3. Addiction in Passion

71 12 68
                                    

Binaba ko yung mga libro sa tabi ko saka sumandal sa backseat. "Wala na bang ibang paraan para maka catch up sa mga nalalaman niyo?" tanong ko, sinabi ko kasi na ituro niya yung basics ng mga nalalaman nila, hindi yung pabasahin ako ng libro na tungkol sa mga witchcraft, god and goddesses, at kung ano-ano.

"Diba gusto mo malaman lahat? Basahin mo yan lahat." sabi ni Alastair habang nag da-drive "Dapat nga matuwa kapa na binabasa mo lang yang mga yan, kung si tandang ang magturo sayo? Shit, things are actual, at kailangan mo mapatay sa harap niya."

Maka 'tandang' to. Papa po namin tinutukoy niya.

Pero kung ganun nga ang way ng pagtuturo ni Papa kay Alastair, hindi ko ma-imagine yung buhay niya. Mula pala nung bata kami tinuruan na siya ni Papa tungkol sa ganung mga bagay. Kaya pala palipat-lipat kami ng school, ng lugar at titirahan, at madalas andaming pinagbabawal ni Papa na gawin at puntahan namin. Wala akong kaalam-alam na may nakakatakot pa pala sa totoong buhay.

"Nakakapagod kaya magbasa. Iba naman pag usapan natin. Um, ikaw." Lumipat ako sa harap ng kotse, umupo ako sa upuan sa tabi niya. "Anong nangyari sayo nung umalis ako? Bakit lumaki boses mo, saka itong muscle mo." sabi ko sabay suntok sa malaki niyang braso "Nag gi-gym ka no?"

Napangiti naman siya sa tanong ko, "Para sa kaalaman mo, hindi ako nag gi-gym. Work out lang yan kung saan, pangtanggal stress. At nung nawala ka? Ayun gumanda buhay ko, wala na yung parang asong bata na kung saan ako mag punta kuya pengeng ganto... kuya punta tayo sa ano.."

"Nakakatawa. Hindi ako ganun nung bata ako."

"Aba, malala ka nung bata ka. Mas lalong lumalala ka pa nga 'ata ngayon."

"Ewan ko sayo. Pero, ano nga? Nung lumayas ako? Anong nangyari sa inyo ni Papa?"

"Wala naman. Pinagpatuloy niya, namin, yung pag hahanap kay Bathala habang nag hu-hunting ng kung ano-ano." sagot niya ng seryoso habang nakatingin sa kalsada. "Walang nagbago, kung kilala mo si tandang, alam mong hindi siya titigil kahit ano pang mangyari sa paligid niya."

Hindi ko lang maintindihan, bakit hindi sinabi ni Papa lahat ng 'to sa akin? Ibig kong sabihin, itong mundong 'to, yung mga elemento na nasa paligid, saka yung mga nalalaman ni Alastair. Ang tanging sinabi lang ni Papa sa akin ay yung tungkol sa kinuha ni Bathala si Mama, yun lang. At yung ibang mga pinapaniwalaan niya, manananggal o ano mang nakakatakot diyan, hindi niya sinabi sa akin.

Hindi sa magbabago pananaw ko kung sinabi niya yun, pero parang walang plano si Papa na gawin sa akin yung ginagawa niya kay Alastair. Gawin akong, isang Hunter.

"Masaya pa nga siya na lumayas ka, para daw hindi ka na madamay sa sitwasyon namin."

"Madamay?" Ano bang iniisip niya? Pamilya kami, problema ng isa, problema ng lahat, 'eto lang akong talagang tanga na hindi naniwala na may problema "Eh Girlfriend? Meron kan-" Pagbabago ko ng usapan, na ikinalaki agad ng mata ko nang maalala yung last na nagkita kami, two years ago? Yung last relationship niya. Alam ko dahil nandun ako nung nangyari yun, at yun yung huling kita namin.

"Wala. Sex friend lang." Bigla ko siyang hinampas sa braso. "Aray ko! Nagtatanong ka diba?"

"Ang bastos ng bibig mo, ganyan kaba pinalaki ni Papa? Saka anong klaseng tao ka, nag kikipag kaibigan ka para sa- duon- basta duon? Ikaw paba yan, Alastair?"

"Sex? Say it. Wag kang pa-inocente, matanda na tayo. At saka wala namang tatagal na relasyon sa sitwasyon ko, palipat-lipat ang lugar. Sa tingin mo may magtatagal sa akin sa lagay kong 'to?" tanong niya saka tumingin sa akin ng sandali bago bumalik ng tingin sa dinadaan. "Wala,"

Philippine GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon