Entry #6

649 10 3
                                    

February 29, 2015

Dear Diary,

Hello diary! Pasensiya ka na diary kasi matagal tagal akong hindi nagsusulat.

Naging busy kasi ako diary dahil 4th Grading na namin at malapit na rin ang test! Ang dami naming ginawang project at assignments diary. Tsaka nag iipon na rin ako ng pambili ng selpon diary.

Kanina nga sa school nagkaroon kami ng quiz sa math. Maglabas daw kami ng isang buong papel. Ako lang yung may papel diary kaya nagkumpulan silang lahat sa harap ko para humingi diary. Pero dahil sa nag iipon nga ako diary, pinagbayad ko sila ng tigpipiso nila bawat piraso ng papel kaya ngayon diary may 50 pesos na ako hahaha 18 nga lang bili ko nitong papel ko eh hahahaha!

Tsaka yung walang ballpen na kaklase ko diary ay humihiram ng ballpaen sakin diary. Pero dahil sa marami naman akong ballpen na paubos na pero medyo may tinta pa, binenta ko nalang sakanya ng 10 pesos diary! Hahaha oh diba diary sulit! Napulot ko nga lang yun noong naglinis ako dito sa room eh! Hahahaha
Wise is me! Hahaha!


Dahil sa mga kabutihan na nagawa ko sa mga kaklase ko diary ay naka perfect ako sa quiz namin diary. Pinakopyahan lang naman nila ako hihihi!

Next Entry....

Diary ni Kikay Where stories live. Discover now