Chapter 4 - He Calls Again

104 7 0
                                    

Napa-kamot ako sa aking sentido habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Dinampot niya ang kaniyang cellphone na nakalapag sa mesa. He started browsing it as if he's looking for something.

Mayamaya pa ay iniharap niya ito sa 'kin at nakita ko ang isang larawan. Ang nasa larawan ay isang piraso ng papel. Sa papel ay may naka-guhit na bomba. At sa loob ng naka-guhit na bomba ay isang mensahe na kulay itim ang tatak.  It is handwritten and it's cursive.

Expect more! Enjoy the series.

Napa-kunot noo ako sa aking nabasa.

"A threat?"

Muli niyang iniharap sa 'kin ang screen ng kaniyang cellphone at napansin ko ang isang logo sa gray na background saka ko nabasa ang naka-sulat.

"F&R News?" sambit ko saka ako napa-tingin sa kaniya.

"Okay?" 'Yan na lang ang nasabi ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Call me slow, basta hindi ko gets. I mean, yes I am familiar with that news publication. F&R stands for Fast & Reliable News. Madalas ko nga 'yang pagkamalang money transfer eh dahil sa pangalan. That's one of the most trusted news publications. But I'm not sure why he's showing it as if it's something new.

"This is their new application," pagsisimula niya. Naka-tingin lang ako at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Anytime and any hour, they upload here all the latest news and issues going on in our country. They're very good at getting scoop. Sila ang nag-leak sa picture na pinakita ko kanina.  Take note, they're the first to get that info. They're really fast and reliable as what their name states!" pagmamalaki niya.

Samantala napa-isip ako at sinubukang i-connect ito sa kanina'y pinag-uusapan naming pagsabog.

"So ano'ng meron sa pagsabog?" muli kong balik sa tila nakalimutan nang topic namin kanina. Sabi kasi niya, it's not just a simple explosion. I don't remember him explaining it yet.

"Ah that one!"

"Aha!"

"Dahil nag-leak na ang information na 'yon, wala nang nagawa ang ating gobyerno kundi ilahad ang mga impormasyong kailangan nating malaman."

"Like?"

"It's going to be a series of explosion. Ibig sabihin, masusundan pa. Based on the initial investigation, the cause of explosion is terror attack. It is possible na napasok na tayo ng mga terorista mula sa ibang bansa. Hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli ang nag-iwan ng IED sa food park. Kaya ngayon, pina-i-igting ng gobyerno ang seguridad. They also ordered all the owner of establishments to double the security. I really need to make myself updated here to ensure the safety of our company."

Tumango-tango ako.

"That must really be paid attention for," sambit ko habang nagsisimulang mamuo ang pag-aalala sa akin. Sana mapigilan ito.

"That's why we need to stay updated!" paalala niya.

"I suggest you download the same application I use for updates," dagdag niya.

"Sure!" paniniguro ko.

'Pag terorismo na ang hinaharap na problema ng isang bansa, hindi na ito basta-basta. Ibig sabihin malala na ito.

Behind The AlibiWhere stories live. Discover now