Chapter 33 - Lover's Trial

2.9K 88 8
                                    


Paolo's POV

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok sa bahay ko?" Takang tanong ko kay Xander nang pagpasok ko ng bahay ay nakita ko siyang nakaupo sa pang-isahang sofa.

"Cousin, nakalimutan mo na bang kaya kong gawin ang lahat?" Pagmamayabang pa nito.

He is stating a fact. Marami kasi siyang koneksiyon. Pati siguro may-ari ng apartment kilala niya kaya nakakuha siya ng susi sa apartment ko.

Dinaanan ko na lang siya at tinungo ko ang kwarto ko. Nagbihis saka lumabas ulit.

"Anong kailangan mo?" Matigas kong sabi. I showed him a poker-face.

"Well, nabalitaan ko lang kasi na there was a feud between you and Jamo. Let's say, gusto kong tulungan si Jamo." Parang umakyat pataas ang dugo ko at nag init ang mukha ko.

Of all my cousins, I never thought na ito ang makakalaban ko. Makakatunggali. Makakaharap. And the mere fact na magpinsan kami ay mas gusto niya pang tulungan ang hindi niya kadugo.

"Look Xander.. I don't care kung gusto mo siyang tulungan pero sinasayang mo lang ang oras mo!" Pigil-galit kong sabi. Ayoko kasing painitin ang ulo ko. Masaya ang simula ng araw ko after me and JM are officially together.

"Cousin, cousin cousin.." Payak na halakhak ang sumunod na ginawa niya. "Hindi mo yata na gets ang gusto kong sabihin." Tumingin siya sa akin with the devilish smile. "Leave JM alone. Akin siya. Maiganti ko man lang si Jamo versus you!" Pananakot niya pa sa akin.

Sa puntong yun ay ako naman ang tumawa.

"Xander, huli ka na! Kagabi lang, akin na si JM. Sa kanya na ako. At kahit sino pa ang gustong umagaw sa kanya, dadaan over my dead body!" I said with a winning smile na halatang di niya nagustuhan din ang narinig mula sa akin.

"What do you mean?" Tanong niya habang magkasalubong ang kilay.

"We are official! Kami!" Simpleng sagot ko. Naintindihan na naman niya siguro yun kaya wala na siyang dapat itanong pa.

Natahimik siya. Halatang di makapaniwala ang rumehistro sa mukha niya.

"Its not true!" Out of nowhere niyang sabi.

"Then sorry to tell you na totoo ang lahat ng yun! Kaya if I were you, umalis ka na sa apartment ko bago kita ipadampot sa mga pulis for trespassing!" Nasabi ko. Alam niya din namang illegal ang pagpasok niya ng basta basta sa bahay ko. He should know. Nagawa na niya yun sa ex-girlfriend niya eh. Muntik pa ngang makulong si Maredy nun, yung ex niya.

Ganyan ka brutal ang pinsan kong 'to.

Walang lingon-likod ay umalis siya sa harapan ko pagkatapos kong salubungin ang mga titig niya.

Nang makaalis ay agad sinarado ko ang pinto at ni lock ito sa looban.

Umupo ako sa sofa at di ko namalayan ang pag pikit ng mga mata ko.

Medyo nag aagaw na ang liwanag at dilim nang magising ako. Kinapa ko ang celphone ko sa bulsa to see one message from JM.

Text message:
Di ka nagpaparamdam.

Nakunsensiya ako sa sandaling pagkalimot dahil nakatulog ako kaya tinext ko siya at makikipagkita ako sa kanya sa bahay niya.

And i spent a night with him.

-----
Weekend kaya walang plano kundi ang mag go with the flow. Yakap ko siya habang nakasandal ako sa headboard ng kama. Napagkasunduan naming magluto ng breakfast. At dahil nagising akong masaya, kelangang mag background.

I Love You, Paolo! (Complete) (BxB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora