sixty seven.

1.4K 70 9
                                    

The party went well. Pagkatapos ng kausapin ako ni Soonyoung ay hindi na kami ulit nagkita.










Buti naman.













Maganda ang gising ko ngayon. Siguro dahil wala na akong inaalala. Hindi na namin tinapos ang part kagabi dahil puro lasing na ang mga tao doon.















Kitang kita ko pa nga kung paano ako tignan ng mga dating umapi saakin. Ang mga iilan sakanila ay ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko. Kung dati ang mga mata nila'y puno ng pandidiri, ngayon naman ay parang biglang umihip ang hangin.















Sa paningin nila ngayon ako ang angat, kanya kanya silang bati at ngiti saakin na animo'y hindi ko nakalimutan ang ginawa nila.















Umiling ako at agad iwinaksi sa utak ko ang mga hayop na yun, ayokong sirain ang araw ko. Ilang minuto lang ay bumangon na ako para samahan si Hyung mag almusal.













"Oh Ji, gising ka na pala." tinignan ko naman si Hyung ng seryoso.











"Ay hindi hyung. Wala ako. Anino ko lang 'to kita mo naman diba?"











"Ka aga aga pa para mag sungit, Saeng. Hindi na pala ako makakasabay sayo dahil may upcoming album ako kay BigHit. Ididiscuss pa nya sakin eh."












"Sige hyung. Ingat ka." sambit ko bago nya ko halikan sa pisngi. Umalis na si hyung kaya ito naman ako nagluluto ng spicy ramen na may rice cakes. Sinisipag kasi akong magluto ngayon.











Wala mang isang oras ng matapos akong magluto, agad na kong naghain para sa sarili ko.












*ringgggg ringgggg*












Isusubo ko na sana ang pagkain ko ng biglang mag ring ang letseng cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha. Hindi ko na tinignan kung sino ang caller at agad ko ng tinap ang answer button. "Hello, who's this?"












"Woozi, ako 'to Manager mo. Gusto ko lang sanang sabihin sayo na magkakaroon ng upcoming project ang isa sa mga malalaking kompanya blah blah blah" hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinabi ni Manager.












"Ano namang kinalaman ko dyan sa project na yan?"












"Isa kang sikat na singer at song writer, Woozi. Malamang ay kilalang kilala ka na hindi lang sa Korea kundi sa buong mundo. Dadalo ang iba't ibang company share holders na nagmula pa sa ibang bansa. At ikaw ang gusto nilang makita."











"Oh."












"Isesend ko sayo ang pangalan ng company. Gusto ka nilang makausap mamaya."












"Sure. Tignan ko nalang." sambit ko, hindi na nagsalit si manager binaba na nya pala.












Hindi ko muna pinansin ang text nya at tinapos ko muna ang pagkain ko. Nag ayos narin ako para makapunta na sa company na sinasabi ni Manager-nim. Hindi naman ganon kalayo ang location ng sinasabi nyang company kaya mas napadali ang pag byahe ko.












fuck buddies • soonhoonWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu