"Hindi ko alam. Hindi naman ako ang kausap mo sa lakad na 'to," pagtataray ng ampon ni Chase.

Napangisi ako bago nagdesisyong tumuloy sa mall.

We were inside the book store at tumitingin na rin ako ng librong babasahin. Wala naman din kasi akong ibang pwedeng pagkaabalahan.

I was scanning through some romance novels nang halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsasalita ni Lantis.

"Nangangarap ka pa rin ba ng isang happy ending para sa inyo ni Milan?"

Sinamaan ko siya ng tingin at pinigilan ang sarili na mainis. Buwisit na bata ito. Nananahimik ako, ang tabil na naman ng bibig.

"Find something you'd like to read imbes na iniinis mo ako," angil ko sa kanya.

"Romance novels are for the weak. Bakit kailangan mong papaniwalain ang sarili mo na totoo ang happy ending? Look at Grey's parents,"

Marahas akong napabuntong hininga at nagsisisi na kung bakit pumayag pa akong lumabas. Nagpahinga na lamang sana ako sa'king silid.

"Believing in love doesn't make you a weak person. Hindi naman masama ang magmahal. Love comes in different forms. Iyang simpleng katabilan ng dila mo sa tuwing pinoprotektahan mo ang mga taong importante kay Grey, that's a form of love too. You're just as weak as I am,"

"Nonesense, I have no say sa mga desisyon ni Grey. It was all on her,"

"That makes you even weaker then. Dahil isa ka lang persona na sumusunod sa kagustuhan ng totoong pagkatao niya,"

Sinamaan niya ako ng tingin at matapang ko naman sinalubong nag kanyang mga titig. Sa mga ganitong panahon lumalakas ang presensya niya e.

"Huwag na huwag mong kukwestyunin ang kinabukasan ko kay Milan. Whatever your intention is, wala akong pakialam. I will wait for him. Walang makakapigil sa'kin dahil hindi ko siya susukuan,"

Ibinaba ko ang hawak kong libro bago siya tinalikuran. But that brat doesn't really know when to stop.

"Madaling sabihin iyan ngayon pero darating ang araw na mapapagod ka. Mapapagod ka sa kakahintay at sa huli, hindi mo na kakayanin ang sakit. And when that time comes, sasabihin mo na sana ay bumitiw ka na noon pa para hindi ka ngayon nauubos,"

Umuwi din naman kami at hindi na pinagusapan pa ang nangyari. Nang magswitch siya kay Grey ay parang walang nangyari.

Nagkulong na lamang ako sa'king silid pagkatapos noon.

That confrontation with Lantis made my heart waver a bit. Ayokong isipin ang mga salitang kanyang binitiwan pero hindi ako makapagpigil. I refuse to admit na darating ang araw na mapapagod ako sa paghihintay. Kasi alam ko kung gaano ko kamahal si Milan. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa'kin. But deep inside, napapaisip din ako. Totoo ang sinasabi niya, na napapagod din ako. Pero mas pipiliin kong mapagod ng paulit ulit kaysa tuluyang mawala sakin si Milan.

Nakatulog ako na iyon ang laman ng aking isipan.

If it wasn't the continous knocking on my door ay hindi ako magigising. Kulang din kasi ako sa tulog lately kaya siguro bumigay na din ang katawan ko.

"Yes po?" bungad ko sa kasambahay.

Ni hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng makarinig ako ng ingay sa labas. Milan's room was just right next to mine kaya naman dinig na dinig ko ang pagkakagulo roon maging ang malakas na iyak ni Abuela.

Para akong nanghina bigla at mabilis na napatakbo doon. Please don't tell me na may masamang nangyari sa kanya.

Hindi na ako nagabalang magpalit ng damit. Nakapantulog lamang ako at nakayapak.

Sobrang lakas ng tibok ng aking puso at para akong maiiyak sa sobrang takot. Takot na takot ako sa maaring mangyari. Hindi ko kasi kakayanin.

Napakaraming kasambahay sa labas ng silid at ilang mga guwardya na tila nakaantabaybsa kung anong pwedeng mangyari. A family doctor was living with us para mamonitor palagi si Milan maging ang kalusugan ni Abuela kaya naman hindi na ako nagtaka ng makita iyon sa loob.

Ang inaasahan kong posibleng atake ni Milan ay taliwas sa inabutan kong eksena.

Instead, I saw abuela sitting on a chair sa harapan ni Milan habang ang doktor naman ay tila sinusuri ang pasyente.

At kahit na nasa bandang pintuan pa lamang ako ay mabilis na nagbagsakan ang aking mga luha nang mapagtanto ang mga nangyayari. Hindi na kinaya ng aking mga tuhod at napasalampak na ako sa sahig. Naitakip ko ang aking mga kamay sa'king mukha at doon na naiyak. Ang kaninang takot na lumulukod saking puso ay unti unting napalitan ng kasiyahan.

Milan was finally awake.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now