Chapter 1:

1.1K 16 0
                                    

Early 2015

"Anak, di na kaya ni Papa."

sabi ng ama ni Tana sa kanya.

"Matanda na si papa, diko na kaya pa mamasada, at kung ganon wala tayong pangkukuhaan ng pang-pinansyal dahil wala rin namang trabaho ang mama mo", pahabol nito.

"Mapipilitan kameng pahintuin ka sa pag aaral kung ganon."

At habang isinasaad yun ng ama ni Tana ay tila bang tumigil ng iilang segundo ang kanyang mundo. Matalino si Tana simula pag kabata at lagi rin syang nasa honor. Masipag si Tana pagdating sa pag-aaral dahil pangarap nyang maging isang engineer.

"Pero pa!", malumayang sagot ni Tana sa ama.

"Pasensya na anak ha, pati edukasyon mo ay nasasakripisyo. Hayaan mo anak babawi si papa sa mga susunod na araw." sabi nito kay Tana.

TANA'S POV

Hays, ayokong huminto ng pag aaral dahil ito lang ang paraan para maabot ko ang pangarap ko. Pero wala naring paraan dahil kapos ang pamilya namen.
Kailangan ko na sigurong kumayod dahil ako nalang ang aasahan sa pamilya. Matatanda na ang mga magulang ko at ako nalang ang maaaring bumuhay saming pamilya.

Gagawin ko ang lahat para lang makahanap ng trabaho. Para lang ma buhay kaming pamilya.

Gustong gusto ko maging isang engineer pero malabo dahil di ako nakapag tapos. Nahinto ako sa pagiging kolehiyo.

Habang naglalakad ako sa mall ay nakakita ako ng babaeng nagbibigay ng pliers na may nakasulat tungkol sa mga bahay.

Di naman ako bibili ng bahay pero na curious ako dahil dinaldal nako nung ate doon.

Di naman ako mukhang mayaman para bumili nalang ng bahay kung kelan ko gusto. HAHAHAHAHAHA

Pero kaya rin siguro ako ayaw paalisin nito ay dahil sa aking aura. Oo mahirap lang kame pero di sa pagmamayabang ay maganda ako. Like define the word maganda. Maputi ako at kayumanggi ang mga mata. Kung di ako magsasalita ay iisipin mong espanyol ako dahil sa aking itsura.

Ang aking ina kase ay isang espanyol na nanirahan sa Pilipinas at sinubukang mag bukas ng isang negosyo ngunit di pinalad. At doon nya nakilala ang aking ama.

Back to the story, sabi ko sa sarili ko ay gusto ko ring magtrabaho tulad nung ateng madaldal sa mall. Kahit wala akong experience ay feeling ko may kukuha saken. Diko alam feeler ako eh lol.

So nag apply ako sa isang agency na nirekomenda saken nung ateng madaldal sa mall. At imbis na ganon ang maging trabaho ko ay di ako makapaniwala sa sinabi ng tao don.

Ipapasok daw nya ako bilang katulong.

Natulala nalang ang aking mukha dahil pumunta ako sa opisina ng naka pormal tas katulong lang ako?

Jusko naman, sabi ko sa isipan ko.

"Ah, ako po?, katulong?", pag tataka kong tanong.

"Yes, miss! And you're hired now. Im gonna text you nalang so you can get the address, and by the way you can start tomorrow."

Tila ako maiiyak ng malaman kong magiging yaya lang ako.

Tho diko minamaliit ang pagiging yaya, pero etong mukhang to pag yaya?

HUHUHUHUHU






The Boss' PromiseWhere stories live. Discover now