CHAPTER 4

8 1 0
                                    

It's been days simula nang magexercise si Dae kasama si Mr. Lee at walang araw na di siya pinapahirapan ni Mr. Lee ito na ata ang pinaka kakaibang matandang nakilala niya, kahit nasa 30's pa lang ito matanda na si Mr. Lee para kay Dae

Ngayong araw na gaganapin ang first day na magtatrabaho siya, sa bahay niya ito ginaganap dahil malaki naman ito hindi na problema kung magkakasiya ang mga kagamitan dito. Di naman mahirap para kay Dae ang trabaho niya ang problema nga lang ayaw niyang ngumiti sa camera

"Dae, can you please smile?" Naiiritang tanong sa kaniya ni Mr. Lee

"I don't want to." Sagot niya habang naka pose na at kinuha na ang last shot niya

It's 6:30 PM sakto ang pagtapos ng trabaho niya at gustong gusto niya na umuwi dahil wala namang siyang ginawa kundi humarap sa camera, magpalit-palit ng damit, talagang mawawala ang ngiti niya kase naboboringan siya sa ginagawa

"Look at this, neither one of your picture don't have this thing" nakakunot nuo at masama ang tingin sa kaniya ni Mr. Lee habang nakaturo sa sariing bibig at inunat ang labi pataas, pilit itong ngumiti ng malaki

Di niya mapigilan na mapatawa ng sobra dahil sa itsura nito at bigla namang nagsalita si Mr. Lee habang tumatawa siya

"Quick, take it!" nagmamadaling sabi nito

Sumunod naman kaagad ang kausap nito at may biglang nagflash habang tumatawa siya, nawala kaagad ang ngiti niya. Di niya namalayan na sinadya pala ni Mr. Lee na patawanin siya para lang ngumiti siya sa camera

Camera man pala ang kausap nito at di niya yun napansin dahil lalong di siya nakakita dahil sa singkit niyang mata na lalo pang sumingkit dahil tumatawa siya

"Not funny, Mr. Lee, unbelievable." Itinirik niya ang mata para ipakita na nainis siya sa ginawa nito

Sa buong week na magkasama sila ni Mr. Lee naging parang mag-kuya na ang dalawa, at nasanay na rin siya sa ugali nitong parang bata na palagi nakikipagasaran sa kaniya

Nahawaan talaga nila mom si Mr. Lee. sambit niya sa isip habang umiiling

Nagayos na ang mga kasama niyang magtrabaho naghahanda na ang mga ito na umuwi. Bilang isang successor, of course he respects his co-workers, hinintay niya ang mga ito na matapos tumulong na rin siya sa pagaayos para mabilis, habang si Mr. Lee naman inaasikaso ang pictures niya para mailipat na agad sa company nila sa Korea

Nagtataka talaga siya kung bakit napakasikat ng company nila sa buong mundo pero nasa Korea lang ito nakatayo, ayaw naman ng papa niya na magpatayo ng ibang building sa iba't-ibang bansa para sa mga gustong magtrabaho nito, sabi kasi ng papa niya na original the better. Ewan ba niya sa magulang niya.

"Goodwork guys!" Bati ni Mr. Lee nang tapos na ang mga ito at nakahanda na umuwi

"I'll just file the photos, tapos sabay sabay na tayo umalis sa lungga ng lalaking 'to" sabi nito sabay nguso sa kaniya

Still with that accent, of course, not like Mr. Lee magagaling magtagalog ang ka-trabaho niya kahit galing ito sa Korea, mga Pilipino na kasi ito na sa Korea nagtatrabaho, at ito ang pinadala ng tatay niya para magtrabaho na kasama siya.

"What?!" Napapantastikuhang tanong niya dahil sa sinabi ni Mr. Lee, kahit na sanay siya sa ugali nito, namamangha pa rin siya sa tanda nito tinuturing siya nitong parang ka-edad niya lang, well, di naman masyadong matanda ang mukha ni Mr. Lee, hot pa nga ang turing ng mga ibang babae dito, dahil sa katawan at adonis na mukha. Ipinilig niya ang kamay niya sa mukha nang makitang kinindatan siya ni Mr. Lee

This man is really getting on my nerves. Naiirita niyang sabi sa isip

Nawala ang pagkainis niya kay Mr. Lee nang may naisip siya at tinignan ang orasan. Great, 6:58 PM. sambit niya sa isip at napangiti

I'm Conflict-ly DelightedWhere stories live. Discover now