9. Time Manipulation

35 9 18
                                    

"Hindi na sana kita tinawagan nung una palang."

Pinagsisihan niya pala na pinasama niya ako? Tangina siya. Ngayong malayo layo na yung narating namin, ngayong feeling ko onti nalang makikita na namin si Papa, tapos ngayon niya lang din sasabihin yang bagay na yan. Kung alam ko lang na talagang ayaw niya, edi sana hindi na ako nag-pumilit. Kung alam ko lang na ganito mangyayari, sana hindi na ako sumama. Tama siya, sana bumalik nalang ako sa pagaaral ko.

Pinunasan ko yung mukha ko saka tumingin sa kanya, "Sana nga, sana nga hindi na ako sumama sa tanginang paghahanap na ito kung alam kong ganito lang din ang mangyayari." sabi ko sabay kinuha yung flashlight sa lapag at naglakad pabalik dun sa kung saan naka-park yung sasakyan ni Raymond kanina.

Bwiset siya! Gusto ko lang naman tumulong sa paghahanap kay Papa, gusto ko lang bumawi sa kanila, sa pamilya. Pero bakit parang sinasabi niya na wala akong karapatan na bumawi? Wala akong karapatan na ayusin yung nasira ko.

Kung alam ko lang din na ganito yung mangyayari, sana hindi ko na sinagot yung tawag niya, sana hindi na ako sumama sa kanya. Kung alam ko lang! Sana —Buwiset ka AlastairPati bata dinamay mo. Nangako ako kay Lucas na tutulungan ko siya, na ilalabas ko siya sa lugar na yun. Sinira mo yung pangako ko sa kanya. Umasa yung bata sa akin, wala siyang kinalaman dito.

Bata lang siya, wala pa siyang alam.

Malapit na ako sa sasakyan, nang may nakita akong firetrucks sa tabi ng pick-up ni Raymond. May mga rescue or firefighter din na chine-check yung loob ng pick-up gamit yung mga flashlight nila. Agad kong pinunasan yung mukha ko at pumunta duon.

"Sasakyan ng kasama ko yan. Anong kailangan niyo?" tanong ko duon sa nakasuot ng firefighter gear at naka-helmet. "Ano kailangan niyo? Nakikinig ka ba?" tanong ko ulit kasi parang wala siyang naririnig.

"Okay, ma'am." Pinatay niya yung flashlight niya saka tinanggal yung helmet. "May tumawag sa amin at nakakita sa inyo na nag-trespass daw kayo sa lote nila kung nasaan tayo ngayon. Hindi daw po kayo nagpaalam." sabi niya, saka tumingin sa akin, nang makita niya ako bigla siyang ngumiti. "Pagkakataon nga naman."

Nakita ko na ba siya kung saan? Parang pamilyar yung mukha niya. Blond yung buhok niya, mukhang bata pa pero rescue na siya kaya malamang ka-edad ko lang 'to na nasa twenty plus. Pero parang nakita ko na talaga siya. Bakit ba simula nung sumama ako sa paghahanap na 'to lahat ng makita ko pamilyar sa akin. Nabubuhay na ba ako dati ng hindi ko alam, piste. Dahil nanaman siguro 'to sa kwintas na binigay ni Alastair.

"Sandali lang. Una, Hindi kami nag te-trespass, wala namang nakalagay na no tresspasing dito. Pangalawa, Sino kaba? Hindi kita kilala." Pilit ko pading pinag mamasdan yung mukha niya para alalahanin kung saan ko siya nakita. Mukang foreigner yung itsura niya, pero nagta-tagalog siya, siguro matagal na siyang nandito.

Hindi ko talaga maalala.

"Bea," Nakita ko sila Raymond na papunta sa sa amin, kasama nila yung iba pang mga rescue. Sinundo 'ata sila duon sa loob ng gubat.

"Hindi mo siguro naaalala dahil wala kang malay, pero yung team ko ang nag-rescue sa inyong tatlo nung naaksidente kayo sa Pasay." Nung nalimutan ni Alastair magmaneho. "Naka destino ako duon nung araw na nagkaroon ng car accident."

Naalala ko, tumawag ako ng 9-1-1 nung araw na yun. Pero hindi ko siya nakita nun dahil wala akong malay. Mag papasalamat ba ako?

"Bakit kailangan pang pumunta ng rescue kung trespassing lang pala ang natanggap na tawag?" tanong ni Aidan na totoo naman. Bakit kailangan pa nila magdala ng firetruck? Wala namang sunog.

"Dahil po, Sir. Delikado ang lugar na 'to. Madaming naliligaw dito at hindi na nakakabalik. Suwerte po kayo dahil nakalabas kayo ng gubat ng buhay," paliwanag ng isang pang rescue, Captain 'ata nila yun. No shit. Muntik na talaga kami di makaalis sa lugar na iyon. "Kailangan ko po kayong ihatid sa malapit na presinto para duon nala—"

Philippine GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon