"Okay na ko hyung. Lalo na nandito bebe ko." sambit nya sapat lang para hindi nila marinig ang pangalawang sentence na sinabi nya.








"Nagtext pala sakin sila Gyu, punta daw sila dito."











"Sinong kasama nya"











"Silang dalawa ni Wonwoo."








"Andyan nanaman yung yunek kupal." napailing iling nalang si Jihoon sa sinabi ni Seungcheol. Ngunit nang tumayo si Seokmin ay agad naman nya itong napansin.











"Oh Seok, san ka pupunta?" tanong nito habang si Seokmin ay parang nagmamadali na ayusin ang mga gamit nya.











"A-ah.. aalis na ko. Darating na kasi mga kaibigan nyo. Baka ayaw nila akong makita..." sambit ni Seokmin. Maglalakad na sana sya ng hawakan ni Jihoon ang kamay nya.










"Ano ka ba. Hindi naman sila nangangagat. Kilala mo sila hindi ba? Wag ka ng matakot hindi ka naman nila aawayin. Dito ka lang. Pakainin mo si Soonyoung at bibili lang ako ng makakain natin." sambit ni Jihoon. Wala namang nagawa si Seokmin at umupo nalang ulit.










Ito naman talaga siguro ang dapat at tamang gawin ni Jihoon. Kaya nga sya pumayag sa offer ni Soonyoung para paglapitin silang dalawa hindi ba? Ayun dapatang gawin nya, dahil ayun ang pinag usapan nila.











"Samahan na kita, Ji!" sambit ni Seungcheol at tumakbo papunta kay Jihoon pagtapos ay inakbayan ito.












Tangina ang babastos ng dalawang 'to sa harap ko pa talaga. Sakit kaya?!












"Oh sya. Hintayin nyo nalang dito sila Gyu." sambit ni Jihoon bago pihitin ang door knob. Gusting gustong pigilan ni Soonyoung na umalis si Jihoon. Gustong gusto nyang sabihin na sana mag stay nalang sya sa tabi nito. Yakapin nya hangga't magaling na sya. Sya magpakain sakanya. Alagaan sya.












Pero di nya ginawa.












Dahil sino ba sya? Ano bang karapatan nya?












Wala.












"Oh, narinig mo na si Jihoon hyung. Kumain ka na Soons para lumakas ka." isusubo na sana ni Seokmin ang lugaw sa bibig ni Soonyoung ng tabigin nito ang kamay nya na dahilan ng pagkatapon ng lugaw sa damit nya.












"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayaw ko sayo? Ilang ulit ko pa bang ipaparamdam sayo para tumatak dyan sa kokote mo na si Jihoon yung mahal ko?! Seokmin, alam mo tumigil ka na. Nasasayang lang yung efforts mo saakin. Wag ka ng magpakita saakin. Kasi kahit anong gawin mo hindi ako makikipag balikan sayo. Naiintindihan mo ba ako?" hindi nakapag salita si Seokmin, ni gumalaw ay hindi nya nagawa dahil sa gulat. Hirap syang iproseso sa utak nya ang mga sinabi ng minamahal nya sakanya.












Masakit. Masakit kasi diretsahan nyang sinabi ng walang hinto. Masakit kasi, parang wala talaga syang pake sa nararamdaman nito.












"Gets ko naman. Gets ko naman na ayaw mo saakin. Ang hindi ko lang magets ay bakit si Jihoon pa? Hindi ko magets bakit, hindi mo ko magustuhan?!" natahimik naman bigla si Soonyoung ng may pumatak na luha sa mga mata ni Seokmin. Pinulot nito ang natapon na lugaw at kumuha ng tissue para punasan ang kanyang sarili. "Sorry ha! Sorry kasi sayo ako nagkaganito! Alam kong madami akong kasalanan sayo kaya sa paraang ganito nalang ako bumabawi."











"Sorry kasi nasanay ako na lagi kang nasa tabi ko. Nasanay kasi ako sa thought na, tayo hanggang dulo. Sayo ko nakikita yung future ko. Lahat ng first ko, sayo ko nagawa. Gusto ko pati last sayo ko rin gawin."











"Sorry kasi nag eexpect parin ako na babalik yung dating tayo. Dito nalang ako makakabawi sa lahat ng pagkukulang at kamalian ko, wag mo naman ako putulan ng koneksyon sayo. Kahit sa paraang ganito lang mapapantag na yung loob ko. Kahit sa paraang ganito man lang makabawi ako," pinunasan ni Seokmin ang luha nya. At tumayo sabay kinuha ang kanyang gamit. "Hayaan mo naman ako sa kasiyahan ko."











At yun na ang huling sinabi nya bago sya tumayo at lumabas ng room ni Soonyoung. Sobrang bigat ng katawan nya, sobrang bigat ng puso't damdamin nya. Pakiramdam nya pasa pasa nya na lahat ng hirap at pasakit sa mundo.












Tangina kasi, bakit si Jihoon pa?












---

goodeveniiiing! hehehe bakasyon na
mga choi! nagbabalik na aq! lame update hehe
pero kamusta na kayo? imissüol!
take care, okay? always wear your mask
and bring alcohol / sanitizer!

distansya muna lalo na pag
alam mong hindi sayo! char0t HAHAHAHAHA

fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now