Nakatulala na lang si Dae kay Mr. Lee na mahimbing na natutulog. He looks tired though. Aniya sa isip

Nawala siya sa malalim na pagiisip nang sinagot na ng mama niya ang tawag

"Why so slow to pick up?" Tanong niya agad sa mama niya

"Darling we're sleeping na" sagot nito

Sleeping ba talaga?. Napangisi siya naisip niya

"Oh no, I know that look, mali ka ng iniisip." sambit ng mama niya habang nakangiting dinuduro pa siya

"Whatever mom." aniya na nanunudyo "tsaka nga pala, why are you guys wrapping me tomorrow, I will look like a criminal mom." aniya at hinilamos ang palad sa mukha

"Kailangan lang anak, iyong sasalubong kasi sa amin isa sa mga pinakamataas na kompanya, worldwide din, kaya iyon, ayaw pa namin ipakita ang mukha mo kasi baka may kumalat na stolen pictures mo at makakatrabaho mo rin sila, so gusto namin di pa nila alam kung anong itsura mo bago magtrabaho." may pinakita siya na folder "this is your files, na-receive na namin galing kay Mr. Lee, so proud of you son." anito na nakangiti

That made his heart melt, gusto niya talaga na mapakinabangan siya ng magulang niya

"Tumaas ratings natin simula nung kumalat sa Korea ang tungkol sayo at dahil sa pagtaas ng ratings humingi ng tulong iyong kompanya na iyon and they want to collaborate, so next month you'll be having a photoshoot with the successor of that company and..." napakagat ito sa labi mukhang nagaalangan ito sa sasabihin niya "I'm sorry Darling, pero parang simula next month kakalat na sa buong mundo ang mukha mo." anito at napayuko

Parang may humaplos sa puso niya dahil sa lungkot at takot pero mas lalo siyang nalungkot dahil sa istura ng mama niya, hindi ganun ang mama niya, lagi kasi itong masigla at palangiti, di pa niya nakikita na nagkakaganito ang mama niya lalo na't dahil pa sa kaniya

"It's okay mom, don't worry about it." aniya habang nakapungay ang mata, seeing his mom like that he will do anything to make her happy

Bigla namang sumaya ang mukha ng mama niya, that made him smile too

"Really? Hindi mo tatanggihan?" Anito na parang hindi na naniniwala

"Yes mom, besides this is my way to exchange all the things you and Dad have done to me. Medyo nakakakaba nga lang, pero para sa inyo, I'll try my best." aniya habang nakangiti

"Thank you son, very much, I wish I can hug you tight right now." anito na may malapad na ngiti

"Your welcome." aniya habang nakangiti pa din "Well then see you later mom." aniya

"See you later." sagot naman nito habang nakangiti

Then he end the video call using the remote. Pagtapos nun kaagad siyang umakyat sa 2nd floor patungo sa guest room niya, kinuha niya ang kumot ng higaan doon at bumalik sa sala

Kinumutan niya si Mr. Lee na mahimbing na natutulog. He really looks so tired. Aniya sa isip. Ayaw niya itong buhatin kasi alam niyang mahihirapan siya, eh sa laki ba naman ng katawan ng lalaking ito

Iniwan niya si Mr. Lee sa sala at umakyat na sa kaniyang kuwarto. Hindi na siya makatulog, gising na gising na ang diwa niya dahil sa mga dapat niyang gawin bukas. Inihanda niya na lang ang mga susuotin niya bukas pumasok siya sa walk-in closet niya at kinuha niya ang black turtle neck na long sleeves niya

"Seriously? Ang init-init na nga dito sa Pilipinas e." naiirita niyang sabi

Kinuha niya ang tuxedo niya na kulay asul, pagtapos ay napagisipan niyang jeans na itim na lang ang ipapares niya rito

I'm Conflict-ly DelightedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora