Chapter 12 - Leaked Information

27 5 0
                                    

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang inaayos ang white sleeves ko into three fourths.

Gaya ng napag-usapan namin ni Hector kahapon, i-re-release ngayon ng sketch artist ang larawan ng babaeng huling nagcheck in sa hotel room na sumabog. Kung hindi ako nagkakamali, Maria Dela Cruz ang pangalan niya.

Bihis na bihis ako ngayon para pumunta sa hotel gaya ng instruction ni Hector.

Nang matapos ako, dinampot ko ang brown envelope sa working table at lumabas ako ng kwarto. Nasa living room ako nang makita ko si Rob, kakarating sa bahay.

"Oh bro," pagtataka niya nang makita ako.

"akala ko ba pag-aaralan natin ngayon 'yung tungkol sa kaso, bakit parang paalis ka naman?"

"Hindi parang. Paalis talaga ako."

Napakamot si Rob ng ulo.

"Sana sinabihan mo ako para di na ako pumunta dito. Nakipagdate na lang sana ako sa dini-diskartehan kong chicks."

"Pwede mo namang pag-aralan 'yung kaso kahit wala ako. Babalik din ako. May kailangan lang akong asikasuhin sa hotel."

"Paano?" Tanong niya.

"Nakahanda na sa library 'yung mga kailangan mo sa pag-aaral sa kaso. Yung mga documents na galing kay Hector maging 'yung laptop kung saan naka-save yung mga CCTV footage, at yung notebook ko na naglalaman ng detalye ng kaso. Baka may mapansin ka na pwede nating gawing lead."

"Oo na."

"I'll be back!" Sambit ko saka ako tuluyang lumabas.

Ilang minuto ang nakalipas nang makarating ako sa hotel. Saktong may natanggap akong message ni Hector.

Conference Room No. 003, 5th floor!

Agad ko itong pinuntahan.

Sa may long table, agad kong napansin si Juanito na nakatayo sa harap ng ilang mga nandoon at may hawak na sketch.

Napansin kong nasa labing-tatlong tao ang nandoon at nakikinig sa kaniya.

Mukhang bawat shareholders may kinuhang kaniya-kaniyang investigator.

"You can formally request for a copy of this sketch, salamat," sambit niya at muli siyang naupo.

Inabot niya ang sketch sa kaniyang kasama. Napalunok ako nang makita ko kung sino ito.

"A-Alli," hindi ko napigilang bulong.

Tuluyan na nga siyang pumayag maging imbestigador.

I looked down. Hindi pa rin talaga ako komportableng nakikita siya sa team ni Juanito.

"Medyo nahuli ka ng dating."

Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Si Hector.

"Medyo late kang nagnotify," paalala ko sa kaniya.

He directed me to the long table.

Hindi ko naiwasang mapatingin kay Alli kung saan nagtama ang mga tingin namin.

Rinig ko pa ang diskusyon ng mga nandoon nang biglang nagkaroon ng katahimikan.

"Mr. Welch, naliligaw ka yata!" Napalingon ako sa pamilyar na boses ng nagsalita.

Nginisian ko lang si Juanito saka ko ikinalat ang paningin ko sa mga nandoon.

"You are here because you are discussing about the sketch of the last person who stayed in the targeted room for bombing, am I right?"

Lahat sila, sumang-ayon.

"Then I guess, I'm on the right place," sambit ko habang nakatingin kay Juanito.

Behind The AlibiWhere stories live. Discover now