Pagpapakilala sa mga Tauhan

1.4K 13 0
                                    

Ezequiel Braylon Gomez (eh-ze-ki-yel) - "Quiel"  for short, 6 footer, matangos ang ilong at ang pinaka kinahuhumalingan sa kanya ng tao ay ang kanyang makakapal na kilay, isa syang mayamang gwapong anak nina Don Gauge Gomez at Damaris Santos. Isa sila sa pinaka mayamang pamilya dito sa Pilipinas. Sila lamang ang nag mamay-ari ng isa sa mga tanyag na Resort And Golf Club dito sa Pinas. Kasalukuyang 20 taong gulang si Quiel. Di sya nag aaral dahil ayaw nya kahit anong pilit sa kanya ng magulang nya. Lumaki kase syang spoiled at laging na susunod ang mga gusto, bunga na rin ng pagiging bukod tanging anak ng mayayaman.

Aitana Araceli Nesas (ay-ta-na ara-che-li) - "Tana" for short, isang masipag na babae na lumaki sa hirap. Bata pa lamang sya ay natuto na syang kumayod para sa pamilya, solong anak sya nina Jaime Nesas at Pacita Jerez. Di nya nakukuha lahat ng gusto nya, makukuha nya lamang ito kung ito'y pag sisikapan nya. Pamamasada lang ng tricycle ang ikina bubuhay nilang pamilya. At ngayong matanda na ang mga magulang nya, siya na ang kailangan kumayod at isakripisyo ang kanyang pag aaral sa edad na 19.

Nevaeh Aquino (na-vé-yah) - siya ang ex-girlfriend ni Quiel na hanggang ngayon ay baliw na baliw paren kay Quiel kahit na trip trip lang ang relasyon nila. Ang nanay ni Nevaeh ay step-sister ng tatay nito. Kaya kung tutuusin ay mag pinsan sila kahit di sila tunay na magkadugo.

The Boss' PromiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora