Entry #10

587 5 0
                                    

April 15, 2015

Dear Diary,

Andito na ako sa Maynila diary!

Kagabi kasi diary ay napag isip isip ko na pumunta nalang sa Maynila diary. Hindi para alagaan si papa diary (pero kasama narin yun!) Kundi dahil sa nakita ko sa Facebook yung itsura ng maynila diary. (May account na ako sa Facebook diary! Nagpaturo pa nga ako kay Andeng eh!)

Ang ganda at ang laki ng mga gusali na nasa picture diary! Gusto kong makapunta doon diary kaya pumayag nalang ako kay mama diary.

Nang papunta palang kami ni mama upang ihatid ako diary ay nagbaon ako ng plastic na supot. Nahihilo kasi ako kapag nagcocommute diary. Masakit sa sikmura yung amoy ng usok ng sasakyan diary! Idagdag pa yung aircon at pabango ng van! Nakuu! Nakakahilo talaga diary! Napuno nga ng suka ko yung tatlong supot na baon ko diary.

Nakakapanghina kaya bumiyahe diary! Limang oras kami ni mama na nasa van diary. Hinang hina pa nga ako diary kasi lahat na yata ng kinain ko ay naisuka ko na!


Ang layo pala ng Maynila diary! Nakakapagod bumiyahe!

Nang makarating kami dito sa Maynila diary ay nadismaya ako. Akala ko diary napakaganda ng maynila! Ang kalat pala! Ang daming tao! Madaming mauusok na sasakyan! At traffic pa! Ang maganda lang dito diary ay yung mga malalaki at matataas na gusali! Mga magagandang malls! Kaso makalat talaga diary! Matitigas yung ulo ng mga taong nandito diary! May nakalagay na nga na basurahan sa gilid diary tas sa daan nalang binasura! Ganon ba katamad yung mga taga maynila diary?

Kung makalait sila sa ating mga taga probinsya akala mo sobrang ganda ng Maynila! Eh gusali lang naman ang nagdala!

Kung makapagsabi sila na taong bundok at dugyot ang mga taga probinsiya akala mo naman talaga ang linis linis ng Syudad! Eh basura nga nila kalat kalat sa daan! Ilog nila ewan ko kung ilog pa ba ang tawag doon! Kulay itim eh! Yucks!

Ang usok usok pa diary!

Ganto ba talaga ang Maynila diary?

Mabubuhay pa ba ako niyan pag nagtagal ako dito diary?

Next Entry....

Diary ni Kikay Место, где живут истории. Откройте их для себя