forty six.

1.7K 89 60
                                    

Isang araw na ang lumipas matapos ang nangyaring 'yon. Tuluyan na ngang hindi nagpansinan ang dalawa. Tumigil narin si Jihoon kay Soonyoung dahil napagod na sya. Napuno na sya, ayaw na nyang magmukhang tanga.









Ayaw na nyang magmukhang nanlilimos sa atensyon ni Soonyoung, nanlilimos sa pera. Ngunit hindi parin nasasabi ni Jihoon sa kanyang kapatid ang kalagayan nya. Natatakot sya na baka itakwil sya nito, lalo na't alam nyang mataas ang expectations sakanya ng kapatid nya.











"Pano na nyan hyung? Saan kayo titira kung aalis ka?" tanong ni Mingyu. Kasalukuyan silang nasa mall. Silang apat nila Jeonghan, Mingyu at Seungkwan. Wala namang pasok ngayon kaya naisipan nilang gumala muna.











"Ewan. Bahala na."











"Sayang. Yung pinapaupahan kasi namin may umupa na, kahapon lang."











"Ayos lang yun, Han hyung. Problema ko naman 'to, wag nyp ng problemahin baka mastress lang kayo." napatingin naman sakanya ang tatlo.










"Hyung naman. Syempre kaibigan mo kami. Your problems are problem us too." di na napigilan ni Mingyu ang sarili nya't binatukan na ang kaibigan.










"aRAY KO NAMAN! WASH YOUR PROBLEM HA?!"










"okay na sana eh! kung di mo lang inenter yung english mong barok! seryoso tayo dito tas bigla kang papatawa gagu ka ba?! at hoy Boo Seungkwan, what yon hindi wash! Bat ko naman huhugasan problema ko?" inirapan nalang ni Seungkwan si Mingyu. Masyado daw kasi itong madaming sinabi.











Pero ang totoo? di ka talaga gusto ng gusto mo.











Char. Ang totoo ay wala lang syang masabi.











"Pero alam mo, Ji. Kung di ko lang kaibigan si Soonyoung baka nabugbog ko na sya." inis na sambit ni Jeonghan.












Galit na galit kasi ito dahil sa nalaman. Nung una, hindi nya talaga inexpect na magagawa ito ni Soonyoung dahil hindi naman daw ito ganoon kasama pero mali pala talaga sila ng akala. Ngayon ibang iba na talaga ang tingin nila kay Soonyoung pero syempre umaasa parin sila na baka nabigla lang ito.












Pagtapos nilang maglakadlakad at bumili ng iilang gamit ay napag pasyahan na nilang umuwi. Inihatid muna ni Jeonghan ang tatlo bago sya umuwi. Nasa harap ngayon si Jihoon ng pinto ng bahay nila. Balak na nya kasing umamin sa hyung nya. Pero hindi nya alam kung paano aamin, kung paano sasabihin lahat.












Ano ba tong pinasukan ko, tangina.












Gusto ng maiyak ni Jihoon sa laki ng problema nya, mas malaki pa sakanya yung dinadala nyang problema eh. Gusto na nyang tumakas dito, pero hindi nya ito matatakasan. Ayaw mang sabihin ni Jihoon sa kanyang kuya ang kalagayan nya, pero dapat parin nya itong sabihin.












"Kaya mo 'to Jihoon. Kinaya mo nga noon mga problema mo. Ngayon ka pa ba susuko?" pag kausap nya sa sarili nya. Doon nya lang narealize na kahit na ay mga kaibigan ka, at the end of the day, sarili mo parin talaga yung sasandalan mo.












fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now