Chapter 56 - Freed

2.1K 68 2
                                    

Paolo's POV

Nagpasalamat ako at naintindihan ni JM ang rason ko. Alam kong alam niyang para sa kabutihan ng lahat ang ginagawa ko. Kung ano man ang mangyari, bahala na ang Diyos sa amin.

Oo nga pala. Ilang buwang o taon na ba akong di nakapagsimba?

"Ma.." Tawag ko kay Mama. Sa Mama ni JM. "Bago po tayo lumuwas, pwede po bang dumaan tayo sa simbahan?" Sinagot lang ako ni Mama ng ngiti.

Nagulat si JM sa suhestiyon ko. Bakas sa mukha ang pagkagulat niya.

"Wala akong lagnat Pare tigilan mo nga yan.." Ang nasabi ko nang dumampi ang mga palad niya sa noo ko na tila chi-ni-check kong nilalagnat ba ako. Ito kasi ang first time na nagyaya ako na magsimba.

"Pare ha. Nakakagulat ka ngayon ha!" Tukso pa sa akin ni JM.

"Bakit? Hayaan mo Pare. We will make this a habit!" At hinalikan niya lang ako sa labi.

"Mama is still here alert! Mamaya na yang lambutsingan niyong dalawa. Hindi pa kayo kasal kaya hindi pa din kayo legal sa harapan ko sa usaping ganyan." Nagtawanan na lang kaming tatlo at sabay sabay na lumabas ng bahay.

Sa halip na ihatid si Mama ay nagyaya si JM na umuwi muna sa probinsiya kahit mga ilang araw lang. Gusto niya daw muna ng katahimikan. Gusto niya munang sariwain ang lahat sa probinsiya.

Pagkatapos naming magsimba ay kumain muna kami sa isang restaurant na malapit sa simbahan. Isang boodle ang inorder namin na ngayon ko lang matikman. I love seafoods and the food in front of us is giving me much appetite kaya walang sabi-sabing sinunggaban ko kaagad ang buttered shrimp, lobster at mussels.

Tuwang tuwa naman ang reaksiyon ng mag-ina nang gawin ko yun. Masyado yatang halata na nagutom ako at di ako sanay sa mga ganitong pagkain.

Oo dati we have this but its more off a solo dish. Di ko nga alam na may ganitong boodle kung tawagin. It's a combo of different seafoods sa isang sawali.

I ask JM to drive pagkatapos naming kumain. Nabundat kasi ang tiyan ko sa kinain ko at dinalaw ako ng antok. At maya-maya nga ay biglang ninakaw na ng tulog ang diwa ko. Nagising na lang ako ulit dahil ginising na ako ni JM dahil nasa kanila na daw kami.

Pagkababa ko ng sasakyan ay namangha ako sa nakita kong bahay nila JM. It's an old school type of house yung parang nakita ko dati sa Vigan.

"Pamana ng mga kaninu-nunuan namin!" Ang sagot ni Mama nang tanungin ko siya tungkol sa bahay.

Mas malaki ang bahay namin but it's so technologically infected. Mas gusto ko yung ganitong bahay. Yung parang traditional pinoy na mga bahay? Kahit may touch ng Kastila.

"Pumanhik muna kayo sa kwarto at magpapaluto ako ng pananghalian natin."

Bitbit ko ang dala naming bag ni JM at tinungo ang kwarto kung saan kami matutulog at titira panandalian habang nasa probinsiya kami.

Lalo pa akong namangha nang mapansin ko ang bintanang open na open at labas-pasok ang sariwang hangin sa kwarto.

"Ahhhhhhhh! This is life!" Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Ang sarap ng feeling. Nakakawala ng isipin ang buhay dito sa probinsiya.

"Nagustuhan mo ba?" Usisa ni JM na nakaupo pa sa may bintana.

Tango lang ang sinagot ko habang nakahiga at tila tinatawag na naman ako ng antok.

"Sige, magpahinga ka muna diyan at tutulungan ko lang si Mama sa baba." Di pa man siya umabot sa pintuan ay hinila ko siya at giniya sa kama.

Inihiga ko siya sa tabi ko at pinag-unan ko ng braso ko.

I Love You, Paolo! (Complete) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon