who doesn't understand everything that is happening, ang pinanghahawakan lamang niya ay ang mga katagang binitiwan ng kanyang ama. 

"I don't like it when people are sad. My kuya is always sad din po. It breaks my tiny heart," bulong nito.

Hindi ko alam kung bakit bigla na ding gumaan ang aking pakiramdam. So I did what I wanted and took her in my arms bago siya iniupo sa'king kandungan.

Parang kailan lamang ay baby pa sa paningin ko si Cloud,  sila ni Lexo. They were the youngest at kung dumating siguro ang araw na ang dalawa ang nalagay sa hindi magandang sitwasyon, I would have flipped the whole world for them, kasi nga mahal na mahal ko ang mga kababata ko.

And now here she is, Ulap's little girl. 

"You know po ba, Tito Ulan said his girlfriend is so pretty," nilingon niya ako bago ngumiti, her boxy smile showing, namana niya sa kanyang ama. 

"His girlfriend? Did he say who?" kunwari ay tanong ko.  Bigla naman siyang napanguso tsaka nagkamot ng ulo. 

"You are po. Sabi niya po kila Pappy and Tito Chase.  Away niya po sila because they did not sibi argard daw," kumunot bigla ang noo nito na tila may iniisip. "Sibi, no,  sabi agad, hm, wait po, I'll ask Pappy," nagkakawag ito mula saking pagkakahawak at lumundag na pababa. 

Sinundan nito ang amang mukhang patungo na sa labas.  Napalingon ako ng marinig si Aedree na may kausap, bahagya ko pang napansin ang suot nitong Airpods.

"Umuwi ka nga sabi muna at dapat nandito ka. Malapit nang maubos ang pasensya ko sa'yo Yelo. Baka masunog ko yang rest house na yan kapag nainis ako,"

Pag ikot nito at kitang kita ko pa ang naging pag awang ng mga labi nito, tila nagulat sa kung anuman ang sinabi ng kapatid nito. 

And then in a manner of a few seconds, napaungol na lamang ito at tila inis na inis.

"Ano'ng sabi ni Kuya?" napakapit pa si Alexo sa braso ng kuya nito, sabik na sabik marinig kung ano ba ang sinabi ng isa pa nitong kapatid. 

"Hulaan ko, minura ka no?" si Julio na napapailing pa.

Napalingon muna sy Aedree sa gawi ni Xantha na tila may kausap din sa telepono habang kasama na sa Ahyessa.

"Bahay daw ni Xantha ang sisilaban niya kapag hindi ako tumigil. Tapos pinatayan ako. Siraulo talaga,"

Natawa si Julio habang si Lexo ay nabitawan na ang kuya niyang mukhang kinabahan din sa naging sagot ni Yelo.

Everybody knew Yelo has his ways to know what's happening. Kaya rin siguro hindi ito nagmamadaling umuwi.

Napailing na lamang ako at hindi na kumibo.  Ibinalik ko ang aking tingin saking palad at nilaro laro ang laylayan ng t-shirt ni Milan. 

Kamusta na kaya siya? Baka stress na din ito sa mga test na ginagawa sa kanya. 

I was just thinking about him so when the door opened and Ulap came in while pushing Milan on his wheelchair, hindi ko na naman napigilan ang aking sarili na hindi mapaiyak. 

Seeing him wearing a hospital gown, na naging go-to attire na yata niya sa nakaraang limang taon, I'm just so tired of it. 

Narinig ko ang pangangamusta ng mga ito sa kanya.  There was a point when I lifted my face and our gaze met. Alam kong may bakas ng pag aalala sa kanyang mukha seeing how I looked. 

Nang pumasok ang doktor at ipaliwanag kung ano ang nangyayari, I missed half of what he explained.  Ang tanda ko lang, the incident has something to do about his brain injury during the incident. Eh yun nga ang reason kung bakit wala siyang maalala so I don't really understand. Sabi ng doctor, mukhang emotionally pressured si Milan na nagtrigger ng kung ano sa kanya, that the pain he felt maybe just a phantom one, but all in all, he's really healthy and wala namang problema na.

Phantom,  so hindi totoo? Eh naiyak na nga siya sa sobrang sakit.

Hindi ko na masyadong gets pero iyong marinig ko lang na okay siya, yun lang ang importante sakin. 

Nawala na din naman silang lahat at nauna na maliban kay Lexo na naiwan para daw ipag drive kami.  So after Milan changed his clothes, mabilis itong lumapit saking gawi dahil the entire time, I was just there on the couch. Hindi ako gumagalaw. 

I'm still afraid.

Nakayuko pa rin ako at hindi kumikibo. Baka hindi na maalis sa puso ko ang takot na baka isang araw ay biglain na naman kami ng nasa itaas at mawala siya sakin. Hindi ko na kaya iyon.

Nakita ko ang kanyang sapatos saking harapan hanggang sa dahan dahan nang umangat ang aking mukha. 

At heto na naman siya, nakaluhod sa harapan ko. Malayo na ang kanyang itsura sa Milan na kanina lamang ay umiiyak sa sakit.  He looked okay now but that didn't made me feel at ease.  Kasi takot na takot pa rin ako. 

"Baby..." umpisa nito.  Hinaplos haplos niya ang aking buhok at tila ingat na ingat sa'kin.  His eyes were full of moist. Sa totoo lang, gusto kong sisihin ang sarili ko.  Knowing that he's emotionally pressured, baka ako ang dahilan kung bakit ganoon siya.  Kasi dahil sakin ay pilit niyang inaalala ang mga bagay na nakalimutan na ng kanyang isipan.

"It was all my fault," bulong ko bago naitakip muli ang aking mga palad saking mukha. I cried again.  Paulit ulit na lamang akong umiiyak and it's unhealthy pero at this point, ito lang ang kaya kong gawin.

"No..." hinatak niya ako palapit sa kanya at ikinulong sa kanyang mga bisig. 

"Hindi mo kasalanan. Sabi ng mga doktor, pagdaraanan ko talaga ang ganoon at one point of my life.  Normal daw iyon sa mga taong nawalan ng alaala. But I'm okay now baby. Hindi ba nga, we promised to create new memories together instead? Kaya okay lang... Okay na..." dagdag nito.  Naramdaman ko pa ang masuyo nitong paghalik sa tuktok ng aking ulo. 

"I will be okay Dakota.  Ngayon pa na bumalik ka na sakin?,"

Lumayo siya bahagya at sinilip ang aking mukha. 

"Bagay pala sa'yo ang t-shirt ko. Huwag ka ng magde-dress ulit. Suotin mo na lang lagi ang mga damit ko, ha?" nakangiti niyang turan. Napanguso pa ako ng bigla niya akong nakawan ng halik saking labi. 

Lumukso ang aking puso at hindi ko man aminin, kinikilig na naman ako. 

Nagawa ko pang kiligin in this situation. 

"Ano, maglalandian na lang kayo dyan o text niyo na lang ako mamaya para sunduin kayo?"

Sabay kaming napalingon sa gawi ng bunso nila na nakatakip pa ng bahagya ang kalahati ng mukha na akala mo ay diring diri sa nakikita. 

"Nakita ko na to dati e, sa computer shop, yung supsupan. Sumbong ko kay Tita Tasya mga anak niya," tila pa ito kinilabutan bago tumalikod at tinungo ang pintuan.  Dinig na dinig ko pa ang mga bulong nito na ang weird pakingan.

Natawa naman si Milan at muntik na akong mapatili ng bigla na lamang niya akong buhatin, bridal style. 

Napakapit ako sa kanyang leeg sa takot na baka bigla akong mahulog. 

"Milan!" saway ko sa kanya. Siya itong kakatapos dumaan sa mga test tapos ay binubuhat niya pa ako. 

Kitang kita ko ang kanyang naging pagngisi bago ako muling hinalikan sa aking labi.  Napalunok ako at talaga namang pinigilan ang sarili dahil baka bigla ko na lamang siyang mahatak para mahalikan ng mas maayos. Hindi yata ako makukuntento sa mga smack smack lang.

"Practice lang para kapag binuhat kita after ng sarili nating kasal, ready ako," anito bago ako kinindatan. Naitago ko ang aking mukha sa kanyang leeg sa sobrang hiya. 

Wala na akong pakialam kung gumawa pa kami ng eksena sa lobby dahil sa ginawa niyang pagbuhat sakin. Sa itsura at tindig ni Milan, sino ba ang hindi mapapatingin?

Okay lang din, mamatay sila sa inggit. Because this man is now mine. I'm finally his Queen.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now