CHAPTER 6

8 1 0
                                    

Naiinis na sumunod si Rare sa lalake, ang dami niyang nakikilalang estrangerong lalake nitong mga araw, 'di pa nga mawala sa isipan niya ang lalaking nakasalubong niya sa café, that adonis look and how calm he looks like, hinding hindi niya yun makakakimutan hanggang ngayon nga iniisip niya pa din kung ano kaya ang ipapabayad niya sa lalaking yun kung sakaling magkita ulit sila, she hates people who stares at her specially when it's a stranger, pero dahil patok naman yung mukha niyon sa ideal type niya pinagbigyan niya ito.

Gulat na gulat si Rare nang maigiya na siya sa kotse nito, it's not a simple car at alam na alam niyang na aabot iyon sa milyo-milyong pera

"Wow." yun na lang ang lumabas sa bibig niya

Nilingon niyo ang may ari, "You shock?" Basa niya sa hawak nitong cellphone na naka harap na pala sa kaniya

"Yes, I am." maikli niyang sagot habang sinusuri ang kotse "You have a freaking nice car, what's the brand?" Aniya sabay harap sa may-ari

Nagtype ito kapagkuwan pinakita ang phone niya, 'Mansory Vivere Bugatti Veyron'

Napaawang ang labi niya, "That's a freaking million dollars!" She said in disbelief

Nagkibit-balikat na lang ang kausap

"You gotta be kidding me, kahit mayaman kami 'di ako makakabili nito, my allowance is limited" she sighed

Tinitigan niya lang sa bored na ekpresiyon ang may-ari, sinusuri niya ito, he looks handsome naman sa buhok niyang nakahati sa gitna at kulay dark brown na medyo humahaba na and he has a well-toned body kaya bumabagay sa suot niya sa kaniya. Hanggang baba lang siya ng lalaki pero di niya pa rin makita kung anong itsura nito dahil natatakpan, What kind of shades is that? Heavily tinted?

I wonder what he looks like behind those things. Aniya sa isip

Akmang tatanggalin niya ang salamin nito nang pigilan iyon ng kamay ng lalake

His hands are cold, is he okay? Ang init-init tas ang lamig ng kamay.

Mga ilang segundo pang nakahawak sa kaniya ang lalake 'di pa rin siya nito binibitawan kapagkuwan hinila siya papuntang passenger seat at pinagbuksan ng pinto

"What a very rude gentle man" pasarkasmong may diin ang sabi niya at pumasok sa kotse

Pagkaupo niya yumakap kaagad sa kaniya ang amoy ng lalaki sa loob ng kotse

Smells so good, and the car is so... wow. Aniya sa isip habang ine-enjoy ang amoy at namamanghang sinusuri ang loob ng kotse

Natigilan siya nang mapansing hindi pa pumapasok ang may-ari, pinalibot niya ang tingin at nakita niya itong nakatayo sa harap ng pinto ng Driver's seat may kausap ito sa cellphone

I wonder what kind of voice he have. Aniya sa isip

Binuksan niya ang bintana ng driver seat para marinig ang boses nito nguni't wala pa sa kalahati ang pagkakabukas nito nang sumara ulit iyon

"What the heck?!" Pagulat niyang sabi

Kulot noong binalingan niya ang may-ari ng kotse, nakatingin pala ito sa kaniya, napunta ang atensiyon niya sa hawak nitong remote na nakasabit sa key chain habang pindot pindot ang isang pindutan niyon

What the heck is that?. nagugulahan niyang tanong sa isip

Kulot noong tinignan niya ulit ito at sinubukang ulit buksan ang bintana and this time ayaw ng bumukas niyon

I'm Conflict-ly DelightedWhere stories live. Discover now