Extra #13

479 18 0
                                    

April 23, 2015

Dear Diary,

I miss you diiiaaary! Sorry pala diary dahil di pa ako nakapagsulat nitong mga nakaraang araw.

Wala naman kasing mahalagang nangyari sa pagbabakasyon ko dito sa Maynila diary.

Nag-alaga lang naman ako kay papa.

Hindi parin gumigising si papa diary. Naawa na ako sakanya diary.

Hindi naman ako palagi dito sa hospital natutulog diary. Minsan sinusundo ako ni Manong Berting na driver nila at iniuuwi sa bahay nila papa.

Yung pamilya ni papa diary, hindi man lang magawang madalaw siya rito. May isang araw lang diary nasabi sa akin ng doktor na nagpunta dito yung asawa ni papa at tinanong lang sa doktor kung gigising pa ba si papa o hindi na.

Bat ganun sila diary? Hindi man lang ba sila nag-aalala kay papa?!

Sobrang bagot na bagot na talaga ako dito diary! May wifi at TV nga! Wala naman akong kausap! Masakit kaya sa mata ang magbabad sa TV!

Nanood nalang ako ng.... Alam mo na yun diary!

Pero may bago diary! Nung huli akong nanonood diary ay walang sounds. Hininaan ko nga diba? Pero ngayon diary malaya na akooooo! Yeeeeeeyyy!

Nanood ako kanina diary at naka full volume pa! Hihihi! Wala namang makakarinig sakin diary kasi wala naman akong kasama at wala namang malay si papa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary ni Kikay Where stories live. Discover now