Chapter 22 - What She Knows

5 1 0
                                    

"I need my bag!"

"Usapan natin, sasagutin mo ang tanong ko," paalala ko sa kaniya.

"Oo, I don't break my promise."

"So why were you there? Aware ka ba na may magaganap na pagsabog?"

Natahimik ako saglit the moment I remembered something.

"Okay sige, umpisahan natin sa pinakaunang pagsabog na naganap. You also leaked the information of series bombing. So ibig sabihin, target mo talaga sila?"

She gave me smirk.

"If you want answer, then give me my bag."

"Masyado ka nang maraming dini-demand. Kami nakakaisa pa lang di mo pa binibigay."

"Dapat lang dahil hindi naman basta-basta 'yang hinihingi niyo."

"Kukunin ni Rob," pagsuko ko.

"A-S-A-P," dagdag ko.

Wala na ring nagawa si Rob. Nagsimula siyang maglakad kahit nai-imagine ko yung mukha niyang gusto na niyang magreklamo.

"Lock the door," paalala ko na agad naman niyang sinunod.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya saka niya ako pinagmasdang mabuti.

"Why are you investigating it anyway?"

"You don't need to know."

"Kilala niyo ba ang F&R News?"

"Bakit mo tinatanong? How is it related to my earlier question?"

"I'm working for them."

"I know."

"Sumusunod lang ako sa protocol nila."

"You mean sila ang nag-utos sa 'yo to do it? And you're saying na wala kang alam?"

"Pa'no kung oo?"

Hindi ako kumurap. Pinagmasdan ko lang ang kaniyang mga mata. Matapang rin siyang nakipagtitigan.

"Talaga? Nagsasabi ka ng totoo?" Tanong ko habang nakamasid pa rin sa kaniyang mga mata.

Hindi siya sumagot pero nakatingin rin siya sa aking mga mata.

Mayamaya pa'y bigla siyang umiwas ng tingin.

Ngumisi ako.

"Magsabi ka ng totoo."

"Bakit niyo ba kasi kailangang malaman?"

"Bakit di mo masabi? Pinagtatakpan mo ba sila?"

Sumandal ako sa upuan:

"With the way you act now, mukhang kailangan ko ulit makausap ang Daddy mo."

"S-sandali," sambit niya at bumakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ano"

"Ba't di niyo na lang kasi ako paalisin. Hayaan niyo akong mamuhay sa gusto ko. Kaya ko'ng sarili ko."

"Talaga lang. Eh bakit nung magka-chat tayo parang gustong gusto mong makipagkita dahil kailangan mo?"

"Look the computer you're using is familiar. I know dahil may mga code 'yan. We know if it belongs to the IT Society in our college. Unfortunately, it turned out sa 'yo pala."

Bigla kong naalala kung pa'no ko nakuha ang computer na 'yun.

"It was given to me by Charm before they moved to Singapore."

Behind The AlibiWhere stories live. Discover now