Entry #9

574 17 0
                                    

April 14, 2015

Dear Diary,

Diary! Alam mo ba ang lungkot lungkot ko ngayon! Huhuhu!

Si mama kasi diary, nakita ko nanamang umiiyak sa may gilid. Naawa na ako kay mama diary, halos gabi gabi nalang siyang umiiyak!

Lumapit pa nga ako sakanya diary at tinanong kung bat siya umiiyak.

"Mama! Bat ka na naman umiiyak?", lapit ko sakanya diary.

Malungkot siyang tumingin sa akin diary. Kita ko pa yung mugto niyang mga mata diary. Nakakaawa talaga si mama diary.

"Mama naman! Gabi gabi ka nalang umiiyak! Sino bang nagpapaiyak sayo mama!", humihikbi ko nang sabi diary dahil muli na namang lumalandas ang luha ni mama sa kaniyang mga mata.

Hindi ko na kasi mapigilan ang emosyon ko dahil sa nakikita ko kay mama diary.

Tumingin lang si mama sakin diary at nagpunas ng luha.

Bigla niya akong niyakap diary at humagulgol na naman sa pag iyak sa balikat ko.

"A-a-anak, K-k-kikay yung papa mo nadisgrasya. M-m-malubha y-yung lagay n-niya n-ngayon nasa ospital siya ngayon sa maynila a-at walang m-m-mag aalaga.", sabi ni mama diary.

Hindi ko alam kung anong mararamdam ko sa nangyari sa papa ko diary. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako at iiyak diary. Hindi naman kasi nagpapakita sakin yung papa ko diary! Hindi niya manlang ako inabalang alagaan at bisitahin manlang! Hindi ko alam diary kung matutuwa ako dahil sa karma naman ni papa yun diary dahil may iba na siyang pamilya't pinagpalit na niya kami ni mama diary!

Maganda naman kami ni mama diary!

"Bakit ma? Di ba po may pamilya naman si papa? Bat di nila siya maalagaan?", pagmamatigas kong tanong diary.

Yumuko lang si mama diary kaya hindi ko makita kung umiiyak na naman ba siya.

"Busy kasi yung pamilya ng papa mo anak. Walang mag aalaga sakanya. P-pwede bang p-pumunta ka muna sa maynila a-anak? K-kahit ngayong buwan lang anak! Alagaan mo muna yung papa mo!", sabi sakin ni mama diary.

Papayag ba akong pumunta sa maynila at mag alaga kay papa diary?

Next entry....
(Mag vote ka naman!👉⭐)

Diary ni Kikay Where stories live. Discover now